BLOOD 37: FLINCH OF THE FINAL VOYAGE

5.7K 179 9
                                    

A/N: PLEASE LISTEN TO THE MUSIC AT THE RIGHT PANEL. :)

 

KATH’S  POV

 

 

Bigla akong tinulak ng paa ko at napatakbo ako papunta sa pinagmumulan ng boses ng hindi ko namamalayan. Sila nga. Hindi ako maaaring magkamali.

“SILA NGA.”

Para akong tinubuan ng ugat sa paa. Natuod ata ako ng makita ko sila. Hindi ako makapaniwala. Lahat sila nakatitig sa akin. Siguro nabigla rin sila sa bigla kong pagsulpot pero mas nabigla ako sa pagsulpot nila.

“Kath.”

“Kath.”

 

 

 

 

 

Naririnig ko ang tawag nila pero napako ang tingin ko sa lalaking kasama nila.

“Daniel.” Bulong ko sa hangin.

“Kath, anak.” Saka ko lang na-i-focus ang atensyon ko sa mga kasama niya.

“Tita Ruth, Tito Jun…” Bulong ko muli. Hindi kasi ako makapaniwala sa lahat ng nakikita ko.

“Kath…” Narinig kong tawag ni Daniel. Mahina lang ‘yun pero rinig na rinig ko ‘yun. “Kamusta?” Tanong niya.

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon