Kabanata 54

5.1K 102 23
                                    


Hindi ko maiwasan ang panglakihan ng mata dahil sa nakikita ko ngayon, pati ang aking bibig ay napaparte na rin sa gulat. Paano ba naman kasi ang isang malaking lalaki kanina ay naging dalawa... nadagdagan ng isa, biglang naging tatlo at ngayon ay apat na sila!

Lahat sila ay nakasuot ng sando kaya nakikita namin ng klaro ang tattoo na pare-parehas, lahat rin sila ay kalbo at malalaki ang katawan!

Bakit ganiyan ang mga mata nila!?

May mali ba kaming ginawa!?

Ano ang kasalanan namin?

"Alias... may sinasabi ata s-sila." Pansin ko ng makita ang lalaking unang humarang sa'min na tila sumisigaw ayon na rin sa agresibong pagbukas at sara ng bibig nito.

"I can't open the window nor the car's door..." Rinig ko ang pagpa-panic sa boses ni Alias. "Let's just forget all of this Mahalia. Gusto kong umuwi ng buhay." Nagtataka man ay napakunot na lang ako ng noo... baka masasamang lalaki itong mga humaharang sa'min ngayon kaya natatakot si Alias.

Sibnimulan na ni Alias iatras ang kotse niya ng bigla akong mapasigaw dahil pagtingin ko sa salamin sa harap ay may humarang din sa likod. "Alias hinto!" Sigaw ko na agad nakapagpa-preno sa kaniya.

"We're fucked." Napapikit ng mata si Alias at tinignan ako na tila luluha na siya.

Pero bakit?

Na'sa tamang bahay ba kami?

Bakit ganito ang reaksiyon niya?

Nilunok nito ang laway niya. "Hindi naman nila ako sasaktan kapag nalaman nila kung sino ako 'diba?" Tanong nito sa'kin na mas lalo lang nakapagpagulo ng isipan ko.

Ano bang mangyayari?

Bakit siya sasaktan?

Nawala lamang ang tinginan namin ni Alias ng bigla kaming makarinig ng katok sa bintana nito na dahilan ng pagkapikit ni Alias ng madiin sa mata niya. "It's over." Ika pa nito kaya tinignan ko kung sino ang dahilan ng pagkatok dahil hindi naman niya tinitignan.

Napaanga ako ng makita ang pamilyar na lalaki.

Diretso lamang ang tingin nito sa akin.

Si King!

Si King! Ang pinsan ni Alexander!

Napangiti ako dito at binalik na ang paningin kay Alias. "Si King!" Masaya kong ika.

"K-king?' Tila nanghihina ang boses niya. "Alexander's cousin?"

Masaya akong tumango dahil sa wakas ay may nakita na akong kakilala maliban sa mga lalaking malalaki ang katawan at nakakatakot.

Siguro nga ay ditto ang bahay nila Alexander!

"Kilala niya ako! Hindi naman nila tayo sasaktan bakit ka ba natatakot?" Pagtataka ko.

Hindi pa nakakasagot si Alias ng biglang kumatok na naman si King sa may bintana kaya kumaway na ako dito ng nakatingin. "Ako na lang ang kakausap sa kaniya kung ayaw mo?" Alok ko.

Mabilis na binuksan ni Alias ang dalawa niyang nanglalaking mata. "Sigurado ka?" Mabilis akong tumango.

Ano bang mali?

Ano bang kinakatokot niya kay King? Kahit baliw man ito ay maayos naman siya minsan makausap?

Nakakaintindi naman ito.

"Go on." Usad niya at binuksan nga iyong pintuan sa may tabi ko kaya humakbang na ako palabas at doon napagtanto ang rami ng mga lalaki na nakapalibot sa kotse ni Alias na ngayon ay umaalis na at tila iniiwan si King na mag-isa.

Napangiti ako kay King na seryoso lang ang itsura. Nawala lang ang ngiti ko ng mabilis pa sa alas-kwatro na pinaandar palayo ni Alias ang kotse niya.

Seryoso bang iniwan niya akong mag-isa!? Paano ako makakauwi?

Sinubukan ko itong habulin. "Alias, alias!" Tawag ko nang mapahinto ako dahil sa paghawak ng kung sino sa balikat ko, hinarap ko ang seryosong si King.

Hindi ko na ngayon magawang ngumiti dahil sa mata nitong tila sinusunog ako. "Why the fuck are you here?" Malalim ang boses na tanong nito kasabay ang mas pagdiin niyang hawak sa balikat ko sa bawat segundong lumilipas.

"S-si Alexander kasi parang n---" Hindi pa ako natatapos sa pagsasalita ng bigla na lamang akong literal na kaladkarin ni King papunta doon sa malaking gate na mabilis binuksan ng malalaki ring lalaki na humarang kanina sa kotse ni Alias.

"K-king...masakit." Aray ko ngunit tila walang naririnig si King at diri-diretso lang ang mabilis na lakad habang tangay-tangay ang kaliwang balikat ko, hindi naman mas hamak na mas matangkad si King kaya nakakaladkad ako dahil sa ginagawa nito.

Sandali akong napapikit at napaluha ng bigla kaming umakyat sa maliit na hagdanan upang makapunta doon sa may pinto dahil sa malakas na pagkakatama ko sa hagdanan. "K-king...sandali lang." Ika ko pa ngunit parang bingi itong walang naririnig.

Hindi ko alam kung anong nangyayari, hindi ko alam kung bakit tila sobrang raming lalaking malalaki ang katawan at kalbo na tila hindi nauubos pero ganon na nga. May dalawa na namang malaki ang katawan na lalaki ang nagbukas ng malaking pintuan ng mansion bago pa man makasalita si King, tila nababasa na nito ang isip ng lalaking kaharap nila.

Si Alexander? Nasaan na siya?

Ano bang mangyayari sa'kin?

"K-king...pwede ba? P-pwede bang bitawan mo na ako? Masakit." Ika ko pa upang maawa ito pero patuloy lang siya sa paglalakad habang hila-hila ako na napapapikit na lang sa sakit at bilis niya ng paglalakad.

Masamang tao ba si King?

Mamamatay na ba ako dito?

Tulad ba siya noong mga lalaking pumatay kay Tata at Kuya? Kasi kung hindi...kung hindi ay hindi ba dapat naaawa na siya sa akin ngayon? Bakit niya ako kinakaladkad kahit sinasabi kong nasasaktan na ako?

"King....please."

Patuloy lamang si King sa pagkaladkad sa'kin kaya wala na akong ibang nagawa kung hindi ang bilisan pa ang lakad ko kahit napapagod na ako sa sobrang haba na ng nalakad namin, bakit ba tila walang katapusan ang pasilyong dinadaanan namin ngayon?

Hindi ko masyadong malibot ang mata ko dahil sa bilis ng lakad ni King pero ang nakikita ko lang ay puro litrato at mga lalaking lalaki na kalbo... lalaking napupuno ng hindi ko maintindihang tattoo sa mga braso nila at malalaki ang katawan.

Wala bang ibang babae dito?

Sa wakas ay nahinto rin kami. Aakala ko ay pinakinggan na ako ni King pero binuksan lang pala nito ang isa pang malaking pinto at nagpatuloy muli kami sa paglalakad ng mabuksan niya na iyon.

Ang una kong nakita ng mabuksan niya na sa wakas ang pinto ay isang kwarto...isang malaking kwarto na napupuno ng mga nakaatakot na koleksiyon ng tila bungo ng mga tao.

Alam ko lang na kwarto iyon dahil sa malaking kama. Malaking kama na hinihigaan ngayon ng dalawang hubad na babae...dalawang hubad na babae na pinapatungan ang isang lalaki.

Isang lalaking pamilyar na pamilyar sa akin.

Diyos ko po... bakit niya ito sa akin nagawa?

B-bakit?







A/N: I'm trying something kaya sobrang dami bigla ng update hahah! I'll wait siguro until Friday to see the results... kung wala pa ring nagbago I guess balik na tayo sa once a day? THANK YOU ♥

That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now