Kabanata 47

5.6K 120 13
                                    



"Nasaan na tayo?" Basag ko sa katahimikan mula ng bumaba kami ng eroplano ni King hanggang sa tuluyan na ngang makalabas ng Airport. 

"Aklan." Mabilis niyang sagot. "Fuck, where's your rebel boyfriend? I will leave you here alone if he's still not here within 5 minutes." Ika nito na tila bumubulong lang naman sa sarili at hindi naman ako ang kausap.

"Nandito siya? Hinihintay niya tayo dito sa labas ng Airport?" Paniniguradong tanong ko.

"He should be 'coz I won't think twice leaving you here alone!" Iritang-irita nitong sabi habang may kinakalikot sa phone niya.

Napasimangot ko na lamang inikot ang dalawang mata ko at matapos iyon ay pinagmasdan ang labas ng Airport...marami-rami ring tao at maraming mga kotse at Van doon na may mga hawak na sign ng mga lugar...hindi ko alam kung may mga hinihintay sila o nagpapasakay sila.

Kung nandito si Alexander ay bakit wala pa siya? Gusto ko na siyang makita.

Hinihintay niya na ba ako?

Nakasimangot pa rin ako dahil sa akto ni King sa'kin habang magkasama kami nang bigla na lang akong mabuhayan ng loob dahil sa nakita ko.

"Ayon na siya!" Masaya kong sigaw ng makita ang pigura ni Alexander na lakad-takbong pumupunta sa direksiyon namin ngayon.

"Finalliy that asshole." Bulong na naman ni King na tila nakahinga na ngunit hindi ko na lang pinansin ang ibig sabihin no'n at malaki lang ang ngiti na sinalubong si Alexander.

Malaki rin ang ngiti nito sa akin sabay agad ang salubong nang mahigpit na yakap at ilang segundong halik sa labi bago kumawala. "How's your first flight sweetheart?" Masayang tanong nito sa akin. "Another wish to check on your blucket list." Paalala niya pa at nginitian ako.

Sasagot pa lamang ako ng parehas kami ni Alexander napatingin kay King dahil bigla itong umubo.

"Did he treat you well?" Tanong nito sa'kin sabay muling halik ng maraming beses na pisngi ko, salit-salitan sa kaliwa at kanan kaya tahimik na lang akong natatawa.

Pinikit ko ang dalawang mata ko upang damahin iyong mga binibigay niyang halik. "Hindi...minumura niya ako palagi pero okay lang kasi nandito ka naman na." Ngiti ko kay Alexander. "Swetheart...huwag mo na ulit ako iwanan sa kanya 'a? Ayoko siyang kasama." Sumbong ko.

"Yep. I won't. Wala lang akong choice. The school failed me. I called them to know if you're going 'coz I forgot to ask you about it and they told me yes. Late na ako kahapon ng umaga kaya sumakay agad ako sa Aeroplane thinking na nandoon ka pero noong hinanap kita doon wala ka pala. That's why I decided to call my only friend, King." Sarcastic at tila nang-aasar ang huli nitong pangungusap na tinarayan lang ni King kaya napatango na lang ako at naintindihan na ang lahat.

Kaya pala...

"Here." Bigla niyang abot kay King ng isang puting folder na may alam kong laman na mga puting papel sa loob, wala namang kakaiba doon pero malay ko sa loob.

"Fuck. Finally!" Biglang agaw pansin na sigaw ni King na tila baliw...siguro nga ay baliw ito. "Akala ko maghuhubaran na kayong dalawa na hindi pa rin sa'kin binibigay iyong pinagusapan natin 'e!" Naiiling nitong ika kaya sinapak ito ni Alexander sa balikat niya.

"Thanks cous." Ngiti sa kaniya ni Alexander ko.

"Whateva." Sabay taray nito sa kawalan...bakit ba napakasungit niya at taray siya ng taray? "Your girlfriend sucks." Huling sabi nito at mabilis ng tumakbo paloob muli doon sa Airport.

"Saan iyon pupunta?" Tanong ko kay Alexander na pinapangunahan na ang paglalakad namin ngayon patungo sa hindi ko alam na lugar.

"Uuwi sa Manila? I don't know. I don't give a damn about his life."

Napatango na lamang ako dahil tulad niya....wala rin naman akong paki.

Ang alam ko lang ay magkasama  na kami ngayon, wala nang haharang sa amin.

"Saan tayo Alexander?"

Tinignan ako nito sandali at mabilis na nginitian. "Just watch sweetheart." Ika pa nito at maya-maya pa ay huminto na kami sa isang itim na kotse, nang buksan ni Alexander ang katabi ng driver's seat ay mabilis na akong pumasok doon sa loob na sinundan naman niya kaagad makalipas lamang ang ilang segundo.

"Boracay na ba 'to Alexander?" Tanong ko habang nagsisimula na siyang magmaneho at iniikot ko na ang buong mata ko sa labas ng bintana.

Boracay pero nasaan na ang dagat?

Mahina itong natatawang tinignan ako sa may salamin sa harap lang namin. "Airport pa lang po Mrs." 

Napatango ako at ngumiti na dahil talagang kasama ko na si Alexander ko....kung si King ang katabi ko ay malamang minura na naman ako no'n sa katatanong ko.

"Malapit lang?" Tanong ko pa.

"Opo, It shouldn't take us long hours." Dagdag pa nito.

Muli akong tumango sa sagot ni Alexander. "Inaantok ako Alexander." Bigla kong sabi.

"You can sleep. Hindi kita iiwanan, gigisingin na lang kita kapag dumating na tayo sa Hotel." Muli akong tumango sa sinabi nito at pinikit na ang mata sabay patong ng ulo ko sa balikat nito. "Have a good sleep sweetheart." Ika nito bago ako tuluyang tangayin ng dilim.




*****



Hindi ko alam kung paano kami napunta dito pero pagkasarang-pagkasara ng pinto ni Alexander sa kwartong tutuluyan namin ay bigla niya na lang akong hinalikan...dahan-dahan lang iyon ng una at akala ko ay hindi tatagal ngunit nagkakamali ako.

Iyong dahan-dahan niyang halik kanina ay unti-unting nagiging madiin, ang dalawang katawan naming nagtatama ang tanging ingay na maririnig sa buong kwarto.

Nakatayo pa rin kami at nagsisimula ng gumalaw patungo siguro doon sa kama ng sandaling humiwalay si Alexander upang parehas naming mahabol ang hininga namin at patayin ang ilaw. Matapos magawa ni Alexander ang dapat niyang gawin ay naramdaman ko na lang ang malalim at mainit nitong hininga sa likod ko. "You okay, swetheart?" Tanong pa niya at hinawakan ang balikat ko na nakakapagpa-kiliti sa'kin at dahilan ng pagkapikit ko ng dalawang mata ko.

Tumango ako sa tanong nito kahit hindi ako sigurado kung nakikita niya ba ako dahil wala nang nagsisilbing liwanag.

Ilang segundo ang lumipas na nakatayo lamang ito sa likod ko at magsimula na naman siyang kumilos. Unti-unti ay itinaas niya ang pangitaas kong suot na hinayaan ko naman. Matapos niya iyong magawa ay humarap na ako dito.

Hinawakan ko siya sa dibdib pataas sa mukha niya hanggang sa wakas ay mahawakan ko na ang dalawa niyang pisngi. Muli akong pumikit at itinangala ang ulo ko. "Halikan mo ako Alexander." Mahina kong ika at hindi nga ako nabigo dahil makalipas lamang ang ilang sandali ay ginawa naman agad nito ang hiling ko.

Binaba niya ang ulo niya upang salubungin ang labi kong naghihintay ng kaniyang mga halik, ang kaninang malamig na lugar ay unti-unting nagiinit.

Uminit ba talaga ang panahon o dahil ito sa katawan ko na nangiinit?

Hindi ko alam...at wala akong paki.

Magrereklamo na sana ako ng muli akong bitinin ni Alexander ng ihiwalay na naman nito ang mga labi naming gutom na gutom sa isa't-isa. "You're completely aware of what we're doing right?" Paninigurado niya.

"Oo...alam ko." Ika ko at sikretong napangiti. "Gagawa na tayo ng baby hindi ba?" 







A/N: Parang may naririnig ako sa tabi na umiiyak? Ahem Piyanngggs.  Tapos parang may nakita rin ako biglang naihi? Ahem Piantriaflo HAHAHAHAHAH.

That Probinsiyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon