BLOOD 29: LOVE FROM HATRED

5.7K 130 11
                                    

29

KATHRYN’s POV

“Saan tayo magbabakasyon, Kath?” Tanong ni Julia. Nasa loob na kami ng van na pagmamay-ari ni Sam. Bukod sa driver’s seat, may dalawa pang layer ng seats sa likod ko. Ako ang nasa tabi ng driver’s seat. Sa likod namin eh sina Lexi at Julia. Sa likod nila, ‘yung dalawang lalaki, sina Quen at Rick. Lahat sila tahimik. Alam niyo ba kung paano napasama ni Sam ang dalawang lalaking ‘yan? Simple lang.

*flashback*

 

 

 

“Sam! Buti napasama mo ‘yan!” Tapos itinuro ko ang dalawang lalaking nakabusangot ang mukha sa loob ng sasakyan.

“Pumayag sila lahat eh.” Sabi ni Sam.

“Eh bakit ganyan ang mga mukha ng dalawang ‘yan?” Sabi ko. Imposibleng sumama lang sila bigla. I am sure, may ginawa si Sam.

“Sabi ko kasi… nasusunog ang bahay niyo. Kaya ayun. Bigla silang nagtakbuhan. Noong malapit na kami dito, nagulat silang dalawa ng wala namang sunog. Tapos sinabi kong magbabakasyon kami with you.” Sabi ni Sam at biglang ngumiti.

“Loko ka.” Sabay batok sa kanya, “Buti hindi umurong.”

 

 

 

 

 

“Sabi ko kasi sa kanila, kapag umurong sila, papatayin ko ang dalawang ‘yan.” Sabay turo niya sa mga babaeng nag-a-abang sa pintuan.

“Buti naman at naniwala sa’yo.” –Kath.

 

 

 

 

 

“I let them see my eyes.” –Sam.

 

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon