Kabanata 34

6.6K 132 124
                                    


Hindi ko naintindihan ang ibig sabihin ni Alexander sa reaksiyon niya. Natatawang tinawanan lamang ako nito at biglang hinalikan na naman ako ng mabilis sa labi.

Bakit hindi niya sinagot ang tanong ko?

Ano ang ibig sabihin no'n?

Ayaw niya ba akong maging girlfriend? Kung ganoon ay bakit nakangiti siya?

"Alexander?" Tawag ko dito na umalis na sa pagkakaupo niya sa malaki niyang kama.

"Come on, we can chit chat in the morning let's sleep now." Napasimangot na lang akong tumango dito at hinayaan siyang takpan ako ng kumot niya.

Dalawa kaming nakahiga sa kama niya ngunit sa laki noon ay hindi ko naman nararamdaman na masikip.

Ipinikit ko na lang ang dalawang mata ko tutal pagod na rin naman ako.

Ayoko na lang siguro masyadong mag-isip tungkol sa aming dalawa.







"Sweetheart?" Rinig kong tawag sa'kin ni Alexander pagdilat na pagdilat ko pa lang ng dalawang mata ko.

Nang una ko siyang tignan ay hindi siya malinaw kaya hinayaan ko pang masanay ang mata ko sa pagtingin hanggang sa maging normal na ulit ito. Nginitian ko siya "Sweetheart?"

"Yeah. Our call sign," Sagot nito at biglang inalis sa katawan ko ang malaki at komportableng comforter, sa sandaling segundo tuloy ay pakiramdam ko ay nahubaran ako. Akala ko kung ano na ang gagawin ni Alexander kaya niya inalis ang comforter 'yon pala ay naglagay lang siya nang maliit na mesa sa harapan ko.

"Wow." Manghang ika ko at sinuri ang mga lutong pagkain na nandoon, alam ko ang pangalan ng iba tulad ng pamilyar na itlog sa'kin, pancakes, ubas at bacon ngunit may iba pa itong mga kasama na hindi ko na mapangalanan.

" Manghang ika ko at sinuri ang mga lutong pagkain na nandoon, alam ko ang pangalan ng iba tulad ng pamilyar na itlog sa'kin, pancakes, ubas at bacon ngunit may iba pa itong mga kasama na hindi ko na mapangalanan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkaing pang-mayaman siguro.

Malaki ang ngiti kong tumingala kay Alexander. "Ang ganda na ng umaga ko," Sabi ko dito. "Pero hindi dahil sa pagkain....kundi dahil sa ikaw ang bungad." Nagpakawala ako ng kinikilig na hagikgik at ibinaba na ang tingin ko upang hindi makita ni Alexander ang pamumula ng pisngi ko.

Wow...natututo na akong lumandi kung tawagin ni Ate Carla.

Nagdadalaga na daw ako sabi niya sa'kin, normal lang daw ang ganito.

Normal lang daw ang ma-inlove.

In love na ako kay Alexander.

Sa boyfriend ko.

Kaso girlfriend niya kaya ako?

"I don't even cook for myself, I mean I don't usually eat breakfast but for you I'll do anything." Rinig kong ika nito at umupo sa tabi ko, sa gilid ng kama niya.

That Probinsiyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon