Kabanata 18

9.9K 305 78
                                    

"Fuck you bro! Kung alam ko lang na nandoon si Mahali ay dapat ako na lang pala ang pumunta ng Faculty." Hindi ko alam kung pang-ilang beses na iyon paulit-ulit na sinasabi ni Stephen pero kanina pa lang no'ng wala pa kami sa kotse niya ay puro ayon na ang bukang-bibig niya.

Kanina ko lang napagtanto kung gaano nga kalapit ang pagkakaibigan ng apat na sila Alexander,Stephen,James at Alias dahil talagang magkakasama sila kahit sa mga masasamang gawain, tulad ng pagpasok sa Faculty upang mawala ang detention ni Stephen.

Saktong-sakto lang ang bilang naming lima ngayon sa loob ng sasakyan ni Stephen ngunit dahil sa laki ng katawan ng dalawang kasama ko sa likod ay tila naiipit ako sa gilid na katabi si Alexander.

"Hey, you okay?" Biglang bulong na tanong ni Alexander sa tenga ko kaya nginitian ko ito upang ipakita dito na okay lang ako.

Tapos na ang bulong nito pero bakit ramdam na ramdam ko pa rin ang init ng hininga niya sa tenga ko na umaabot hanggang sa puso ko?

"Ano 'yan p're, walang ganyanan! Magkaibigan tayo!" Pabirong sigaw ni Stephen na nagmamananeho sa harapan ko lang.

"Alexander is a snake." Dagdag pa ni James na katabi lang ni Stephen sa harapan.

Napapailing na tumawa na lang si Alexander. "The CCTV? How 'bout that? Sinigurado niyo bang nasira? We'll be fucked up once we're caught in the camera." 

"Syempre." Sagot ni Alias na katabi naman ni Alexander sa kabilang gilid nito.

"Ayaw mo ba 'yon? Kapag nahuli tayo tapos napatawag ka magiging proud na tatay mo sa'yo at tatawagin ka nang anak niya?" Tanong ni Stephen at nagtawanan silang lahat sa birong hindi ko naintindihan.

"Nope." Sagot lang ni Alexander. "Mahalia can't lost her scholarship." Dagdag pa niya.

Hindi ko alam kung saan nito nalaman na scholar ako pero hindi ko na tinanong dahil bumalik na ang hiyang nararamdaman ko na ngayon ay wala na kami sa dilim at na'sa liwanag na kami kung saan nakikita ko na ang gwapong itsura ni Alexander.

"Saan ka pala Mahalia nakatira?" Tanong ni Stephen na nakapagpalaki ng dalawang mata ko.

Bakit niya ako tinatanong niyan?

Anong gagawin nila?

Nakita kong tumingin si Stephen sa may salamin sa taasan niya upang tignan kung bakit hindi ako nagsasalita. "Para malaman ko kung saan kita ibababa." Paglilinaw niya at ngumiti pa'kin sa may salamin sa taas.

"S-sa," Bakit ba bumabalik na naman ako sa dati? Bakit ba at tila nakakalimutan ko ang lahat? 'Yong puso ko kasi....ang lakas-lakas ng tibok. "Malario Street." Ika ko.

"Huh?" Nagtatakang tanong ni Stephen.

"D-diyaan... bago ka lumiko ibaba mo na lang ako sa kalsada.. magje-jeep ako."

"Bakit pa?" Si Alexander ang nagtanong no'n. "Delikado na." 

Napatahimik na lamang ako dahil sa hindi ko alam ang sasabihin, ilang sandali pa ay biglang may iniaabot si Stephen sa'min na cellphone.

Kinuha iyon kaagad ni Alexander at ipinakita sa'kin. "Google Map." Paliwanag nito patungo sa'kin at kung may ano-anong tinuro.

"Saan diya'n?" Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil hindi ko maintindihan ang nandoon kaya napasimangot na lamang ako kay Alexander.

Mapapahiya lang ako nito.

Hindi ko naman alam ang sasabihin ko.

Hindi ko maintindihan ang map na sinasabi niya.

That Probinsiyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon