Kabanata 13

10.7K 368 59
                                    


'Sige na Alexander? Maki-sit in ka lang sa klase namin tapos hilain mo 'yong upuan niya.'

'Why should I do that?'

'So that I can act as her knight in shining armor? Ngayon lang ako pare nagkagusto sa isang babae. Seryoso ako pare tulungan mo naman ako?'

'It's just your wild teenage hormones Stephen... how about you put your dick inside Sasie's hole again? Mahalia looks like a nice girl, don't mess her around.'

'Isang beses lang naman? Tutulungan kita kay tito magdahilan na kunwari may project tayo para hindi ka do'n tumuloy ng isang linggo. Ano?'

'Fuck... you serious bro?'

"Seryoso ako p're... seryoso rin ako kay Mahalia. Ano deal?"

"I swear this will be the last one. Deal!"


Hindi ko alam kung ilang beses ko na iyon paulit-ulit na binasa. Nakita ko iyong bagong mga sulat na iyon sa mahiwagang kwaderno habang kanina ay patuloy pa rin akong umiiyak at nagtatago sa isa sa mga kompartment ng banyo.

Hindi ako makapaniwala na muntik na akong maniwalang tunay na mabuting lalaki si Stephen... plano lang pala 'yong lahat. 

Alam kong malapit na ang mag-uwian ngunit hindi ko pa rin magawang lumabas kahit sa kompartment lang ng tinataguan ko.

Nakaupo lamang ako sa toilet bowl ng kompartment at matagal ng natuyo ang aking mga luha... ayokong lumabas. Natatakot ako... nahihiya ako.

Sa mga ganitong pagkakataon ko na naman nararamdaman ang lungkot.

Ang lungkot na unti-unting bumabalot sa buong pagkatao ko, isa itong tila maliit na dilim na palaki ng palaki sa paglipas ng oras at alam ko... alam kong kahit anong piliit kong gawin ay hindi ko 'yon matatakbuhan.

Siguro ay dapat ko na lang na tanggapin na ganito na lang ang magiging buhay ko...gumigising pero hindi alam ang punto ng buhay, gumagalaw pero para kanino? Wala.

Si Tata at Kuya ay kinuha na sa akin, paano pa ako muling makakangiti ng totoo?

"Mahalia?" Doon pa lang ako biglang napatayo sa kakaupo ko ng ilang oras na sa toilet bowl.

Boses iyon ni Shai.

Mabilis kong binuksan ang pinto ng kompartment at sinalubong agad ako nito ng yakap na binalik ko rin naman agad dito. "I heard what happened... kalat na sa school he's a fucking jerk for doing that to you." Nang mawala na ang yakapan namin ay pilit kong nginitian si Shai.

"H-hindi naman niya ata 'yon ginusto." 

Napakunot siya ng noo sa sinabi ko. "Ano?" 

Napailing ako. Hindi naman niya maiintindihan. Baka isipin niya lang baliw lang ako.

Totoo naman...kung hindi ko lang talaga nabasa ang mahiwagang kwaderno ay alam kong magtatanim talaga ako ng galit kay Alexander sa tipong kahit kailan ay hindi ko na siya kakausapin.

"Mag-uuwian na... gusto mong sumabay ka na sa'kin? Just tell me where your home is ipapababa kita kay Manong Albert." Aya ni Shai na mabilis kong tinanggihan.

"May kasama kasi ako." Ika ko at magkahawak kamay na kaming lumabas sa may banyo.

Alam kong pinagtitinginan kami ng iba ngunit pilit ko na lamang iyon hindi pinapansin.

That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now