Kabanata 25

8.1K 232 7
                                    


"Mahalia!" Sigaw nang kung sino na dahilan ng paghinto ko sa paglalakad, agad-agad ay napatingin rin ako sa pinanggalingan ng boses na tinawag ako.

Siya ba iyong tumawag sa'kin?

Hindi nga ako nagkakamali sa una kong inisip ng makita ko agad si Alexander na lakad-takbong lumalapit ngayon sa akin, malaki ang ngiti kong sinalubong ito. "Alexander." Bati ko sa kanya.

"Nakatulog ka?" Agad na tanong nito nang sa wakas ay magkaharap na kami.

Napangiti ako sa tanong nito at tumango...hindi naman masamang magsinungaling minsan hindi ba?

Pero sa totoo lang, matapos iyong nangyari kagabi may babae bang makakatulog? Ako kasi ay hindi...ni isang pikit ng mata ay hindi ko magawa. Masyado akong napupuno ng emosyon para makatulog, ganoon rin ang isipan ko ng mga imahinasyon at nang mga nangyari.

Nahuhulog na nga talaga ako dito.

"Ikaw Alexander?" Tanong ko pabalik dito.

"Nope. I was just thinking 'bout you every minute."

Awtomatikong namula ang dalawang pisngi ko sa sinabi nito at nakayukong na lamang na naglakad katabi siya.

"Alexander?" Tanong ko nang hindi pa rin ito humihiwalay sa'kin. "Hindi ba sa ibang Building ka ngayon?"

"Yeah," Pagkukumpirma niya "Pero makiki-sit in ako sa klase niyo ngayon."

"Sit in?"

"Papasok... mag-aaral sa klase na hindi ko naman talaga klase? I don't know how to explain it Mahalia." Mahina itong tumawa na nakapagpabilis na naman sa tibok ng puso ko.

Bakit ba parang musika sa pandinig ko ang tawa niya?

"H-hindi ako magaling sa English Alexander."

"Really?"

Tumango ako. "English iyong susunod kong klase." Dagdag ko pa upang hindi na lang ito sumama sa'kin dahil alam kong mapapahiya na naman ako sa klaseng iyon.

Alam kong hindi rin ako gaano gusto ng guro ko sa English kong klase dahil nga ako lagi ang pinakamababa...ayaw ko namang matuklusan iyon ng lalaking gusto ko.

"It's fine, na'sa tabi mo lang ako kapag kailangan mo ako."

Nagpakawala na lamang ako ng malalim na hininga dahil mukhang wala naman na akong magagawa. Tumungo na lang kami ng sabay sa pangalawang palapag kung nasaan ang klase ko, alam kong na'sa likod ko lang si Alexander kaya ng pumasok rin ito sa loob ng klasrum kasama ko ay sandaling nagsitahimikan ang lahat ng kaklase ko at pinagmasdan ito hanggang sa makaupo na rin ito sa tabi ko.

Kalaunan ay bumalik na rin naman ang mga kaklase ko sa kani-kanila nilang mga ingay at ginagawa noong wala pa kami. Nang pakiramdam ko ay hindi na kami ang gitna ng atensiyon ay doon ko pa lang tinignan ang katabi kong si Alexander upang magtanong dito. "Bakit sila tumitingin sa'yo Alexander?"

"Don't know." Kibit balikat nito.

Ang gwapo mo kasi...mabait ka pa at matalino. Gusto ko iyong sabihin pero syempre ay pinigilan ko ang sarili ko.

"Alexander?" Tawag ko dito at tinignan siya, doon ko nahalata na wala pala siyang ginagawa at nakatingin lang din sa akin. "Huwag mo akong tatawanan 'a? Hindi kasi ako...hindi ako matalino Alexander." Nahihiyang ika ko na at napatingin na lamang sa sapatos ko.

"I won't Mahalia."

"Salamat."

Nang biglang magsitahimikan na ang mga kaklase ko ay alam kong dahil iyon sa dumating na ang guro namin na babaeng may katandaan at laging nakatali ang puti ng buhok.

That Probinsiyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon