Kabanata 67

5.4K 84 2
                                    

Lasing na lasing si Ignazio kagabi noong sunduin ko siya sa tindahan nila Haya, mabuti na lamang ay nandoon lang sa lugar na iyon ang pamilya ni Althea dahil may tindahan sila doon. Buong pamilya ni Althea ang nagtitinda sa tindahan nila kaya naman 'di kataka-taka na tuwing may chismis sa palengke ay alam niya na kaagad.

Hindi ko nga alam kung bakit ko ba siya pinagdudahan kanina. 

Nanghingi ako ng tulong sa kuya ni Althea at kahit nabwibwisit ako sa ginawa ni Ignazio ay pinilit ko na lamang kumalma, paano kaming dalawa makakauwi kung iiyak pa ako at magmumukmok lang dahil sa kabastusan niya?

Kahit ang hirap... iintindihin ko na lang siya.

Sa sobrang lasing ni Ignazio ay inaapoy ito ng lagnat pag-uwi ni Tatay ng alas-otso ng gabi, sinubukan namin itong pakainin ng mainit na sabaw at punasan ang katawan pero tila wala naman iyong naitulong. Hindi pa rin siya nagsasalita at tila ayaw buksan ang kaniyang dalawang mata. 

Hindi ko alam kung napapansin ni Tatay na lasing si Ignazio at nanigarilyo dahil alam kong ganoon nga ang amoy niya pero mabuti na lang ay hindi naman na ito nagtanong. Kapag kasi nagtanong siya at sinagot ko ay baka makuwento ko pa sa kaniya ang nangyari kanina, sigurado akong hindi niya iyon magugustuhan.

"Medyo bumaba na ang lagnat niya." Ika ni Tatay habang hinahawakan  na naman ang noo ni Ignazio. "Matulog ka na Sophia at anong oras na, ako na lang ang magbabantay sa kaniya."

Umiling ako sa sinabi ni Tatay. "Tay?" Simulang tanong ko. "Bakit po sa atin pinapaalagaan si Ignazio ng tatay niya?"

"Hindi ko alam anak."

"Hanggang kailan po siya dito?"

"Hindi ko rin alam."

Napakamot na lamamg ako sa batok dahil sa sagot ni Tatay, alam kong may hindi ito sinasabi sa'kin, sa rami ng bahay dito ay bakit sa amin pa na walang kuryente? Sa amin na nahihirapang kumain ng sapat sa araw-araw? 'E sa pagkakaalam ko ay maginhawa ang pamilya ni Ignazio kaya bakit sa amin pa?

"Ikaw tay... alas-sais ka ng umaga umaalis hindi ba? Ika po ang matulog na, okay lang ako dito."

Napatango si Tatay dahil alam kong pagod na pagod naman na talaga ito sa pagsasaka, lalo na ngayon na tinawid pa nila ang mga nasaka sa Manila.

"Gisingin mo lamang ako anak kapag may kailangan ka." 

Tumango ako kay Tatay at hinayaan na itong lumabas ng kwarto ni Ignazio.

Napapapikit na ako ng mata dahil tinatangay na rin ako ng antok at balak ko ng matulog habang nakaupo ng bigla kong marinig ang boses ni Ignazio.

"Sophia?"

Agad akong napatayo at lumapit dito. "May kailangan ka? May masakit ba?" Tanging lampara lamang ang nagbibigay sa amin ng liwanag na nakapatong sa mesang tabi ng kama ni Ignazio kaya kahit papaano ay nakikita ko naman ang gwapo niyang mukha.

Umiling si Ignazio bilang sagot.

"K-kwentuhan mo ako." Pakiusap niya.

Agad akong napakunot ng noo. 

Anong balak niya?

Kwentuhan? Para saan? Ano daw?

"Nang?" Nagtatakang tanong ko at bumalik na sa inuuupuan ko kanina habang pinagmamasdan pa rin si Ignazio ngayon.

"Kahit ano."

Napatango na lamang ako dahil naaawa ako dito at halatang nanghihina siya pero nagawa pa rin niyang magsalita. "Bago kita kuwentahan, higupin mo muna iyong sabaw na niluto ko." 

That Probinsiyana GirlDonde viven las historias. Descúbrelo ahora