Kabanata 50

5.6K 100 5
                                    

"Mahalia!" Agad na pasigaw na bati ni Stephen habang palapit ito ng palapit sa akin suot-suot ang kaniyang malaking ngiti.

Hindi ko maiwasan ang lakasan ng tibok ng puso dahil sa ngiting iyon... kakaibang-kakaiba ang kaba ko, hindi tulad ng nararamandaman ko kay Alexander tuwing ito ang lumamalapit... basta ang alam ko lang ay hindi maganda ang dahilan ni Stephen kung bakit siya lumalapit sa'kin ngayon, idagdag mo pa ang marami niyang kasama na pamilyar ang mga mukha sa'kin, mga kapwa rin naming estudyante na alam kong hindi ako gusto at mga mukhang lasing na.

Hindi ako sigurado kung ilan silang lahat ang pinalibutan ako basta ang alam ko lang ay ang kaninang walang nakaupo na inuupuan kong tila sofa ay bigla na lamang napuno, may mga nakatayo pa nga sa may mesa upang tuluyan akong mapalibutan.

Anong plano nila? Bakit nila ako nilapitan?

Napakagat ako ng ibabang labi dahil hindi ko alam ang gagawin, hindi ko rin alam ang sasabihibin ko sa mga ito.

Gusto kong umalis, gusto kong tumayo at lumayo na sa kanila pero saan naman ako tutungo?

Paano kung maligaw ako at may lasing na mambastos sa'kin?

Saan na ako pupulutin?

Paano rin ako makakaalis sa palibot nila?

Iniyuko ko na lamang ang ulo ko ng alam kong wala na akong magagawa at tahimik na pinagmasdanna lamang ang mga kuko kong walang kulay.

Nilaro-laro ko pa 'yon upang kunwari ay may ginagawa ako ng bigla akong matigil ng muli na namang tawagin ni Stephen ang pangalan ko. "Mahalia!" Huminga ako ng malalim at sandali pinikit ang dalawang mata ko sa kaba bago iyon binuksan at tingalain na siya, alam kong sa'kin na ngayon nakatingin ang lahat ng kasama niya na hindi nakakatulong sa paghina ng tibok ng puso ko.

Anong sasabihin ko sa kaniya?

"Hindi kita marinig!" Ika ko na lang.

"Huh!?" Rinig kong tanong nito malamang dahil sa hina ng boses ko.

"Shot! This is your first party with us, right!?" Malakas na tanong nito at kung ano-ano pa ang sinabi nang mga kasamahan niya na hindi ko naman naiintindihan, maliban sa malakas ang pagpapatunog sa buong lugar ay sabay-sabay pa silang magsalita.

Gusto ko na lamang maglaho, sana kaninin na ako ng lupa.

Unang party ko daw ba ang tinatanong niya?

Oo eto nga...dahil na-uusisa ako sa kung anong nangyayari dito pero ngayon na alam ko na ang tunay na pangyayari sa mga ganitong party ay sigurado akong kahit kailan ay hindi ko na ulit gugustuhin na pumunta sa mga ganito!

Ang ingay lang at puro amoy alak sila!

Hinding-hindi ko maiintindihan ang tinatawag nilang 'saya' sa mga party na ganito!

Dapat pala ay pinakinggan ko na lang si Alexander.

Ngayon, anong gagawin ko?

Hindi pa rin humihina ang tibok ng puso ko kaya pati ang labi ko ay nararamdaman ko na rin unti-unting manginig sa kaba.

"Pre, ayaw sumagot! No hablo English daw kasi!" Ika ng isang lalaki na hindi ko alam kung sino at biglang nagtawanan na iyong lahat ng estudyante na nakapalibot sa akin.

Bakit ba nila ako kinakausap?

Ayaw naman ng mga ito sa akin 'diba? Kaya bakit nila ako pinag-gigitnaan ngayon?

Namumula ang pisngi kong tumingin na lamang sa maliit na baso at isang bottle ng alak na biglang ipinatong ni Stephen sa may mesa.

Malaki ang ngiti nito ng itingala ko ang paningin ko sa kaniya. "May kondisyon kami dito Mahalia! Lahat ng uma-attend sa ganitong party, especially tuwing ganitong panahon ay ginagaya ito!" Sigaw na naman ni Steohen upang marinig ko.

That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now