Kabanata 64

5.3K 93 12
                                    


Hindi ko alam kung paano ko nagawang mamasyal kasama si Alexander at makabalik ngayon sa Apartment na tinutuluyan namin na sobrang gulo ng isipan... gusto kong sabihin iyon kay Alexander dahil baka nakakabahala iyon, oo, sigurado akong nakakabahala nga iyon pero baka masira lang ang araw nito.

Madaling araw na ngayon sa Auckland at hindi ko pa rin magawang ipikit ni isang sandali ang kahit na isa sa mga mata ko... ilang araw pa ba ako magiging ganito?

Akala ko kahit papaano ay makakaulog na ako ng payapa dahil hindi ko na iniisip na baka mapahakamak sila Nanay Lorna at Ate Carla, mali pala ako.

Ang gusto ko lang ay makatulog na nang maayos, ang makasama si Alexander na walang kokontra.

Bakit ba tila kontra ang lahat sa pagmamahalan namin?

Ganoon ba sila kalungkot at kainggit sa pagmamahalan namin?

"You awake?" Agad akong napabangon nang marinig ko ang boses na iyon ni Alexander... ano pa bang silbi ng pagkukunwaring tulog? Pati rin naman pala siya ay hindi iyon magawa, kailan kami makakatulog ng maayos?

Binuksan ko iyong ilaw sa may tabing mesa ng kama at ipinatong ang baba ko sa dalawang tuhod ko. "Alexander?" Tawag ko dito, alam kong nakahiga pa rin siya dahil hindi ko nararamdaman na kumikilos siya.

"I don't know how to make you sleep... paano ba ako mag-sisinungaling na magiging maayos rin tayo para makatulog ka na ng maayos kung ang sarili ko nga ay 'di ko makumbinsi?"

Napapikit ako ng madiin dahil sa boses niyang iyon... nararamdaman ko ang emosyon na bumabalot sa kaniya, halo-halo, alam kong natatakot rin siya sa maaaring mangyari at gusto niya lang na pagaanin ang sarili ko pero paano?

Paano niya magagawa 'yon 'e kung tulad nga ng sinabi niya ay maski sarili niya hindi niya mapaniwala?

Anong laban namin?

Anong laban namin sa pamilya niya? Kay Vanessa at Stephen? Sa mga ka-school mate ko na nababasa kong hindi sang-ayon sa relasyon namin at sa mga lalaking naghahabol sa akin hanggang ngayon?

Anong laban namin? Anong laban namin maliban na lang sa pagmamahalan na namamagitan sa amin? Sapat ba iyon? Mabubuhay ba kami doon at hindi masasaktan?

Naramdaman ko na lamang ang mga luhang tumutulo na pala sa mata ko... alam ko na, alam ko na dati pa lang na marami nang may-ayaw sa pagmamahalan namin pero ngayong gabi ko lamang tunay na napagtanto ang bigat at hirap upang maging magkasama lang kaming dalawa.

"You crying?" Sa tanong pa lang na iyon ni Alexander ko siya naramdamang kumilos, nakapikit ako kaya di ko siya nakikita pero malamang ay umupo lamang ito sa kama. Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang mga kamay nitong hinihipo ang likuran ko at taas-babang hinahagod iyon upang patahimikin ako.

"We'll survive this, alright?" 

Positibong tao si Alexander... isa sa mga maraming magandang katangian nito siguro... siguro kahit papaano ay nagsinungaling ako at sumang-ayon na ako sa kaniya kung hindi ko lang alam na may mga taong gustong kumitil sa akin.

Isang linggo na iyong bumabagabag sa isipan ko, oo, kahit papaano ay umaasa akong hindi ako matatagpuan dito sa New Zeland pero parang sa dami na ng hadlang sa amin ay parang ang sarap na lang sumuko... ang sarap na lamang talikuran ng lahat.

Hindi ba't ang gusto ko lang naman bago nakilala si Alexander ay makasama sina Tata,Mama at kuya? Hindi ba?

Paanong nagbago ang lahat? Mas madali kasi noon 'e... kung siguro hindi ko nakilala si Alexander ay mas mapapadali ang buhay ko, matatanggap ko ang kapalaran ko at hindi ako tatakbo sa mga naghahabol sa akin pero ngayon na nakilala at minahal ko siya? Ang gusto ko lang ay mabuhay at makasama siya.

That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now