BLOOD 51: RESOLVED

5K 152 22
                                    

SAM’S POV

 

 

 

 

“Ang ibig niyo po bang sabihin…” Parang may bumbilyang umilaw sa gunita ni Julia batay sa ekspresyon ng mukha niya, “’Yung kalahati ng propesiya, ang tatay nila ang may gawa?” She is referring to me and Kath.

“Exactly, Julia.” Kumunot naman ang noo ni Mam Ruth, “But we can’t figure out what was written in there. Kahit si Lia, hindi alam.”

 

 

 

 

 

 

“Nasan na iyon ngayon kung ganoon? Nasaan ang kalahati ng propesiya?” Pagtatakang tanong ni Julia.

“Hindi rin namin alam. Nawalang parang bula ang tatay nila Sam at Kath. Basta nawala na lang siya bigla.” Sagot naman ni Ms. Ruth. “Pero ang malinaw ngayon, sigurado na akong bumalik si Lia mula sa kamatayan. Sigurado akong nabubuhay siya sa katawan ng isa pang immortal. Siya lang ang maaaring makakontrol sa mga taong mabubuti ang kalooban katulad na lamang ni Bianca.”

 

 

 

Nakita ko ang kakaibang ekspresyon sa mukha ni Julia, “Paanong nadawit si Bianca?”

Ms. Ruth cleared her throat, “I knew Bianca. Alam kong matagal na siyang may gusto kay Quen. Pero tinanggap niya ang katotohanang para kayo sa isa’t isa. Nagpakalayo-layo siya. That’s why when the Dark Circle fell in the hands of Lia back then, isa siya sa mga nakaligtas. Pero hindi ako makapaniwala ng nalaman ko na gumawa siya ng ganoong bagay.”

 

 

 

 

 

 

Hindi umimik si Julia. Ayaw na rin niya kasi sigurong balikan ang kanyang nakaraan sapagkat masaya na sila ni Quen. Ngunit kita pa rin sa kanyang mga mata na nagulat siya sa narinig mula kay Ms. Ruth.

 

 

 

 

 

 

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon