BLOOD 61: ROCK

3.6K 130 19
                                    

KATH'S POV

“Hep.” Medyo may kaartihan ang boses na iyon kaya naman napalingon kaming apat.  Medyo malayo sila Rick noong panahon na iyon pero napigilan sila ng boses na iyon.

Napalingon kaming lahat sa kanya. Halos malaglag ang panga ko. It was a woman, wearing a stunning black suit that revals her sexy appearance. Grabe. Anak ng perfect. Siya na siguro ang isa sa mga magagandang immortal na nakita ko.

Indeed, she is an immortal, I can see it around her with that pitch aura.

“You can’t beat them without me.” Sabi niya, “You know. Bata pa kayo and your enemies went to be a battalion. You really need a helping hand.” Medyo maarte siyang magsalita.

“Mrs. Betty.” Nakangiting tawag ni Rick. “Sumunod pala kayo?”

“Hindi Mrs. Betty ang pangalan ko. It’s Ms. Betz, kuha mo?” Sagot naman ng babaeng nasa harapan na namin. “Oo. And I am not alone, I brought someone.”

“Okay, Ms. Betz.” Mangiti-ngiti pa si Rick.

“Teka, sino pong kasama niyo?” Sabi naman ni Lexi.

“Eh ‘di sino pa?” Ngumiti lamang si Ms. Betz at maya maya pa ay may lumabas na isang lalaki mula sa puno.

“Mr. Grey!!!” Lumapit ito sa amin at nakita ko ang kanyang mukha. He was our professor back then. ‘Yung pumalit sa isang teacher naming dati kasabay ng pagbalik ni Bea dito sa bansa.

“Oh, mamaya na ang talkathon. Let us start the party!”

Nauna kaagad si Ms. Betz na kung lumakad eh akala mo may fashion show. Sumunod naman si Mr. Grey at saka sina Rick, Lexi, at Bea.

“Oh, wait.” Humarap sa akin si Ms. Betz, “Diyan ka muna Kath ha? HMMMMMMWAHHH.” That was a flying kiss. It wasn’t an ordinary flying kiss. Noong hipanin niya ito ay may kakaibang liwanag na bumalot sa paligid ko. “Don’t worry my dear, it was a barrier.” Dugtong pa nito at saka tuluyang umalis.

“Thank you, Ms. Betz.”

At tuluyan na silang umalis.

“HEY CHIKAS ANG MONGOLS!” Dinig kong sigaw ni Ms. Betz, “Do you want to join us in a party that you never expected to be real?”

Nakita ko namang gulat na gulat ang mga nilalang na nakapaligid sa kotse. “Game!!!” Sigaw naman ni Rick at saka sila naghiwa-hiwalay. Ang mga nilalang naman, biglang nagsipagpulasan at hinabol sila.

Nawalan ng immortal sa kotse kaya naman naisipan kong gisingin ang mga kaibigan ko sa loob, pero nang gumalaw ako, para akong nakakulong. Hindi ako makalabas sa barrier na ginawa ni Ms. Betz.

“Hindi ka makakalabas diyan, Dear! Alam kong makulit ka eh. Kaya ginawa kong solid yan.” Dinig kong sinabi ni Ms. Betz.

Napabuga ako ng hangin and dropped my jaw. “Wag kang mag-alala, we can handle this.”

“Pero gisingin niyo muna sila.” Sabi ko.

“Akong bahala.” Sagot ni Lexi. Oo nga pala, Lexi has the ability to enter one’s unconscious mind.

Maya-maya pa ay nakita ko ng lumabas ng kotse sina Julia, Quen, Sam, at Daniel. Tinawag ko kaagad si Daniel na halatang nagulat. Nakita ko naman ang reacksyon ng tatlo kong kaibigan na nakatingin sa mga nagligtas sa amin ni Bea. May kung anong kislap sa ngiting nakita ko kay Quen.

Bakit kaya? Tanong ko sa sarili ko.

“Ayos ka lang, Kath?” Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Daniel.

“Andito ka na agad?”

“Ayos ka lang ba?”

Hindi niya sinagot ang tanong ko.

“Oo naman. Dumating kasi sila Rick.”

“Bakit lumabas ka ng kotse kasi?”

“Hindi kasi ako makatulog.”

“Tss. Sana sinabi mo para sinamahan na lang kita.”

“Alam ko namang pagod ka eh. Kaya naman hinayaan kong ikaw na lang ang matulog.”

“Tss.”

“Alam mo, Daniel. Bago mo ako pagalitan, tulungan mo sila o. Ayos lang ako dito, may barrier naman eh. Lumakad ka na. Talunin mo ang mga kumag na iyan!”

Umiling-iling pa ito bago tuluyang nakipagbakbakan.

The next thing I saw, bulagta na ang lahat ng kalaban nila. Parang hindi naman pinagpawisan ang mga kaibigan niya, pati na rin sina Mr. Grey at Ms. Betz.

Lumapit sila sa akin at parang lobong pinutok ni Ms. Betz ang barrier sa pamamagitan ng isa niyang daliri. “Isn’t this barrier very fabulous?”

Oo nga pala, kayang gumawa ni Ms. Betz ng iba’t ibang lobo. That was her special ability, I think. Kanina lang eh gumawa siya ng explosives at ‘yung iba naman eh kulungan. Pinahintulutan nila ang pagpaslang dahil hindi daw mga totoong immortal ang mga iyon. Mga hayop lamang iyon na ginawang hugis immortal at binigyan ng pagiisip ng tao para hanapin ang sila.

“Hey, Kath?” Tawag ni Quen.

“Hmm?” Sabay lingon k okay Quen.

“Meet Grandma.”

“Saan?” Tapos lumingon lingon pa ako sa paligid ko.

“Ito oh?”

Parang nagslow-motion ang lahat ng bagay sa paligid ko ng hawakan ni Quen ang braso ni Ms. Betz, saying that she is his grandma.

“Are you kidding?” Sagot ko pa.

“Sabi sa’yo, apo. Hindi ako mukhang lola.” Sambit ni Ms. Betz.

“Kailan ko ba sinabing mukha kang grandma, grandma?” Sabi pa ni Quen.

“Is this really true?” Then I looked at them. Tumutungo lamang sila.

“Apo, there no such thing such as impossible in the Dark Circle. I am a vampire since  I was 25 and I guess you know that when a person was turned vampire, that person’s growth and development would stop.” Paliwanag ni Ms. Betz.

“Pero you look like a Korean.” Sabi ko pa. “Apo mo ba talaga si Quen?”

“Yes my dear. Ganun talaga ang mga magaganda. It’s our nature, you know?” Sabi pa niya.

“What do you mean by your question, Kath? Am I that ugly?” Singit ni Quen na parang nagtatampong bata. Parang kanina lang eh para siyang batang iyak ng iyak.

“Hindi ko sinabi yan ha.” Sagot ko.

“Naku. Tara na. Baka may dumating pa.” Sabi naman ni Ms. Betz.

“Pero saan po tayo pupunta?” Tanong ni Daniel.

“Somewhere you all don’t know.”   

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon