Kabanata 43

5.8K 136 105
                                    



"Alexander nabigyan ka rin ba noong papel na anong tawag doon? Iyong w-waver ba 'yon?" Hindi siguradng tanong ko dito.

"Waver? You mean the paper 'bout the out of trip expenditure after the examination?" Paniniguradong tanong niya habang kinakain ang chichirya niya sa gitna ng bawat hinto niya.

Hindi ako kinakailangan ngayong araw sa kusina kaya naman ay kasama ko si Alexander sa oras na ito upang ako ay maghabol sa hindi ko pa nasasagutang takda at ito ay para kumain. Mabuti na nga lang at wala ngayong masyadong trabaho kaya hindi na nila hiningi ang tulong ko, paano ba naman kasi ay ipapasa na ang hinahabol kong takda sa susunod kong klase, pagtapos na pagtapos ng break namin.

"You done? Let me check it." Ika ni Alexander ng mapansin siguro nito na huminto ako sa pagsagot at mapatitig sa kaniya.

Agad-agad akong umiling at mabilis nang ibinalik ang pokus ko sa papel kung saan sinasagutan ko ang mga tanong na sa totoo lang? Hindi ko talaga maintindihan.

Hindi ko nga maintindihan ang tanong, paano ko pa masasagot ito?

Hindi ko tuloy maiwasang mapapikit ng mata sa naramdaman kong biglang pagsakit ng tiyan ko...hindi ako nakakain kanina ng almusal dahil wala akong gana ngunit ngayon ay ramdam na ramdam ko na ang gutom at pagsisisi. Gusto ko rin sana kumain ngunit sayang lang sa oras dahil may kailangan akong tapusin na takda.

'Kailangan mo itong matapos ngayon Mahalia o tunay na baba pa ang mababa mo ng grado....mahiya ka naman kay Alexander na masipag kang tinuturuan.'

Nang buksan ko na ang dalawang mata ko ay hindi ko maiwasang mapatingin sa hawak na chichirya ni Alexander imbis doon sa papel na kailangan ko dapat sagutan.

Nagugutom na talaga ako.

Pokus Mahalia....mag-pokus ka sa takda mong hindi mo masagot-sagutan.

Napailing na lamang ako sa biglang tumunog kong tiyan at nilagay na muli ang paningin ko sa kwaderno ko na agad ring nalipat sa kamay ni Alexander na kumukuha doon sa balot ng chichirya...tuwing tumutunog iyon ay hindi ko maiwasang magutom pa lalo.

Nagugutom na talaga ako.

"Huli ka!" Biglang sabi ni Alexander kaya sandali akong nagulat, matapos ang bigla niyang pagsasalita ay binigyan ako nito ng isang at ngisi. "You hungry?"

Mabilis akong umiling at pinutol na ang pagtitinginan namin ni Alexander.

"We?" Pangungulit pa nito.

"Hindi nga!"

"Here," Sabay abot niya sa akin ng balot ng chichirya. "Munch this for awhile I'll get you something helthier." Matapos iyong sabihin ni Alexander ay tumayo na siya at naglakad papunta doon sa pinakaharap ng Cafeteria kung nasaan ang linya ng mga pagkain.

Dahil hindi naman na nakatingin si Alexander sa akin at nakatalikod ito ay mabilis na agad akong kumuha doon sa balot ng chichirya upang nguyain ang masarap na nilalaman no'n.

Gusto kong makain itong lahat habang wala pa si Alexander...para pagbalik nito ay hindi niya ako makikita na sumuko na sa gutom.

Hindi ko alam kung ano ang mga kinuha ni Alexander na pagkain at ang tagal-tagal niya, ang dami ko ng nakain at mauubos na ang balot ng chichirya ngunit wala pa rin siya. Napatingala na ako doon sa kaninang lugar kung nasaan siya ngunit wala na siya doon.

Huh?

Alexander?

Nasaan siya?

That Probinsiyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon