BLOOD 67: TRUE STORY

3K 101 2
                                    

“Oo, Sam. Si Lia ang tinutukoy kong kapatid mo na nawawala, matagal ng panahon.” Pagkompirma ng aking ama. Saka lamang pumasok sa aking isipan ang sinabi ni Kuya Sam sa akin noon. Naaalala ko pa noong sinabi niyang may dalawa siyang kapatid na hinahanap. Ang isa’y nasa France at ang isa’y nawawala. Ibig sabihin, hindi si Bea ang tinutukoy niyang nasa France kundi… si Lia. Pero wala siyang kaalam-alam na si Lia nga iyon.

“Itigil mo na ito, tanda.” Sabi ni Lia, “Sama-sama na kayong mamamatay dito!”

“Hindi, Lia.” Sabi ni Ama, “Kailangan mo ng tuluyang umalis, Lia.”

“AKO? AALIS? Hinding hindi ako aalis, tanda. Ako ang matitirang buhay sa dakong ito!” At muling umihip ang isang malakas na hangin na bigla ring naglaho dahil kay Kuya Sam.

“Papa, gusto naming marinig ang tungkol kay Lia. Paanong nangyaring siya ang aming kapatid?” Sabi naman ni Kuya Sam.

“Si Lia ay isang parte lamang ng katauhan ni Kathryn.” Sabi ni Papa, “Magsisilang sana ang inyong ina ng isang kambal ayon sa hula ng isang estranghero ngunit laking gulat namin nang manganak siya. Si Kathryn lamang ang kanyang iniluwal at nakompirmang isa nga lang ang bata na nasa sinapupunan ng inyong ina. Lamang, habang lumalaki at nabubuhay si Kathryn, may mga pagkakataong nag-iiba ang kanyang aura, minsan nagiging malupit siya sa mga tauhan at minsan nama’y bigla na lang bumabait. Nakita namin ang mga ganitong bagay at ipinagwalang bahala sapagkat nakokontrol mo ang iyong kapatid, Sam. Hindi naming alam pero ang yakap mo ang nagpapakalma sa kanya.” Natahimik kaming lahat. Maging si Lia ay bigla na lamang tumahimik. Buong akala ko ay sasamantalahin niya ang pagkakataon ngunit tila pati siya’y nais marinig ang mga bagay na iyon.

“Hanggang isang araw, bumalik ang estranghero. Binati niya kami ng inyong ina at kinamusta ang kambal. Laking gulat niya ng sabihin namin na hindi kambal ang isinilang ng inyong ina. Pinili niyang manatili muna sa palasyo at pinahintulutan ko siya sa hindi ko malaman na dahilan. Nang lumipas ang ilang buwan, pinili niya ng umalis ng palasyo.”

“Mag-iingat kayo. Hindi man kambal sa pisikal na anyo ang isinilang ng reyna, kambal sa espiritu naman ang kanyang nailuwal.” “yaon nag mga katagang iniwan sa amin. Hindi naming ito pinansin hanggang sa nakita namin ang katotohanan ng minsang makatikim ng dugo si Kathryn. Mahina tayo sa dugo at hindi ako makapaniwalang sabik na sabik siya sa dugo. Sa katunayan, ininom pa niya ito na tila isang bampira. Doon kaming nagpasyang kumuha ng isang mangkukulam upang paghiwalayin ang mga kaluluwa. Sa kasamaang palad, nawala si Lia sa buong proseso.” Saka siya tumingin kay Lia.

“Pinahanap ko ang kaluluwang iyon sa lahat ng mga salamankero at mangkukulam sa paligid ngunit hindi nila nakita ito. Noong sumapit si Kathryn sa kanyang edad upang tanggapin ang kanyang kapangyarihan, naramdaman ko ang kakaibang aura na pumalibot sa kastilyo kaya kaagad akong umalis. Sinundan ko ang nararamdaman ko hanggang sa madala ako sa isang lugar, isang lugar kung saan naroon ang lahat ng bagay sa paggawa ng isang makapangyarihang sumpa, sumpa ng paghihiganti. Saka ko lamang nalaman na sumanib ang kaluluwa ni Lia sa ibang tao. Nang bumalik ako sa kastilyo, wala na akong naabutan kundi ang mga patay kong tauhan at ang aking mga anak.”

Napayuko na lamang kami ni Kuya. Ganoon pala ang nangyari. Ngayon malinaw na sa akin ang lahat. Malinaw na sa amin ang lahat.

Napukaw ang aming atensyon ng mga hagikhik ni Lia, “Tapos ka na ba, Tanda?” Sabi nito, “Akala mo ba maniniwala ako sa mga pinagsasabi mo? Mas masaya na ako ngayon, mas masaya ako sa kung ako noon. Wala akong pamilya, wala lahat! KAYA NAMAN PAPATAYIN KO NA KAYO NGAYON!”

At saka nito hinawi si Papa sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Dahil hindi handa, tumilapon si Papa sa isang lugar ng bahay. 

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon