Kabanata 16

9.8K 339 45
                                    



"Tata ano ba ang itsura ng Manila?" Tanong ng pitong taong gulang na si Mahalia sa kanyang itay isang umaga ng maulang Disyembre. 

"Manila? Magulo doon at madaming tao." Napasimangot si Mahalia sa sagot ng kanyang Tata dahil hindi iyon ang inaasahan niyang sagot.

"Pero... bakit po gusto niyo doon tayo tumira?" 

Kahit nagtataka ang Tata ni Mahalia kung paano nalaman ng bata ang plano nilang lumipat doon ay ikinibit balikat niya na lang iyon, malamang ay nakinig na naman kasi ito sa mga usapan ng matatanda. "Walang kolehiyo dito sa'tin, kapag malaki ka na at naka-graduate ng High School ay pupunta tayo do'ng pamilya."  Sagot niya at pinagpatuloy na lang ang pagbabalat sa mga mais na gagawin nilang kanin ngayon.

"Juan!? Juan nasaan na si Benjie!?" Nag-aalalang tanong ng asawa ni Juan pagpasok na pagpasok pa lang nito sa maliit nilang kubo.

"Nandiyaan lang 'yong bata sa gilid-gilid... uuwi rin 'yon." Walang pagaalalang halo na sagot ni Juan sa asawa. "Bakit ka pa ba laging namo-mroblema doon? Palagi naman 'yong naglalarong mag-isa kung saan-saan."  Hindi nakuntento si Analyn sa sagot ng asawa kaya agad-agad ay lumabas ito ng kubo kahit kapapasok niya pa lang upang hanapin ang panganay na anak.

"Ma?" Tawag ng maliit na si Mahalia ngunit paglabas niya ng pintuan ay malayo na ang mama niya sa kanya kaya nakasimangot na lamang itong bumalik sa loob ng bahay sa kanyang Tata.

Tumabi siya sa Tata niyang nagbabalat ng mga mais at parehas silang walang kaalam-alam na ayon na pala ang huling beses nilang makikita ang magandang si Analyn.



*****



Hindi maintindihan noon nang pitong taong gulang na si Mahalia kung bakit biglang nagwawala ang tatay niya at hinahagis ang lahat ng mga gamit sa loob ng bahay nila... hindi niya rin maintindihan kung bakit sobrang raming tao sa maliit nilang kubo, lahat sila ay malungkot, marami sa kanila ay umiiyak.

"Kuya?" Tawag nito sa nakatatanda niyang kapatid na kanya ring pinaka-malapit na kaibigan.

Wala naman kasing gustong kumausap sa maliit na si Mahalia... paano ba naman ay hindi kasi ito pinapalabas at malayo ang mga kabahayan sa kanilang maliit na kubo.

Malungkot rin ang mukha ng Kuya niya tulad ng ibang tao sa loob ng bahay nila kaya kahit hindi niya alam ang nangyayari ay mabilis niya itong niyakap.

"Wala na si mama....wala na siya." Hindi maintindihan ni Mahalia ang sinabi ng kanyang kuya ngunit ang tanging alam niya lang ay tila biglang bumigat ang pakiramdam niya.

Nalulungkot na rin tuloy siya bigla.

Ayaw niyang nakikitang nagkakaganoon ang Tata niya... ayaw niya rin iyong mga itsura ng mga tao sa loob ng bahay nila at ng kuya niya na malungkot.

Ayaw niya iyon lahat.

"Kuya?" Muli niyang tanong matapos ang ilang segundo.

"Ano?" Marahan ang boses ng kuya niya at dahan-dahang sinuklay ang mahabang buhok ni Mahalia na ilang araw na hindi nasusuklayan dahil sa mga nangyari.

"Hindi mo naman ako iiwan 'diba?" 

Sandaling napatawa ang kuya ni Mahalia kaya biglang nawala ang bigat ng pakiramdam niya ng makita ang magandang tawa nito. "Syempre... mahal kasi kita... mahal ka namin ni Tata. Ikaw ang prinsesa namin." Mas hinigpitan pa ni Mahalia ang pagyakap niya sa kanyang Kuya Benjie dahil natutuwa talaga siya... palagi siya nitong inaasar at inaaway ngunit ngayon ay pakiramdam niya mahal na mahal talaga siya.

That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now