Kabanata 42

6.3K 123 141
                                    


"Why are you here?" Malamig ang boses na tanong ni Alexander kay Vanessa na ako ang tinitignan ngayon ng mariin.

Hindi naman ito mukhang gulat sa nakita dahil sa katunayan nga ay diretso lamang ang mukha nito na tila hindi nae-epektuhan.

Nagkibit balikat si Vanessa bilang sagot at mabilis rin namang ibinalik ang kaniyang paningin pataas sa mukha ni Alexander. "Don't know. Why is she here?" Tanong naman niya patungo dito.

"She's allowed to go here anytime she wants to. This is MY penthouse Vanessa and as far as I remember you're not invited." 

Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko nang hindi ko na kayang manood lang at dahan-dahang lumapit pa ng husto sa pwesto nilang dalawa hanggang sa wakas ay tuluyan ko ng makita si Vanessa na nakikipaglabanan ng tingin ngayon kay Alexander. 

Nakakagat na lamang sa ibabang labi ko bago ako yumakap sa likod ni Alexander upang iparamdam dito na na'sa likod niya lang ako kung kailangan niya. 

Hindi nagsalita si Alexander sa ginawa ko ngunit hinawakan naman nito ang kamay ko at mas hinigpit pa ang yakap ko sa kaniya na ginawa ko naman. Ginilid ko ang ulo ko upang makita ang seryosong mukha ni Vanessa na hindi pa rin inaalis ang pakikipagtalo sa tinginan kay A;exander.

"Does tito know about this?" Hindi ako sigurado ngunit may naririnig akong banta doon sa tono niya.

"Fuck my father." 

Napangisi si Vanessa sa sagot ni Alexander at medyo nagulat pa ako ng ilipat muli nito ang paningin sa akin. "Tito won't approve this you know?" Umiling-iling pa ito habang sinusuri ang kabuuan ng mukha ko na hindi makapaniwala.

Bakit? Ano bang meron sa'kin?

"To tell you the truth Vanessa, I honestly don't give a fuck." Malutong na mura ni Alexander patungo dito kaya nalipat muli ang paningin ni Vanessa sa kaniya.

"Talaga lang?" Hamon pa nito.

Hindi sumagot si Alexander sa tanong ni Vanessa ngunit ilang segundo pa ang lumipas at may inilabas ng phone si Vanessa mula sa may kalakihang pitaka nitong dala-dala. "I'll call your father."

Natawa ng bahagya si Alexander sa inasksiyon ni Vanessa ngunit kakaibang tawa iyon, imbis na mahawa ka at matuwa ay kabaliktaran ang mararamdaman mo. Hindi ko tuloy maiwasan ang taasan ng balahibo sa tawang iyon. "Of course you will." Ika ni Alexander makalipas ang ilang sandali. "What's new? Dind't you also called my father when I refused to have a relationship with you?"

Napaanga si Vanessa sa tinugon ni Alexander at galit itong napahinto mula sa kung ano mang ginagawa niya sa phone niya, napakagat siya sa ibabang labi na halatang nagpipipigil at nagiisip ng susunod na sasabihin.

"So this is it?" Tanong niya pa at sandali na naman ako binigyan ng pansin. "You broke up with me because of this girl, really?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

"Yes."

Napailing na lamang si Vanessa at napaanga sandali ang bibig na agad niya ring sinara. "Wow." Ayon lang ang sinabi niya at agad-agad nang tumalikod, noong akala ko ay aalis na talaga siya ay bigla siyang napahinto sa paglalakad palayo at hinarap kaming dalawa ni Alexander. "You'll regret this Alexander." Tuluyan na siyang lumabas ng pintuan kaya mabilis na iyong sinara ni Alexander.

Matapos masara ni Alexander ang pintuan ay hindi ako nito pinansin at dire-diretso lang sa isa sa mga itim na sofa ng penthouse niya, tahimik na lamang akong sumunod dito.

Hindi ko alam ang nararamdaman niya ngunit alam kong hindi katulad ng kanina ay may gumugulo sa isipin niya. "Alexander?" Tawag ko dito nang matayo na ako sa harapan niya.

Tinaas lang nito ang paningin niya sa akin sandali at binigyan ako ng pilit na ngiti. "Yeah?"

Umiling ako dahil wala naman talaga akong sasabihin, tumabi na lamang ako sa tabi nito at niyakap siya. "Magiging okay rin tayo...'diba?" Tanong ko dito.

"Of course...I will love you no matter what happened. I'll never leave you sweeatheart." Pagkukumpirma nito sa tanong ko. "It's getting late, your Nanay Lorna and ate Carla must be worried. Come on, let's get you home."





*****



Alam kong tuwing magkasama kami ni Alexander ay maraming mapanghusgang mga mata ang nakatingin sa'min ngunit natutunan ko na lang na hindi iyon pansinin.

Masaya kami, ano pa ba ang mahihiling namin?

Tulad nga ng sinasabi ni Alexander... hindi ko na dapat pinagtutuunan ang ng pansin ang mga bagay na hindi naman nakaktulong sa'min.

"Thursday and Friday will be our school's Final examination for the first semester's first quarter. Please study hard and ask your parents or guardians permission to for this paper," Ika ng English teacher ko sabay taas ng maraming papel na hindi ko alam kung tungkol saan. "I know you guys have been waiting for this....it's the---" Hindi pa natatapos na paliwanag ng guro namin ng may sumigaw na agad na kaklase ko.

"WAIVER FORM FOR FIELD TRIP!?" Excited na tanong nito na biglang nakapagpa-ingay sa lahat dahil halatang ang lahat ay biglang natuwa.

"Oh my god! Last year sa Ice land 'yong fieldtrip nila! My cousin told me na halos wala nga raw silang nagawa dahil sa lamig!" Rinig kong sabi ng babaeng na'sa likod ko.

"Saan naman kaya ngayon? It's always out of the country field trip! I'm so excited, gosh!" Sabi pa ng isa na hindi ko alam kung saan naggaling.

Out of the country?

Sa ibang bansa na field trip?

Wow.

Nakaanga ako habang pinapankinggan ko ang maiingay kong mga kaklase na naguusap ng masara ang bibig ko dahil sa malakas na sigaw ng guro namin sa harap nang "EVERYONE QUIET!"

Agad-agad ay nanahimik ang lahat at binigay ang pokus sa guro naming na'sa harap na kanina pa pala nananaway hindi lang namin naririnig dahil sa lakas ng boses ng lahat.

"I knew it...the school should've announce it later! I know you guys are excited but please focus on your Final Examination this coming Thursday and Friday!" Napapailing nitong ika at inikot ang mata sa buong klase. "Okay passed this to the back!" Sabay bigay niya ng lahat ng papel sa na'sa harapan niya na mabilis namang nakarating sa'ming mga nakaupo sa likuran.

Madaming mga bulungan agad akong naririnig ngunit nang makakuha na nga ako ng waiver na papel ay mabilis kong sinuri ang papel upang makita ang lugar kung saan iyon gaganapin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero ang alam ko lang ay excited na rin ako.

Hindi ko na binasa ang iba pang mga nakasulat sa papel at agad hinanap ang lugar.

Boracay Island.

Napaanga ako sa nabasa ko at hindi maiwasan ang mapangiti ng malaki...kaming dalawa ni Alexander! Alam kong mage-enjoy kami doon at maraming madadagdag sa magaganda naming ala-ala! Nawala lang ang ngiti ko ng may makita akong presyo.

P85,000 including Travel expenses, Five-star Hotel for 3 days and other activities!

Saan naman ako kukuha noon?







A/N: I'm in writing slump :'( right now huhuhu actually I've been in writing slump for weeks now (mabuti na lang may mga nasulat na akong drafts para may update every day pero naubos na siya kaya walang update kahapon) Sorry! I don't know what's happening with me... I find it so hard to write these days. >.< 

That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now