BLOOD 15: CONFESSIONS

8.6K 160 16
                                    

A/N: Super late update. Pasensya na. Sino na sa inyo ang nakanuod ng Vampire Knight?

 IMBAAAAAAAAAA~ Astig. HAHAHAH.

By the way, ito pong chapter na ito ay PBB TEENS. Hahaha.

Ingat po kayong lahat. ",

Enjoy and thank you for waiting this. :D

========================================

KATHRYN’S POV

 

“Sino naman iyang kasama niyo ha?!” Sabi ni Lex hindi pa man nakakalapit sila Sam sa amin. Nakita ko namang ngumiti si Sam, ganun din si Rick, tapos si Quen, nakasimangot, pero nakuha ng kasama nila ang atensyon ko. Napatitig ako sa batang lalaking kasama nila, mula ulo hanggang paa. Saan naman kaya nila napulot ang bulilit na ito? At teka, may dala siyang… bouquet of flowers.

“Hindi rin namin kilala eh, basta sabi niya, hinanahanap ka raw niya, Kath.” Sagot ni Sam kaya’t biglang nasira ang concentration ko sa batang lalaking iyon.

“A-ako? Bakit naman?” Ibinaling ko muli ang tingin ko sa bata, “B-bakit mo ako—“

 

 

 

Bago pa man ako matapos sa sasabihin ko, bigla na lamang siyang lumapit sa akin at iniabot ang mga bulaklak na hawak niya. “May nag-utos po sa akin na dalhin ito sa iyo. Tanggapin niyo raw po.”

 

 

 

“Huh?!” Naramdaman ko namang lumapit bigla sina Julia at Lexi sa akin. May nakita akong envelope sa gitna ng bouquet.

“Kanino galing?” Tanong ni Lexi.

“Wow, ang sweet! Kanino kaya…” Biglang napatigil si Julia sa pagsasalita ng may nakita siyang kakaiba sa kabilang side ng park, “Mukhang kilala ko na kung sino ang nagbigay.”

Napakunot na lang ako ng noo at tumingin ako sa dako kung saan nakatingin si Julia, kaso, wala naman akong nakita kundi mga nagkukumpulang tao. Napansin ko ring tumingin si Julia kay Sam, at ayun na naman, tila nag-uusap na naman sila gamit ang kani-kanilang mga utak. Baka may telepathic powers ang mga ito.

“Pumunta ka sa kabilang part ng park, opposite of the side of the park you are staying in, now.” Nagulat ako ng bigla binasa ni Lexi ng malakas ang letter sa kamay ko, “From: Anonymous”

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon