Kabanata 56

5.3K 108 15
                                    


Wala akong ibang nagawa kung hindi ang ipikit na lamang ang dalawang mata ko at ihanda ang sarili sa kahaharapin ko.

Tanging ang mga magagandang alaala na lamang ang pilit kong iniisip. Si Tata...ang ngiti nito at ang mga payo na kinakainisan ko dati pero ngayon ay hinihiling ko na sana marinig kong muli, si Kuya na laging na'sa tabi ko at pinoprotektahan ako, ganoon na rin si Mama na hindi ko na masyadong matandaan pero alam ko mahal na mahal ko.

Sa isip ko ay hinihintay nila akong tatlo...ako na lamang ang kulang, magkakasama na kaming muling apat at magsasaya.

Iiwanan ang lahat...kakalimutan iyong masamang nangyari kay Nanay, iyong bahagi ng buhay namin na hindi lang nakapagbago kay Kuya kung hindi sa buong pamilya namin, sa aming mga pagkatao.

Naaalala ko pa...naaalala ko pa iyong araw na iyon.

Si Nanay, sandali lamang itong naghanap kay Kuya dahil naga-aalala siya pero hindi namin inaasahan na matatagpuan na pala siyang patay na....pinatay at ginahasa ng kung sino mang hayop.

Sa sarili naming bukid. Sa sarili naming pag-aari.

Malaki ang epekto no'n hindi lamang sa musmos na isip ni Kuya... lumaki siyang sinisisi ang sarili at sobrang iniingatan ako, hangga't maaari ay hindi ako nito hahayaang makipag-usap kahit kanino, kahit sa kamag-anak namin kaya hindi ako malapit sa kanila.

Takot siya.... sobrang takot na mangyari ang dati, ganoon din si Tata kaya siguro ngayon na wala na sila ay ang hirap-hirap. Ang hirap-hirap na magsalita...makisalamuha sa mga taong hindi ko kiallala at tumayo sa sarili kong mga paa. Masyado akong nasanay na naka-depende sa kanila.

Klarong-klaro pa rin sa akin iyong insidenteng iyon....iyong araw na nakita ko si Tata at Kuya na duguan, walang malay at kawawang pinatay na para banng hayop sa sarili ulit naming bukid. Walang ibang ginawa si Tata at Kuya kung hindi ang magtrabaho... .may sarili kaming mundo na pamilya, hindi kami nangingielam kahit kanino at wala silang kaaaway kaya paano may makakagawa sa kanila ng kahayupan na ganoon?

Pero hindi ba sa langit ay sabi puro saya lang? Wala daw doong paghihirap dahil ang lahat ng 'yon ay na'sa lupa lang, sa mundo nating madilim at puno nang kasalanan.

Siguro sa langit ay masaya na silang tatlo...wala na silang pino-problema at hinihintay na lang ako. Hindi na siguro nila alam ang sakit nang kanilang mga pagkamatay....ang kanilang paghihirap.

Gusto ko...gusto ko ring maransan iyon, gusto ko na ulit silang makita at makasama.

Alam kong tumulo na ang mga luha ko dahil sa iniisip ko pero bigla na lamang pumasok sa isip ko si Alexander.

Ang taong minamahal ko, ang lalaking nakapagpatunay sa akin na hindi pa tapos ang lahat, na kaya ko pang sumasaya sa gitna ng lahat ng nanagyari sa akin, ang lalaking hindi ako iiwanan kahit anong mangyari. Ang lalaking alam kong lalaban sa lahat makasama at makapiling lamang ako. Tanging Alexander ko.

Kung lumalaban siya ay dapat ako rin... lalaban ako at hindi ko hahayaang ganito na lang ang kasasapitan ng buhay ko.

Binuksan ko na ang dalawang mata ko at tulad ng kanina ay wala pa ring nagbabago sa reaksiyon ng mga alam kong demonyo sa harapan ko... kailangan kong tumakbo.

Kailangan kong lumaban para sa buhay ko, hindi man ako swertihin ay at least lumaban ako.

Ayon na lamang ang magagawa ko upang pasasalamat sa lahat ng isinakripisyong pagmamahal at kabaitan sa akin ni Alexander.

Hindi ko alam kung bakit ako... ako na babaeng natagpuan at nakilala niyang tanga, hindi kayang magsalita at sira ang pagkatao, bakit ako? Hanggang ngayon at siguro kahit kailan ay hindi ko maiintindihan si Alexander kung paano niya ako minahal, basta isa lang ang sigurado ako, habang buhay ako doon magpapsalamat.

That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now