Kabanata 37

6K 115 65
                                    




Hindi pumasok ngayong araw si Alexander at hindi ko alam ang dahilan kung bakit, wala namang masyadong nangyari sa akin sa school. Ganoon talaga siguro ka-boring ang buhay ko kung wala sa'kin si Alexander.

Buong araw ay puro bulungan lang rin kay 'Vanessa' ang naririnig ko, nagbabalik na raw ito galing sa Paris, pero sino siya?

Bakit lahat ay pinaguusapan siya at pinagbubulungan? Anong mayroon sa kaniya?

Bulong... sa mga naririnig kong bulong nila kay Vanessa ay naaalala ko na naman iyong mga nakikita kong usapan sa mahiwagang kwaderno ko kaya napakagat ako sa ibabang labi ko habang pinagmamasdan ngayon iyon ngang lumang kwaderno na natagpuan kong may mahika....ilang araw na akong hindi nagbabasa dito at gustong-gusto ko na siyang muling buksan ngunit kailangan kong pigilan ang sarili ko.

Ayaw ko...ayaw ko nang magbasa pa diyan at makita ang masasamang salita ng mga tao patungkol sa akin.

Hindi ko na kaya...hindi ko na kaya iyong sakit.

Hindi na baling hindi ko alam ang totoo basta ay hindi lang masakit.

Ganoon naman hindi ba? Halos lahat naman ng tao ay napaguusapan ng ibang tao sa likod nila...kaya nga ito tinatawag na 'bulong' pa-sikreto, hindi alam ng taong pinaguusapan ngunit paano naman ako? Paano naman ako na nabigyan ng kakaibang kwaderno na may kakaibang kapangyarihan?

Napailing na lang ako.

Paano kaya iyon nangyayari? 

Napapikit ako ng dalawang mata ko at dahan-dahang itinago iyong notebpok sa ilalim ng higaan ko.

Hay...ano kayang nangyari kay Alexander at bakit hindi siya pumasok ngayong araw? May kinalaman ba iyon kay Vanessa?

Bahala na nga...tatanungin ko na lang siya bukas.

Maraming akong trabahong ginawa ngayon sa Cafeteria kaya naman ng ipikit ko na ang dalawang mata ko ay hindi kataka-takang agad akong tinangay ng dilim.





*****






Martes na ngayon at kakatapos ko lang ng pangatlo kong klase ngunit kahit anino ni Alexander ay hindi ko pa rin nakikita.

Dalawang araw na...hindi na naman ba ito pumasok? Anong nangyayari?

Naaalala ko tuloy iyong unang beses ko siyang makita unang araw ko dito sa Larkspur pagkatapos noon ay halos dalawang linggo siyang nawala sa school, ilang beses ko ng naiisip na tanungin siya noon kung anong nangyari ngunit palagi kong nakakalimutan.

Hindi ko kayang mawala ulit si Alexander ng ganoon katagal...masyado na akong nasanay sa presensiya nitong lagi lang na'sa tabi ko kaya naman sobrang nawawalan ako ng gana ngayon.

Hays.

Kailan kaya siya ulit papasok?

Hindi ba ako nito nami-miss? Kasi ako miss na miss ko na siya.

Habang naglalakad ako ngayon palabas ng gusali upang pumunta sa doon sa Cafeteria ay nilagay ko na lang ang paningin ko sa may sapatos ko, free time ko ngayon kaya tutulong ako sa kusina ngunit napahinto ako sa paglalakad at napaangat ang ulo ng may marinig akong sigaw.

That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now