Kabanata 9

12.6K 371 58
                                    

"Anak bakit hindi nga pala kita nakita sa Cafeteria kanina?" Salubong na tanong agad ni Nanay Nerie habang naglalakad kami ngayon  papunta sa sakayan ng jeepney.

Kalalabas lamang namin ng gate ng school at ito nga kami ngayon naglalakad.

"Busog pa po ako 'e." Nahihiyang pagsisinungaling ko kahit ang totoo ay wala pa talaga akong kain simula sa pandesal at itlog kanina sa umagahan namin... hindi lang talaga ako pumuntang Cafeteria dahil mag-isa akong nagkukulong sa may kompartment ng banyo ng paaralan upang makaiwas sa mga tao.

Mahiyain na ako dati pa pero alam kong mas lumalala na ako at alam kong kailangan ko 'yon baguhin sa sarili ko... kahit unti-unti. Kailangan ko.

Hindi ko alam...sana  ngayon lang ito dahil naninibago talaga ako sa siyudad... sa lugar, sa mga tao at mga akto nila, basta sa lahat-lahat. Hindi ako sanay. Hindi ko alam ang mga dapat kong sabihin upang hindi mapahiya. Isang buwan rin kasi akong nagkulong sa maliit na apartment nila Nanay Nerie kaya baka nakadagdag lang 'yon ng kaba ko ngayon ngunit alam ko ring malamang ay dahil talaga iyon sa nangyari kila Tata at Kuya.

Buong buhay ko ay kasama ko sila sa lahat-lahat... lagi sila dating na'sa tabi ko kaya hindi ako natatakot sa kahit na anong maaaring mangyari dahil nandiyan lamang sila ngunit ngayon ay alam kong wala na sila at haharapin ko na ang lahat ng mag-isa.

Wala na sila.

Napapikit ako sandali ng dalawang mata ng tamaan na naman ako ng reyalidad.

Kailangan kong tumigil sa pagiisip tungkol sa kaniila... walang mangyayari kung malulungkot lamang ako. Kailangan kong mabuhay sa siyudad upang mabigyan sila ng hustisya. 

Hindi ko alam... hindi ko talaga alam ang punto ng buhay ko ngunit para sa kanila ay magpapatuloy ako.

Mabuti na lang nang makarating na kami kung saan nakaparada at naghihintay ang mga jeepney ng pasahero ay wala nang pila at medyo maluwag pa ang kaya agad agad ay nakaupo na kami.

"Kamusta ang unang-araw, marami ka na bang naging kaibigan?" Nakangiting tanong ni Nanay Nerie.

"Maayos naman po." Balik ang ngiting sagot ko dito.

Buong biyahe ay wala na sa'ming nagsalita at nang makababa na kami ay dumiretso na agad kami sa lumang gusali kung saan kami nakatira.

Ang gusaling inuupahan nila Nanay Nerie ay mayroon lamang anim na palapag... luma na ang gusali at madumi kung titignan sa labas ngunit bahay na iyon kung maituturi ko dahil nandoon si Nanay Nerie at Ate Carla... sa pinakataas kaming palapag umuupa, sa dulong bahagi ng palapag-kaya naman tila ehersisyo na rin kung tutuusin ang paakyat at pababa namin.

Tahimik lamang kami ni Nanay Nerie na naglalakad habang alam kong may mga taong pinapanood kami.. lalo na ako dahil ngayon nga lang ako lumabas makalipas ang isang buwan ko na pananatili dito.

Para akong naiibang nilalang habang ramdam na ramdam ko ang tinginan ng mga kapit-bahay namin, simula sa unang palapag ay may mga lumalabas pa sa mga apartment nila upang panoorin ako... hanggang sa makarating na kami sa pang-anim na palapag ay ganoon pa rin ang mga tinginan, pilit ko na lamang hindi iyon pinapansin kahit may mga bulong-bulungan pa akong naririnig.

Nakahinga lamang ako ng maluwag nang sa wakas ay na'sa tapat na kami ng apartment namin at buksan iyon ni Nanay Nerie.

Hindi na kami tumagal pa at pumasok na sa loob.

Bahay... ito na lamang ang maari kong matawag na bahay ngayon.

"Mahalia!" Bungad agad ni Ate Carla at hinalikan ako sa kaliwang pisngi ko. Hindi man lang nito pinansin ang Nanay Nerie niya na dumiretso sa kwarto nito. "Kamusta bebe girl?" Hinila agad ako nito paupo sa nagiisang sofa ng bahay at pinaupo doon katabi niya. "Kwentuhan mo ako." Interesadong sabi nito.

That Probinsiyana GirlTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang