BLOOD 64: SACRIFICE

3.1K 107 6
                                    

 DANIEL'S POV

“AYOS KA LANG BA DYAN, DANIEL?” Naririnig kong sinisira na nila Quen ang pintuan pero parang napakalakas ng humaharang ditto. Hindi na rin ako makahinga sa pagkakahawak ni Kath.

“K-Kath.” I said.

“Sino si Kath? Wala na siya. Ako na ang nagmamay-ari ng katawan ni Kath. Ako si Lia. Wala ng iba. Ako ang papatay sa inyong dalawa!”

“Sigurado ka?” Parang tumigil ang oras ng may nagsalita mula sa gilid ng bintana, “Kaya mo silang patayin kung nandito ako?”

Si Bea. Naroon si Bea. Bigla na lamang niyang isinabog ang buhangin sa mga kamay niya. Maya-maya ay napunta ang lahat ng iyon kay Kath.

“Daniel. Gamitin mo ang kapangyarihan mo para mapalibutan mo ng tali si Kath. Kailangan mo siyang igapos!” Sabi naman ni Bea. Alinsabay niyon ay ang pagpasok nila Quen at Julia sa kwarto.

Bago ko pa silang bigyang pansin, pinuluputan ko muna si Kath. Mahirap na kasi.

“Pero, Bea. Wag mong ituloy ang plano mo. Nakita ko sa pangitain ko ang plano mo para mailigtas ang dalawang nakatakda. Parang awa mo na. Mapapahamak ka lang.” Sabi ni Julia.

“Anong plano?” Tanong ko.

“PAKAWALAN NIYO KO! AKALA NIYO BA HINDI KO KAYANG PULASIN ANG PAGKAKAGAPOS KO?” Sabi naman ni Lia habang ngingiti-ngiti.

“Alam ko. Kaya nga pakakawalan na nga kita, eh.” Nagulat na lamang ako ng makita ko si Bea sa tabi ni Lia. May hawak siyang patalim at hawak niya ito na tila isasaksak kay Kath.

“STOP BEA. SHE IS KATH. WAG MO SIYANG SASAKTAN!” Gagamitin ko sana ang kakayahan kong tumakbo ng mabilis pero para akong na-paralyze. Nagawa kaagad ni Bea na isaboy ang pheromone niya.

“PLEASE BEA. DON’T!” Sigaw ni Julia.

“STOP, BEA! STOP.”

I just saw her lips murmured the term, SORRY.

Then everything faded out.

“ANONG NANGYARI DITO?” Boses ni Sam ang narinig sa muling pagmulat ng aking mata. Medyo masakit pa ang mata ko sa nakasisilaw na bagay na kuminang kanina.

“AYOS LANG BA KAYO?” Muli na namang umumpog ang boses ni Sam sa aking gunita kaya naman tuluyan na akong nagising mula sa aking pagkakahimlay.

“S-Si… Kath.” Sabi ko habang patuloy na iniinda ang sakit ng aking mata.

Naaninagan ko si Sam na tumakbo papalapit sa lugar kung saan ko huling nakita silang dalawa ni Bea. Teka…

“Kath. Gising. Kath.” Sabi naman ni Sam. “Daniel, may hiwa siya ng kutsilyo.”

“Ayos lang ba siya? Ayos lang ba ang pulso niya?” Pinilit ko na ring tumayo.

Nakita kong hinawakan ni Sam ang pulso ng kanyang kapatid.

“Si Bea? Nasaan si Bea?” Bigla kong nakita ko naisip si Bea. Hindi ko kasi siya nakita. Wala siya sa buong kwarto.

“Ibig sabihin, nandito rin si Bea?” Sabi ni Sam.

“Oo. Andito siya. Niligtas niya ako kanina. Kaso pinagtangkaan niyang patayin si Kath na kasalukuyang kontrolado ni Lia.”

“Ano? Lumabas si Lia? Tapos, papatayin ni Bea si Lia despite the fact that it was still Kath?” Nakita ko kung paano nagulat si Sam sa sinabi ko.

“Teka. Nagkakamali kayo.” Pagputol ni Julia na hindi ko namalayang nakatayo na rin pala kasama si Quen.

“Anong ibig mong sabihin?” Napaisip ako bigla, “Teka, hindi ba sabi mo kanina, may pangitain ka?”

“Oo. Nakita ko ang plano ni Bea.” Sabi ni Julia.

“Ano ang plano ni Bea?” Tanong ni Sam.

“Plano niyang kunin ang kaluluwa ni Lia mula kay Kath.”

Ang huling pangungusap na ‘yun ang biglang nagpatahimik sa aming lahat. Napako ang aming mga atensyon kay Julia lamang habang nasa bisig ko na si Kathryn. 

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon