Kabanata 27

8.4K 226 38
                                    



"Where will you eat?" Tanong agad ni Alexander pagkalabas na pagkalabas pa lang namin sa English na klase ko.

"H-huh?" Wala sa sariling tanong ko dito.

Ano ang sabi niya?

"Cafeteria? Or d'you want to go somewhere else...to eat food?" Dahan-dahan ay bigla kong naramdaman ang mga daliri ni Alexander na pumasok sa espasyo rin ng mga daliri ko.

Maraming tao sa mahabang pasilyo at alam kong hindi lamang ako ang nakakapansin sa ginawang iyon ni Alexander dahil may iilan akong nakikita na pasimpleng napapatingin sa magkahawak naming kamay na hindi ko maipaliwanag ang mga ekspresyon.

Galit ba sila?

Naiingit o nalalandian? Hindi ko alam basta ay hindi masaya ang mukha nila.

Hindi naman ito 'yong unang paghahawakan namin sa harap ng maraming tao, dahil sa funfair ay madaming beses namin iyong ginawa ngunit iba 'yong nararamdaman ko ngayon dahil napapaligiran kami ng mga estudyante na parehas mga pamilyar sa'min.

"A-alexander?" 

"Uhm?"

"H-hindi ako kumakain...may trabaho ako sa canteen kapag ganitong oras." Napakamot na lamang ako sa batok ko gamit ang libre kong isang kamay.

"Right." Tila biglang naalalang ika ni Alexander. "Hindi ka ba nagugutom?" Dagdag na tanong pa nito habang tinatahak na namin ngayon iyong hagdan pababa sa unang palapag.

"Sanay na ako Alexander."

"Hindi p'wede. Kailan pa ba ang huli mong kain?" Napakagat ako ng ibabang labi ko habang tahimik na nagiisip.

Kaninang umaga ay nagkape ako at kumain ng mainit na pandesal... pero hindi ko alam kung ilang oras na ang nakalipas simula noon.

"Siguro anim na oras na ang nakakalipas." Tansiya ko.

"Ipapaalam kita. Eat with me at the cafeteria. I know someone in the Office, hindi sila makakaangal sa'kin dahil sa epilyido ko." Nagbigay ng isang nakakalokong ngsi sa'kin si Alexander na sinamangutan ko lang.

"Hindi p'wede...'yong mga kasamahan ko Alexander mahihirapan sila kapag nagkulang ng tao." Sandali akong napapikit ng mata sa pagkagulo ng isipan ko.

Alam kong gusto kong makasama si Alexander ng mas matagal pa pero alam ko rin naman na kailangan kong gawin ang trabaho ko ng pantay na hindi siya ginagamit. Ang duga naman kasi 'diba? Dahil lang sa kaibigan ko siya ay makakatakas na ako.

Ano ba ang gagawin ko?

"Hey," Biglang ika nito kaya napaangat ang ulo ko upang makita ang seryoso nitong mukha. "I didn't mean to sound like I'm a brat... trust me I rarely use my last name for my advantage, in fact, I loathe the truth that I'm a Larkspur but when I do use it I know it's worth it and every minute with you is worth it Mahalia."

Hindi ko klaro at eksatong naiintindihan ang sinabi nito pero alam ko naman ang punto ng ibig niyang sabihin kaya tila mas uminit pa ang kanina ko pang mainit na pisngi. "N-ngayon lang 'a? H-hindi kasi ito p'wedeng araw-araw."

Tumango si Alexander pagkatapos ay binigyan ako nito ng malaking ngiti. 

Tahimik namin tinahak 'yong lugar kung nasaan ang mga puno kung saan ay walang mga estudyante. "I'll just call him. Ipapaalam lang kita." Paalam nito at sandaling lumayo pa sa'kin pero agad-agad din ay nakabalik rin ito.

"Tapos na?" Napaangang tanong ko.

"Yup."

"Agad?" Muli kong tanong.

That Probinsiyana GirlKde žijí příběhy. Začni objevovat