Kabanata 31

7.4K 189 88
                                    


Nagising na lamang ako umaga ng Lunes na hindi pa rin makapaniwala sa nangyari doon sa penthouse ni Alexander... masyadong marami at masyadong magulo ang lahat para maproseso ko ng tuluyan ang lahat.

Ang alam ko lang ay matapos akong tanungin noon ni Stephen ay tinalunan kaagad ito ni Alexander at literal na ginulpi niya ang dating kaibigan...sobra...sobrang agresibo nito na parang hindi siya iyong Alexander na kakilala ko. Ibang-iba ito sa kinagawian kong kalmado at malaki ang pasensiya na Alexander, talagang makikita mo sa aksiyon niya na sobrang napikon na siya, tila kasi siya isang halimaw na nakawala sa hawla at galit na galit.

Umiiyak ko no'ng pinuntahan si King sa may pool upang pilitin itong umawat ngunit hindi niya ako pinakinggan dahil tila proud na proud pa siya sa ginagawa ng kanyang pinsan habang nanonood.

Siraulo talaga iyon.

Noong hindi ko na kayang manood ay nagdasal na lang ako sa diyos na protektahan ako at hindi nagiisip na pumagitna ako sa kanilang dalawa...wala na noong laban si Stephen ngunit patuloy lang sa pananakit si Alexander dito kaya ng bigla akong humarang ay ako naman ang hindi sinasadya na masaktan ni Alexander.

Nararamdaman ko pa rin iyong pasa ko sa kaliwang balikat ko, ganoon kasakit ngunit wala naman akong pagsisisi.

Sigurado akong hindi imposible noong mamatay si Stephen kung hindi lang ako humarang at hindi ko kaya...hinding-hindi ko kayang panoorin na maging masamang tao si Alexander sa harapan ko. Hindi dahil sa'kin.

Gulat na gulat noon si Alexander sa nagawa niya at doon pa lang siya tila nagising iyong mga mata nito...iyong mga mata niyang sobrang itim na akala mo ay demonyo ay biglang naglabas ng mga luha...iyak siya ng iyak no'n habang nanghihingi ng tawad.

Kabaliwan, sobrang kabaliwan ang mga nangyari noong sabado. Ngayon na iniisip ko ang lahat ng iyon ay sumasakit lamang ang ulo ko.

Hindi ko alam kung nasaan no'n si King, sandali akong natulala habang nawalan naman na ng malay si Stephen...si Alexander ay hindi ko na rin no'n nakita hanggang sa bigla na lang may mga naka-uniporme noon na mga lalaking dumating.

Sobrang daming dugo...kitang-kita ko sa dalawang mata ko habang binubuhat ng mga lalaki na naka-uniporme si Stephen pahiga doon sa stretcher. 

Naalala ko bigla noon si Tata...si kuya, iyong araw na nakita ko sila sa bukiran namin, punong-puno ng dugo at wala ng buhay...iyak ako noon ng iyak, hindi ko alam kung kailan ako tumigil, hindi ko rin alam kung ano ang mga nasabi ko kay Alexander noong bumalik ito at biglang tumabi sa'kin.

Pauwi sa apartment namin ay wala sa'ming dalawang nagsalita, ang naaalala ko lang ay hindi ako makabuo ng kahit na anong salita kahit na ang dami-dami kong tanong sa isipan ko.

Doon natapos ang sabado namin.

Sabadong hindi ko malilimutan.

"Mahalia 'oy!" Sandali pa akong nagulat ng biglang magpakita sa mukha ko si Shai na nakakunot ang noo.

"K-kanina ka pa ba diyan?" 

Napataray ito sa kawalan. "Girl duh, oo! Ano bang iniisip mo?" Tanong pa nito.

Na'sa Cafeteria kami ngayon, hindi naman ako madalas kumakain dito dahil may trabaho ako sa loob ngunit ngayon ay nakiusap ako na hindi muna ako makaka-tulong dahil nga sa sobrang raming pumapasok sa isipan ko.

Dalawang araw na ang nakakalipas pero hindi pa rin ako matapos sa kakaisip.

"Wala." Pagsisinungaling ko at nginitian ito. "Nakita mo ba si Alexander?"

That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now