BLOOD 47: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (8)

4.6K 123 10
                                    

THRYNA'S POV

“Hindi ba sinabi ko sa iyo na hindi mo na siya maililigtas?” Sabi muli ng babae.

Mula sa aking pag-iyak sa harapan ng katawan ni Niell, nakatungo akong tumayo. “Anong naging kasalanan ko sa iyo?” Sabi ko sa isang matigas na tinig. Hindi ko mapigilan pero kahit hindi pa niya sinasabi ay alam ko ng sila ng kasama niya ang may pakana ng lahat ng ito.

“Marami.” Bulong nito sa isang nanunuksong tinig. Unti-unti kong itinaas ang aking mukha at lalong nanindig ang aking mga balahibo ng makita ko ang kanyang kasama.

“Kuya… Samuel.” Bulong ko habang ang puso ko ay hindi pa naghihilom sa sobrang pagkagulat.

Tumingin lamang ng masama si Kuya Samuel sa akin at muling itinuon ang pansin sa babaeng kasama niya.

“Sino ka? Anong ginawa mo sa Kuya Samuel ko?!” Tanong ko na may bahid na galit.

“Hindi ko kasalanan kung nahumaling sa akin ang kuya mo.” Sabi nito at lalong siniil ang ulo ni kuya papunta sa kanyang leeg. Hindi ko maipaliwanag ang mga galaw ni kuya sam. Para siyang sabik na sabik sa babaeng kasama niya.

“Pero ikaw, kasalanan mo ang mahalin si Niell, gayundin ang mahalin ka niya!” Sabi nito sa nagngangalit na tinig.

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon