Kabanata 24

8K 207 39
                                    


"It's not as high as you think it is Mahalia, come on tignan mo 'o. Sayang naman iyong view kung nakapikit ka lang." Ika ni King.

Kanina pa ito nagpupumilit na buksan daw ang dalawang mata ko ngunit simula nang maupo ako sa upuan sa loob ng Ferris Wheel ay hindi ko na magawang buksan ang mata ko.

Ano ba kasi ang na'sa isip ko at inilagay ko ito sa Bucket List ko?

"Mahalia?" Tawag ni Alexander at naramdaman ko na lang na tumabi ito sa tabi ko. "Galit ka ba?" Umiling ako dahil hindi ko magawang magsalita kasi pakiramdam ko ay masusuka ako tuwing humihinto sa ere ang sinasakyan naming kompartment. "Sorry." Biglang naging malungkot ang tono ni Alexander kaya napabukas na ako ng mata upang titigan ito.

"S-saan?" 

"For forcing you to ride Ferries Wheel with me? Akala ko kasi gusto mo." Napakagat ako sa ibabang labi ko sa itsura nito.

Naasar ako sa sarili ko kasi sinisi ngayon ni Alexander ang sarili niya at akala nito ay hindi ako masaya.

'E tunay nga lang akong nagiging masaya kapag kasama ko siya.

"Okay lang... masaya ako dito." Nilakasan ko na ang loob kong tumingin sa salaming bintana at kahit na tila mahuhulog ang puso ko sa taas namin ay nilakasan ko pa rin upang isipin ni Alexander na tama ang desisyon niya.

Ayokong isipin nito na mali siya.

Ayokong malungkot siya.

Nakita ko ang biglang pagliwanag sa mukha ni Alexander at ilang sandali pa ang lumipas ay may dinukot ito sa bulsa niya na cellphone. "Smile for me?" Napaaanga ang bibig ko at nagulat nang biglang may mag-flash pagkatapos ay natatawa na nitong ibinaba ang cellphone niya.

"Anong ginawa mo?" Tanong ko.

"I took a picture of you. Remembrance." Ngiti niya kaya lang ay napasimangot ako.

Ayokong mag-picture dahil alam kong hindi naman ako maganda sa mga ganoon lalo na at hindi ako handa.

"We're at the top now." Silip ni Alexander sa baba. "Can we take a picture? Habang nandito pa tayo sa taas kasi baba na 'to mamaya." Paalam nito na hindi ko naman naintindihan.

Selfie ba 'yon?

Pamilyar...nagamit na iyon ni Ate Carla ngunit hindi ko na naalala ang ibig sabihin no'n.

"Mahalia?" Tanong muli ni Alexander kaya tumango na lang ako at hinintay ang gagawin nito nang bigla na naman niyang ilabas ang cellphone niya na dahilan nang mablis kong pagtakip sa mukha ko.

Pipicturan na naman niya ako ng hindi  ako handa.

"'E?" Nagtatakang tanong nito.

"Ayoko...ayoko ng picture." Nagkibit balikat na lamang si Alexander na ibinalik sa bulsa niya ang cellphone kaya ay inalis ko na ang dalawang harang na kamay sa mukha ko. "Alexander.. mayroon kasing mga pangyayari na para sa mata lang at hindi sa lense ng camera." 

Napangisi si Alexander na itinaas ang dalawang kamay. "Okay... sorry, millennial lang." Natatawang ika nito.

"Bumababa na ba tayo?" Tanong ko dito dahil hindi ko na kayang magkunwari at tumingin lang sa may bintana kaya tanging sa mukha na lamang ni Alexander ako nagpo-pokus.

Tumango si Alexander sa sagot ko at muling tumingin sa bintana. "Yup... malapit na tayo bumaba."

Napangiti ako dito. "Salamat."

"Huh?" Inalis na niya na ang paningin niya  sa may bintana upang tignan rin ako. "For what?"

"Dito? Sa isang sandali na hindi ko malilimutan?" Patanong na sagot ko dito.

That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now