Kabanata 1

19.7K 535 79
                                    


Hindi pa rin bumababa ang mga balahibo sa buong katawan ko sa nakikita ko pero imbis na takot ay pighati ang nangibabaw sa akin. Gusto kong tumakbo kay Tata at kuya ngunit hindi ko magawa.... wala akong lakas na bumangon at lapitan sila.

Tata...

Kuya...

"Ta.... Kuya...." Tawag ko sa gitna ng mga hikbi ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto o baka oras na ang lumipas bago ko nagawang kumilos.

Tumila na ang kaninang malakas na ulan ngunit ang mga luha na pumapatak sa mata ko ay tila walang katapusan. Unti-unti kahit mahirap ay tumayo ako, kahit ilang beses akong natumba sa pagsubok ko ay patuloy pa rin ako sa pagbangon marating lamang si Tata at Kuya.

Nahihirapan akong makita sila ng malinaw dahil sa mga luhang humaharang sa paningin ko pero hindi ako nagkakamali na sila nga iyon.

"Ta?" Mabilis akong napaupo sa putikan tabi nito. "G-gising tata... natatakot ako tata..." Pero wala, wala akong naririnig tanging ang nakakabinging katahimikan lamang. Hinawakan ko ang pulso ni Tata habang nagdadasal na sana ay nagkakamali lang ako... na sana ilusyon lamang ang nakikita ko... na sana ilusyon lang din ang hindi na gumagalaw na pulso nito. "Tata? S-sige na po.... Ta.... A-ayoko nito." Matapos kong makailang beses na subukang kuhain ang pulso ni Tata at wala akong makuha ay lumipat naman ako sa katabi lang nito na si kuya.

Halos hindi ako makatingin nang makita ko ang ilang saksak dito... mayroon pa sa mukha niya na akala mo ay isa siyang hayop na nahuli ng mangangaso. "K-kuya h-hindi na ako natatawa... gumising ka... si T-tata h-hindi na humihinga, k-kuya tulungan mo a-ako." Inalog-alog ko ito pero wala pa ring nangyayari.

Hindi ko na pinigilan ang sarili ko na umiyak ng sobrang lakas ng wala pa ring kumikilos ni isa sa kanilang dalawa.

Dapat ay sinasaway na ako ngayon ni Tata at sasabihin niyang maayos lang sila... dapat ay pinagtatawanan na ako ngayon ni kuya dahil umiiyak na naman ako pero bakit wala?

Nasaan na sila?

Bakit nila ako iniwan?

Bakit laging ganoon?

Bakit sa gawain iniiwan nila ako... pati ba naman sa buhay? Iiwanan rin nila ako?

Bakit? Hindi ba ako mabuting anak?

Ginagawa ko naman ang lahat ng gusto nila 'a?

Bakit nila ako kailangang iwanan?

Lagi kaming pinapaalalahanan ni Tata na matuto kaming gumalaw sa totoong takbo ng mundo kasi mawawala rin siya, na sasamahan niya rin si mama sa palasyo ng diyos ngunit hindi ko naman 'yon pinapakinggan. Nandiyaan na sila simula ng idilat ko ang dalawa kong mata. Kahit kailanman ay hindi ko naisip na iiwan niya ako... na iiwan nila ako ng sabay.

Nasaan na 'yong mga pangako nila?

Hindi ba kapag nakaipon na si Tata ngayong taon ay magpapahinga na lang siya at sasamahan niya kami ni kuya na mag-aral sa Manila? Hindi ba... plano na nila at pinagiipunan na nila iyon ni mama simula ng isilang kami? Pero nasaan na? Bakit nila ako iniiwan? Paano mangyayari 'yong mga pangako na 'yon na ako lang ang mag-isa?

Paano?

"Tata....kuya.... B-bakit h-hindi niyo ako s-sinama? Ang d-duga niyo.B-bobo ako kuya d-diba? P-paano ako mabubuhay ng mag-isa? B-bobo ako 'diba? B-bakit niyo ako i-iniwan?" Kahit mahirap, kahit sobrang sakit at tila tinutusok ang puso ko ay tumayo ako... sinubukan ko para kay Tata at kuya... hindi ako papayag na makakalimutan na lang sila ng mga tao at ganito pa ang kamatayan, hindi nararapat sa kanila iyon... hindi ko alam kung ano ang iisipin ko at kung saan ako pupunta.

Gusto kong umiyak lang at samahan sila dito hanggang sa hindi ko na kaya at pati ako ay mawalan na rin ng buhay pero patuloy na pumapasok sa'kin ang mga paaral ni Tata. Hindi siya matutuwa sa'kin kapag ginawa ko iyon.

Nabubuhay ako kasi may rason... kahit sobrang hirap isipin kung ano ang rason na iyon ng wala si Tata at Kuya sa tabi ko ay meron... meron... hindi ko pa nga lang alam.

Meron nga ba?

"B-babalik ako T-ata... kuya..." Hirap na hirap akong maglakad habang nababalutan pa rin ang mga mata ko ng tila ulap na usok sa labo ng paningin ko, gusto kong balikan sila Tata pero alam ko sa sarili kong kung hindi ko mako-kontrol ang emosyon ko ay walang mangyayari. Kailangan ni Tata at Kuya ang tulong ko... kahit na malibing lang sila ng maayos at hindi tratuhin na animo'y hayop ayon lang ang hiling ko... gusto kong payapa silang ilibing... ayon ang nararapat sa kanila.

Ang hirap... ang hirap isipin na kanina ay ang pagkain lamang ang problemang iniisip ko pero ngayon ang kahaharapin ko ay ang bukas na puno ng kalungkutan at pagiisa. Paano ako mabubuhay na naayon sa katuparan ng diyos kung gusto ko na rin kitilin ang buhay ko? Paano ako patuloy na hihinga sa mundong ibabaw kung alam kong lahat ng mahal ko ay wala na dito?

Paano?

Paano?

Paano?

Napahinto ako sandali sa paglalakad sa maputik na bukiran nang bigla akong may maramdamang naapakan... madilim na at halos wala akong makita ngunit ng pinulot ko ang bagay na iyon ay napagtanto kong isang kuwaderno iyon... isang kuwaderno?

Mabilis kong kinuha iyon dahil maaring naiwan iyon ng pumaslang kila Tata at kuya. Doon lang ako sigurado... imposibleng kinitil ni Papa at Kuya ang buhay nila lalo na't unti-unti ng natutupad iyong mga pangarap namin na makapunta sa Manila. May ibang masamang tao na tinigil ang pagtakbo ng buhay nila... doon ako sigurado at sana... sana itong kwadernong hawak ko ngayon ay makatulong sa'kin upang malaman ang sagot.







CHAPTER POSTED: November 01, 2017

A/N: This is what the notebook looks like. Very old fashioned, sira-sira and may mga weird lettering sa harap.

Sa mga nagbabasa 'wag pong mahiyang mag-comment or kahit vote man lang para naman sa mas maganda pong ranking ng story sa Hot List. SALAMAT ♥♥♥

 SALAMAT ♥♥♥

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now