Kabanata 15

10.5K 339 46
                                    


"Mahalia kailan mo ba ako sasagutin? Bungad na bati kaagad sa'kin ni Stephen nang makita ko itong naglalakad sa pasilyo... lagi nitong kasama si Alexander na aakalahin mo talagang kambal sila ngunit ngayon ay wala ito.

Hindi ko tuloy maiwasang malungkot ng kaunti.

"Ayokong pumasok sa isang relasyon." Sagot ko na lang na lagi kong namang sinasabi sa kaniya.

Hindi pa ba siya nagsasawa sa paulit-ulit kong sagot? Bakit ba kasi ang kulit-kulit niya?

Totoo nga ang hula ko noong una...umamin na kasi siya at sinabing crush niya ako.

Paano ako papasok sa isang relasyon na wala naman akong kasiguraduhang totoo? Isa pa kung nabubuhay si Tata ay alam kong hindi ako no'n papayagan, ganoon din si Kuya na lagi akong pinoprotektahan sa mga kasing-edad naming lalaki na sumusubok suyuin ako sa probinsiya.

"Paano kung ma-inlove ka sa'kin?" Tanong nito habang sinusundan pa rin ako.

"Hindi ako magmamahal ng kahit na sino." Masungit kong ika at huminto na dahil sa pagsunod-sunod ni Stephen. "Ano? Sasamahan mo rin ba ako sa loob ng klase ko?" Nginisian ako nito.

"Kung gusto mo." Sagot niya. "P'wede mo ba akong halikan?'" Nanglaki ang dalawa kong mata na nakapagpatawa kay Stephen.

"Ayoko! Bastos ka... ginagawa lang 'yon ng dalawang nagmamahalan at... hindi pa naman kita mahal." Sagot ko ngunit bigla lamang ako nito kinurot sa pisngi.

"Hindi rin." Kontra nito sa'kin kaya tinaasan ko siya ng isang killay.

"Sa pagkakaalam ko hindi lang bigla nanghahalik si Tata sa hindi niya naman mahal... ganoon rin ang Kuya ko." 

"That's 'coz they're boring. Ilang beses na nga ako pumasok ng sagad kasama 'yong itlog ko sa mga babaeng hindi ko naman mahal 'o anong matatawag mo do'n?" Ika nito na nanghahamon ngunit hindi ko siya naiintindihan.

Pumasok? Saan? Papasok na kasama ang itlog? Akala ko ba halikan ang pinaguusapan namin?

"Huh?' Kumunot na ang noo ko at hinawakan na lamang ako ni Steohen sa balikat ko. "Pakiramdam ko mahal na kita.... ang tagal ko nang hindi nakikipag halikan man lang sa kahit na sinong babae kasi iniisip kita."

Napasimangot ako. At ngayon, kasalanan ko pa?

"Edi makipaghalikan ka kung kahit kanino pero ako? Hindi ako papayag. Umalis ka na sa harapan ko kasi papasok na ako sa klase ko." Mataray kong ika dito.

"Pasungit ka ng pasungit sa'kin araw-araw?" Tanong nito.

Sinusubukan ko namang maging mabait dito pero nakakaasar na talaga ang araw-araw nitong pangungulit. Noong nasungitan ko siya no'ng Lunes ng isang beses ay nahihirapan na akong maging mabait ulit dito. 

"Kasi pakulit ka rin ng pakulit araw-araw."

"Nagugutom na talaga ako Mahalia." Biglang ika nito. 

"Edi kumain ka." Pati ba iyon ay kasalanan ko pa?

"Nagugutom na ako in a man way... kahit halik lang? Mawawala 'yong gutom ko."

Nakakabusog ba ang halik? Anong kinalaman no'n?

"Gusto kitang kainin kaso alam kong iba ka... siguro kapag dinala pa lang kita sa altar kita kakainin." Matamis ako nitong nginitian. "Sa ngayon? Halik lang ang pangarap ko." Inalis ko na ang pagkakapatong ni Stephen ng kamay sa mga balikat ko.

"Kung kakainin mo ako... edi hindi ba mamamatay ako?" Marahan itong napatawa.

"Hindi literal."

"Kaya? Ano ang ibig sabihin no'n?"

That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now