BLOOD 36: THE VISITORS

5.6K 114 7
                                    

KATH'S POV

Pagkagising ko, nag-ayos kaagad ako ng sarili. Actually, hindi nga ako nakatulog. Hindi ko kasi alam kung ano na talaga ang nangyayari. Lahat na lang ng tao nawawala. Noon, si Daniel, na hanggang ngayon wala pa rin. Tapos ngayon naman sina Rick at Lexi. And, bakit ba ako kasali ditto? Bakit ba nga ba nila ako pinuprotektahan? Am I that important to them? ‘Di ba dapat si Daniel ang hinahanap nila ngayon kasi siya itong…

“Prinsipe…” Napabuga na lang ako sa hangin. Yeah. Prinsipe. Prinsipe siya.

“Eh ano naman kung prinsipe siya?” Diniinan ko ang toothbrush kaya naman napa-aray ako bigla, “Ikaw kasi, Kath, kung ano-anong nasa isip mo.”

“Eh paano ako kung bawal sila main-love sa human?” Tanong ko na naman sa sarili ko habang nakatingin sa reflection ko sa salamin.

“Eh di magpakagat ka sa kanya, parang si Bella ni Edward! Para maging vampire ka rin!” Nasapo ko ang noo ko. Ano bang pinagsasasabi ko ngayon? Pero paano nga kung hindi pala kami pwede ni Daniel?

Napayuko na lang ako sa kinatatayuan ko at matamlay na kinuha ‘yung towel sa likod ko.

“Ay, bampirang bungal!” Napasigaw ako ng biglang tumambad sa aking harapan si Julia, “Huwag ka ngang manggugulat, Julia!” Sabi ko sa kanya.

“Bukas kaya ‘yung pinto.” Pagdadahilan naman niya na halatang natatawa sa pagkagulat ko.

“Bakit?” Sabi ko habang pinupunasan ‘yung buhok ko.

“Anong bakit?” Sabi naman niya, “Kanina ka pa hinihintay sa baba. May darating daw na bisita sabi ni Sam.”

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon