BLOOD 49: HATRED

4.9K 137 12
                                    

Daniel's POV

Limang araw na rin mula ng mawalan ng malay si Kath. Nag-aalala na ko. Baka kasi hindi niya makayanan ang pagbalik sa nakaraan niya. Hindi ko rin sigurado kung tatanggapin niya ang nakaraan niya. Hindi ko alam. Pero wag sana siyang sumuko.

Mula sa veranda ay tumalon ako pababa. Pupunta sana ako sa tabing dagat ng biglang kumirot ang dibdib ko. Sobrang sakit. Bigla akong may narinig na sumigaw.

Napakaripas ako ng takbo dahil alam kong si Kath yung sumigaw. Pag bukas ko ng pinto, wala na siya sa kama niya. Kaagad kong tinignan ang paligid. Nahagip ng mata ko ang isang pigura sa isang sulok ng kwarto.

"Kath?" Tawag ko.

Walang sumagot.

"Kath? Ikaw ba yan?"

Wala pa ring sumagot kaya sinubukan kong lumapit sa kanya. Nakita ko siyang wari'y natatakot dahil sa panginginig niya.

"Bakit ganun? B-bakit ganun, Daniel?" Nanginginig ang boses niyang nagsalita.

"Mabuti at gising ka na." Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko dahil nararamdaman ko ang kakaibang aura na bumabalot kay kath.

Unti-unti ko syang hinagkan at niyakap. Nanginginig siya. Ngayong malapit na ako sa kanya, nakita ko ang ekspresyon sa mukha niya. Alam kong may bahid iyon ng galit pero mas marami ang lungkot.

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon