PROLOGUE : [ ISANG PATIKIM ]

21.2K 382 32
                                    

“’Wag na ‘wag mo na akong pupuntahan, Kath. ‘Wag na ‘wag mo na rin akong aalalahanin. Wag mo na rin akong iisipin. Hindi na ako si Daniel na nakilala mo. Hindi na ako ‘yung dati mong bestfriend. Hindi ako katulad mo. Hindi ako katulad niyo.” Sabi ni Daniel habang nakaharap kay Kathryn.

“Bakit hindi mo sabihin sa akin ang problema? Ako ba?” Mangiyak-ngiyak na si Kathryn. “Alam kong napalaki na ng pinagbago mo, sa ugali, sa pananamit, at maging sa pakikitungo simula nung umalis ka. Pero tanggap pa rin naman kita dahil bestfriend kita.”

 

“Wala sa’yo ang problema, Kath. Nasa akin…” Patalikod na si Daniel habang nagsasalita.

“Ganyan ka ba talaga? Minsan ka ng nang-iwan, minsan mo na akong hinayaang mag-isa, at gagawin mo ulit? Ano bang problema mo? Sabihin mo sa akin! Handa naman kitang damayan ha?” Hindi na napigilan ni Kath na ilabas ang emosyon niya. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata. Hindi niya kayang iwanan ulit ng bestfriend niya.

“Gusto mong malaman ang problema ko, Kath?” Napatigil si Daniel. Huminto lang siya sa kinatatayuan niya pero hindi siya humarap kay Kathryn. Kahit kailan, ayaw niyang makitang umiiyak si Kath. Hindi niya kaya. Literal. HINDI NIYA KAYA.

“What kind of question is that, DJ? Kelan ka ba naglihim sa akin? Kailan ba kita hindi natulungan? Kelan ba kita iniwan kapag malungkot ka?” Sagot ni Kathryn na hanggang sa ngayon, hindi pa rin humihinto sa kaiiyak.

“Ikaw… ikaw ang problema ko… ikaw…” Mahinahong sagot ni Daniel.

“A-a-ako? B-b-bakit?” Medyo napatigil si Kathryn sa sinabi ni Daniel.

Humarap si Daniel kay Kathryn. Unti-unti siyang lumapit sa dalaga. Tumungo siya at halos magkadikit na ang mga mukha nila. Unti-unti niyang nilapat ang mga kamay niya sa mukha ni Kathryn at hinawi ang mga luhang pumapatak sa mga mata ni Kathryn. “Mahal kasi kita…”

“A-a-ano?” Nagugulumihanang  tanong ni Kathryn.

“Mahal kita… pero hindi pwede… kailangan kong makawala sa nararamdaman ko para sa kapakanan mo… ayaw kitang mapahamak, Kath. Ikamamatay ko, Kath. Ikamamatay ko...” Pag-amin ni Daniel. Hindi naman makapagsalita si Kathryn dahil sa mga narinig.

“…hindi kasi ito pwede. Hindi. Kahit kailan. Hindi ito pwede. Dahil isa akong…”

 

Bago pa man ipagpatuloy ni Daniel ang kanyang sasabihin, isang dalaga ang bigla na lamang lumitaw mula sa madilim na bintana ng silid. Isang kutsilyo ang kanyang pinakawalan na patungo sa direksyon kung saan nakapirmi at marahang nakaupo si Kathryn…

Isang malakas na sigaw na lamang ang namutawi sa buong kwarto ng gabing iyon ... Sigaw ng isang babae at galit ng isang lalaking tila may bagsik ang mga salita...

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon