Kabanata 11

11.3K 376 75
                                    


"Does everyone have their own group already?" Pasigaw na tanong ng instruktor namin upang marinig ng lahat nang estudyante nito.

Alam namin ni Shai na kami na lang ang wala pang kagrupo kaya nagkatinginan kami sa tanong na iyon ng instruktor.

"Those two girls in the back don't have their group yet." Ika ni Stephen na alam kong naka pwesto sa may harapan malapit sa instruktor, hindi ko siya nakikita ngunit sigurado akong boses niya iyon.

"Bakit?" Sa'min nakadiretsa ang tingin ng instruktor ngunit ang sumagot ay ang boses na naman ni Stephen.

"We still have one spot in our group sir for Mahalia." Napasimangot akong tumingin kay Shai.

Hindi ko siya pwedeng iwanan.

Paano naman siya?

"Thirty-five tayo dito sa klase including the transferee." Nadako ang tingin sa'kin sandali ng instruktor. "Sino ang grupong may kulang pa ng isang member?" Medyo nawawalan na nang pasensiyang tanong pa nito. "Isa...dalawa..." Bilang na niya ng maputol agad dahil sa may nagtaas ng kamay na nakapagpa-agaw ng atensiyon ng lahat.

"Sir we lack one more member but we don't want Shai in our group." Malakas ang loob na sabi ng babaeng nagtaas ng kamay, na'sa harapan lang namin sila at nang tignan ko pang mabuti ay napansin kong sila 'yong mga babaeng kasama ko kanina na nakaupo lang sa bleachers habang naglalaro ang mga kaklase naming lalaki.

Bakit sila ganiyan? Bakit ang sama naman nila?

Napansin ko sa gilid ng mata ko ang biglang pagyuko ng ulo ni Shai dahil sa sinabi ng babae kaya bigla ko itong hinawakan sa likod upang himasin iyon at ipadama sa kaniya na hindi ko siya iiwanan habang wala pa itong kagrupo. 

"And why is that?" Nakataas ang isang kilay na tanong ng lalaking instruktor namin.

"We just... don't like her." Humina ang boses na sabi ng babae.

Gusto ko itong kausapin ngunit kinokontrol ko lang ang sarili ko. Bakit pakiramdam ko ay kinakawawa nila si Shai? Sino ba siya at anong nagawa niya upang tratuhin siya ng mga kaklase naming ganoon?

"That's not a valid reason. Okay guys, go to your group now. Mahalia dito ka kila Stephen, Shai kila Vernice ka." Ika nito sa'min kaya narinig ko ang biglang bulong na reklamo ng mga babae na na'sa harapan lang namin.

"Paano 'yan?" Matapos ko iyong tanungin ay itinaas na ni Shai ang ulo niya upang tignan ako.

"Puntahan mo na sila Stephen." Malungkot na ika nito at nginitian pa ako kahit alam ko namang hindi siya masaya ngayon.

"Sorry." Paghihingi ko ng paumanhin dito.

"Para sa'n?" Tanong nito.

"Kasi hindi tayo magkagrupo," Ika ko. Naalala ko pa kasi ang sabi nito kanina na maayos na siya dahil hindi na siya mag-isa ngayon ngunit nahiwalay naman kami. "P'wede ba tayong maging mag-kaibigan?" Tanong ko na at medyo nakahinga na ng maisatinig ko na ang kanina ko pa iniisip.

Sana pumayag ito...sana.

Malaki ang ngiti nito at tila agad nawala ang kaninang lungkot na nakita ko sa mata niya. "Sigurado ka? A-ako... gusto mong maging kaibigan?" Masaya akong napatango at nagulat ng bigla itong yumakap sa'kin.

Hindi ko alam kung anong mayroon kay Shai ngunit ang alam ko lang ay kakaiba ito... nahihiya ako sa mga kaklase namin at hindi makatingin sa mga mata nila ngunit alam kong iba si Shai... may mga tao lang siguro tayong gusto kahit hindi natin alam ang dahilan, tulad nang may mga tao tayo na ayaw kahit walang sapat na dahilan.

That Probinsiyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon