BLOOD 39: ROOTING THE ROOTS

5.3K 167 31
                                    

KATH'S POV

“Kath…” Narinig kong bulong ni Daniel habang naglalakad kami at buhat-buhat niya ako. Nakapulupot ang mga braso ko sa baywang niya. Nakadantay naman ang ulo ko sa kanyang dibdib. Ito ‘yung na-feel ko noong mga panahon na inatake ako ng mga Shippers. Naalala niyo pa sila? Sila ‘yung mga uncontrolled vampires. Yung mga human-made pero hindi naging successful ang transformation kasi hindi nila nakayanan.

“Hmm.” Tugon ko.

“Kapag nanaginip ka ulit ng ganun, labanan mo siya. Wag kang matatakot.” Seryoso ang tinig niya.

“Panaginip lang naman ‘yun.” Sabi ko.

“Naitanong mo kanina ang tungkol kila Mom and Dad, di ba?” –Siya.

“Oo nga pala. Teka, pano nga ba? Medyo nakakatampo kasi. Hindi man lang nila sinabi sa akin eh hirap na hirap ako nung hindi namin malaman kung nasaan ka.” Sabi ko at slapped him softly in his chest.

“Aray.” Tapos ngumiti siya sa akin, “I asked them for a favour not to tell you. Iba kasi ang dating ng dugo mo sa akin.”

“You can suck my blood, anytime.” Para sa’yo, lahat gagawin ko Daniel.

“Stop saying that.” Hindi ko mawari kung anong mayroon sa tinig niyang iyon pero hindi iyon pakiusap. His words and tone seems like dictating me. It’s an order rather than a please.

“Pero… kung iyon ang pinroblema mo, sana sinabihan mo ako. Seryoso ako, Daniel. Pwede naman eh.” Pangungulit ko pero bigla niya akong ibinaba. Soft lang yung pagbaba pero tumahimik siya. And that silence is very awkward.

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon