BLOOD 66: UNVEILED TRUTH

2.9K 101 3
                                    

Bago pa man naming matapos an gaming pag-uusap, bigla na lamang may kung anong gumalabog mula sa labas ng kwarto. Kumaripas kami kaagad ng takbo papunta sa lugar kung saan narinig namin ang malakas na tunog na iyon.

“Lexi! Rick!” Sigaw ni Julia nang tumambad sa aming harapan ang magkasintahang walang malay at tila nanghihina.

“What happened?” Tanong ni Sam.

“Hey, hey, hey! Long-time no see, guys.” Lalo kaming nagulat nang biglang lumitaw si Bea na ngayon ay si Lia mula sa kawalan.

In a flash of time, Julia and Sam covered Lexi and Rick.

Lia smirked. “Ganoon ba kayo natatakot sa akin at tila nanginginig kayo?”

“Umalis ka sa katawan ni Bea, Lia!” Sigaw naman ni Quen.

“Bigyan mo ako ng sapat na dahilan para umalis ako sa katawan ng babaeng ito? Isa pa, hindi ko naman piniling mapunta sa katawang ito. Siya mismo ang pumili nito. Ini-enjoy ko lang.” Sagot naman ni Lia.

“Stop it, Lia. Didn’t you want my body?” Sabi ko.

Bigla namang nag-iba ang aura ni Lia at ang ekspresyon sa kanyang mukha, “No, dear. Not the body, but the power.”

“Stop it, Lia!” Agad namang hinawi ni Quen ang mga bagay sa kanyang harapan sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan ngunit sa isang iglap, kasama siyang lumipad ng mga bagay na iyon sa isang sulyap lamang ni Lia.

“Hangal. Walang laban sa akin ang natatanging kapangyarihang mayroon ka!”

“Quen!” Napakaripas ng takbo si Julia papunta sa kasintahan.

“Itigil mo na ang kabaliwang ito, Lia.” Sabi ko.

“At bakit? Bakit ko ito ititigil?” Sabi niya.

“Sapagkat wala ka na namang dapat kainggitan sa akin, Lia. Makapangyarihan ka na. Kaya mo nang i-build up ang sarili mo sa abot ng iyong makakaya.”

“Nagtatanga-tangahan ka ba? Matagal ko ng alam ang mga sinasabi mo pero hindi ako makakapayag na pareho tayong nabubuhay sa iisang mundo. Matagal ko ng gustong mawala ka.”

“At bakit Lia? Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa iyo?” Sabi ko.

“Hindi mo alam?” Halos nanlisik ang mata ni Lia sa pagkakabanggit niya noon.

“Inagaw mo sa akin si Niell noong mga bata tayo. Inagaw mo si Kuya Sam. Inagaw mo si Papa. Inagaw mo si Mama. Eh ako? Nawala lang akong parang bula? Walang natira sa akin. Wala kahit ano! Para akong batang pakalat-kalat sa lansangan na walang magulang upang kumupkop!” Nahawi ang lahat sa kanyang paligid.

“A-anong ibig mong sabihin, Lia?” Sabi ko. Si Papa? Si Mama? Si Kuya? Bakit? Anong meron sa kanila?

“Itigil mo na ito, Lia.” Isang misteryosong boses ang nanggaling mula sa likuran ni Lia. Nakita ko ang kakaibang ekspresyon sa mata ni Kuya Sam at nang tuluyang masilayan ng liwanag ang mukha ng taong iyon, namangha ako. Kulay ginto ang repleksyon niya sa liwanag. Napakaganda ng kanyang kutis at tila isa siyang maharlika.

“Anlakas din ng loob mo? Bakit buhay ka pa?” Sabi ni Lia.

“Para tapusin ang mga bagay na hindi ko natapos noon.” Sabi naman ng ginoo.

“Anong hindi mo natapos? Hindi pa ba sapat na inabandona mo ako noon? Hindi pa ba sapat iyon?” Sabi ni Lia.

“Hindi kita inabandona, anak.”

“ANAK?” Sumingit si Kuya Sam sa usapan. “Ibig sabihin nito, si… Lia?”

“Kuya Sam, hindi ko maintindihan ang mga nangyayari? May hindi pa ba ako nalalaman?” Sabi ko.

Humarap sa akin si Kuya Sam at nakita ko ang sinsiridad sa kanyang mga mata.

“Kath, siya si Papa. Siya ang tatay natin.”

Kaagad akong napalingon sa kanya. Nakita ko na ang aking ama sa wakas. Narito na siya sa aking harapan. Sa wakas.

Pero…

Ang ibig sabihin ba nito ay…

KAPATID KO RIN SI LIA?

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon