Kabanata 32

7.5K 171 70
                                    


Ang kapal pa ng mukha ni Stephen na ngisian ako matapos ang sinabi niya, putok na putok na nga ang labi nito ang yabang pa!

Ano bang pinagsasabi niya?

Akala ba niya ay makikinig pa ako sa kahit na anong sasabihin niya? Pagkatapos nang lahat ng nangyari? Hinding-hindi!

Tinarayan ko na lang ito bago ko siya tuluyang talikuran at matapos iyon ay ako na mismo ang humila kay Alexander palayo sa lahat...kay Stephen na gustong sirain ang relasyon namin, kina Alias at James na alam kong hindi ako gusto at sa lahat...sa lahat ng estudyante na masasama ang sinasabi sa likod ko na alam ko naman dahil sa kwaderno.

Habang naglalakad kami ni Alexander palabas ay naririnig ko ang sigaw na tawag ni Stephen sa'kin upang subukan akong pigilan sa paglalakad ngunit nabigo siya dahil hindi ako tumigil. Pinagpatuloy ko ang paglabas at paghila kay Alexander hanggang sa wakas ay makalabas na kami sa loob ng cafeteria....doon pa lang ako nakahingang maluwag.

Ang kapal ni Stephen..sobrang kapal niya para isiping papansinin ko pa siyang muli.

Pagkatapos ng ginawa niya kay Alexander?

Nang sa wakas ay marating na namin ni Alexander ang lagi naming pinupuntahan na may puno kung saan wala masyadong mga estudyante ay nakangiti akong naunang umupo sa may damo at pinatong ang likod doon nga sa may malaking puno. "Masakit pa ba 'yong sugat mo sa labi?" Basag ko nang katahimikang tanong kay Alexander.

Umiling ito at umupo sa tabi ko. "I'm sorry sweetheart." 

Napasimangot ako sa sinabi niya.

Para saan?

Wala naman siyang kasalanan 'a? Si Stephen ang sinisisi ko!

"Let me see it." Ika pa nito na kinanuot ng noo ko ngunit siyaka ko lang napagtanto ang ibig niyang sabihin ng bigla nitong itaas ang uniporme ko banda sa kaliwang balikat.

Sandali akong nagulat sa ginawa nito kaya hindi ko agad siya napigilan ngunit nang mapagtanto ko ang tinitignan niyang pasa na nakuha ko sa kanya noong nakaraang sabado ay doon pa lang ako agad-agad na lumayo sa kaniya.

Sigurado akong nakita niya...paano na ito?

Mahina at peke akong tumawa. "Na-nahulog ako..sa hagdan." Pagsisinungaling ko ngunit mabilis ko ring iniwas ang mata ko kay Alexander nang makita ang tila maiiyak na nitong itsura.

Nanglalaki ang dalawang mata kong tumingin na lamang sa mga damo...ayon ba ang rason kung bakit kanina pa siya seryoso? Kung bakit parang ang lungkot-lungkot niya ngayon?

Ginugulo pa ba siya ng nagawa niya sa akin? Alam ko naman...hindi  niya naman iyon sinasadya at hindi naman ako galit.

"Don't lie..." Mahina nitong sabi na tila kino-kontrol ang boses niya na hindi pumiyok.  Pinipigilan niya ba ang sarili niyang hindi umiyak? "I hurted you." Paninisi nito sa sarili.

Napakagat ako ng ibabang labi ko at dahan-dahan na umusog pa ng upo palapit sa kaniya. "H-hindi mo naman sinasadya 'diba?" Hinawakan ko ang pisngi nito upang makita niya ang nakangiti kong mukha at baka doon ay hindi na siya malungkot. "Hindi masakit, promise!" Pagkukumbinsi ko pa sa kaniya ngunit malungkot lang nitong inalis ang pagkakahawak ko sa pisngi niya.

"I'm so fucking stupid. I want to kill myself." 

Napaanga ako sa lungkot ng tono niya kaya agad-agad ay niyakap ko ang malaki nitong katawan at dinama ang pagkakayap dito. "Sinabi ko na sa'yong okay lang ako 'diba? Hindi naman masakit...hindi na kasi nandito ka na ulit."

That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now