Kabanata 30

7.4K 191 82
                                    


Hindi ko tuluyang mawari ang nagawa ko, basta ang alam ko lang ay nagkadikitan na ang labi namin ni Alexander, nagsisimula na ring uminit ang pakiramdam ko at alam kong hahawakan na dapat ni Alexander ang likod ng ulo ko upang palawakin ang halikan namin nang bigla na lang kaming magkahiwalay sa isa't-isa.

Hindi ko alam ang nangyari pero biglang napatumba na lang ako sa lupa.

Masakit, sobrang sakit ng pagkakatumba ko pero masyado akong gulat upang magkaroon pa ng reaksiyon.

Nanglalaki ang dalawang mata kong tinignan si Stephen na bigla na lang na'sa harap ko na at ngayon nga ay pa-surpresa pang sinuntok si Alexander diretso sa tiyan nito na dahilan ng pagkakatumba ni Alexander sa tila bench na inuupuan niya.

Anong nangyayari?

Bakit biglang nandito si Stephen?

Bakit niya sinasaktan si Alexander?

Ilang segundo pa akong napatulala sa biglang pangyayari sa harapan ko ng tila magising ako ng muli na namang suntukin ni Stephen si Alexander bago pa ito makabangon.

Napapikit ako ng mariin dahil sa malakas na tunog ng pagtama ng kamao niya sa buto ni Alexander.

Nanginginig ang buong katawan kong tumayo at mabilis na tumakbo kay Stephen upang pigilan sana ito ng bigla akong mahinto dahil sa paghawak ng kung sino sa balikat ko, hinarap ko ang may gawa no'n ngunit hindi ko rin naman tuluyang makita ang taong pumipigil sa'kin dahil napupuno na ang dalawang mata ko ng luha ngayon.

Iyon 'yong pinsan ni King...hindi ko man siya malinaw na nakikita ay sigurado ako doon.

"Oh," Napasimangot ang mukha ng lalaking tinawag kanina ni Alexander na King, ito iyong pinsan niya. "Don't be scared babe. Let them kill each other." Ngumiti na ito at kinindatan pa ako.

Sinubukan kong tanggalin iyong hawak ni King ngunit hindi ako nito binibitawan kaya sisikuhin ko na sana ito ng agad-agad ay nasalo niya iyon. "Be patient babe...just watch and be patient. I want you to see how evil can my cousin get." 

"Fuck!" Rinig kong malutong na mura ni Alexander kaya mabilis na napabalik ang paningin ko sa kaniya.

Tuluyan na itong nakatayo ngayon at may namumuo nang dugo sa kaliwang labi nito malamang dahil sa sapak na binigay sa kanya ni Stephen.

Parehas nang nakatayo si Stephen at Alexander ngunit hindi tulad ng kanina ay wala nang nanakit sa kanila, tila pinapakiramdaman na lang nila ang isa't-isa kung sino ang unang aatake.

"What the fuck bro!?" Sigaw ni Alexander sa mukha ni Stephen.

"You fucking asshole! I knew it! I told you not to mess with what's mine!" Balik na sigaw ni Stephen at agad na nagbigay ng sapak padiretso kung nasaan si  Alexander ngunit agad nito iyong nailagan.

"What's yours!?" 

"Mahalia!" Sigaw pabalik ni Stephen at ngayon ay naglalakad na nang paabante kay Alexander na hindi naman siya nilalabanan pabalik, puro iwas lamang ang ginagawa nito. 

"You know that she's not yours Stephen." Kalmadong ika ni Alexander sa katotohanan ngunit tila mas naasar doon si Stephen dahil biglang binuhat nito ang na'sa tabi niyang bench na upuan at binato iyon papunta kay Alexander.

"T-tama na!" Sigaw ko habang nanginginig pa rin sa mga nangyayari.

Diyos ko po....diyos ko po...mabuti na lang ay nakaiwas si Alexander dahil alam kong malaking pinsala ang maaari nitong makuha kung hindi siya mabilis kumilos.

That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now