Kabanata 10

12.1K 408 97
                                    


Halos isang linggo na rin simula noong unang araw ko dito sa Larkspur High School... sa totoo lang ay halos wala namang nag-iba masyado. 

Alam kong nagkakaroon naman ako ng progreso kahit papaano, pinipilit ko kasing sanayin ang dalawang mata kong tumigin diretso sa mata ng kausap ko ngunit kadalasan kapag nahihiya talaga ako ay hIndi ko maiwasang mapatingin na lamang sa sapatos ng kausap ko.

Wala namang masyadong kumakausap sa'kin... ang mga estudyante sa paaralang ito ay may kanya-kanya ng mga kagrupo at kaibigan kaya wala naman nang nagaabala pang makipag-kaibigan sa'kin.

Napapansin ko rin sa kwadernong napulot ko na sa bawat araw na lumilipas ay nawawalan na ng mga interes ang mga estudyante dito sa'kin dahil paiksi na nang paiksi ang mga nadadagdag na sulat sa kwadernong iyon na bulungan tungkol sa akin.

Ganoon pa rin ang takbo ng buhay ko, mas humirap nga lang ng kaunti ngayon dahil sa mga trabaho na gawa ng school ngunit iyong puso ko?

Sobrang bigat pa rin... hinahabol pa rin ako ng mga imahe ng patay na bangkay ni Tata at Kuya. Tuwing wala akong ginagawa, minsan habang naliligo, o 'di naman kaya minsan kapag naglalakad ay bigla-bigla na lang ako tinatamaan ng reyalidad .Tuwing nangyayari iyon ay gusto ko na lamang umiyak ngunit lagi kong kinokontrol ang sarili ko.

Biyernes ngayong araw at unang araw ko sa Physical Education o P.E kung tinatawag nila. Iba-iba ang mga kaklase ko bawat subject kaya wala pa talaga ako masyadong nakikilala. . nakakahiya nga rin kasi hindi talaga ako makasabay at mukhang magagaling silang lahat lalo na sa English.

Basketball ang P.E ko... Ito na lang daw kasi ang klase na hindi pa napupuno.

Ngayon nga ay na'sa gym na ako at nakaupo kasama ang mga kaklase ko sa Basketball na P.E namin sa mga upuaan.

Bleachers...  ang pangalan ng mga upuan na 'yon base sa kaklase ko, wala pa naman ang instruktor namin dito kaya naghihintay lang kami.

Base sa pag-oobserba ko ay puro mga babae lang ang kasama ko sa bleachers at ang mga kaklase naman naming lalaki ay nagsisimula nang maglaro.

Maliban sa hindi ako marunong maglaro ng Basketball ay may takot rin ako sa bola... sa probinsiya kasi tuwing naglalaro no'n si Kuya kasama ang mga kaibigan nito sa bayan ay ilang beses na akong natamaan diretso sa ulo.

Hindi ko tuloy maiwasang magulat lalo na kung minsan ay nakakatama ang bola sa mga nanonood lang sa bleachers, nandoon na tuloy ako ngayon sa pinakataas na bahagi ng bleachers upang iwasan ang bola na nilalaro ng mga kaklase ko.

Ang maslas-malas ko talaga.

Sa lahat ay basktball pa ang naging P.E ko.

Nilabas ko na lamang ang mahiwaga kong kwaderno na hindi ko nakakalimutang ilagay sa bag ko at nagbasa doon... medyo nakakagulat iyon lalo na nang mapagtanto ko ang tunay na silbi no'n dahil minsan pa ay nasaksihan ko ang mga bulungan sa'kin at ang pagsulat nito sa kwaderno.

Nakakabaliw pero ang iniisip ko na lang ay iniwan ito sa'kin ng diyos, o ni Tata... ewan ko basta ay alam kong magpro-protekta ito sa'kin.

May mga kakaiba rin kasi akong nababasa... at alam kong galing iyon sa mga lalaking kumitil sa buhay ni Tata at Kuya, ayon sa mga nakasulat sa mahiwagang kwaderno ay hinahanap pa rin nila ako at nagagalit na daw ang 'boss' nila.

Kinakabahan ako ngunit nagpapasalamat rin ako na wala silang kaide-ideya kung nasaan ako dahil mukhang mas napapalyo pa sila sa'kin at dahil nga sa mahika ng kwadernong ito ay nakikita ko ang progreso nila na wala namang nangyayayri sa paghahanap sa akin.

That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now