Kabanata 21

8.5K 261 39
                                    


Kinagat ko ang ibabang labi ko habang nagiisip kung ano pa ba ang ilalagay ko sa aking Bucket List... kahit sampu lang sana ay makukuntento na ako dito ngunit kulang pa ako ng tatlo.

Kinamot ko ang ulo ko at nag-isip pa ngunit hindi ko na talaga alam kung ano pa ang isusulat.

Na'sa school ako ngayon at na'sa malaking puno na nakapatong kung saan kami naghihintayan ni Nanay Lorna...may ilang minuto akong break kaya naisipan kong ngayon na gawin ang Bucket List ko dahil gusto iyong tignan mamaya ni Ate Carla.

Kulang pa ako ng tatlo.

Isip... isip Mahalia, kailangan mo magisip.

Napasimangot ako nang mapagtantong imposible naman akong maging masaya kahit na magawa ko man ang lahat ng na'sa Bucket List ko kasi wala na si Tata at Kuya, ako na lang talaga ang mag-isa.

P'wede kaya ilagay sa Bucket List ko na sana ay makasama ko ulit sila?

Pero kung ganoon... para namang naghahangad na ako no'n ng kamatayan dahil imposible namang makasama ko sila ng buhay ako?

Ay ewan, naguguluhan na ako!

Ilalagay ko na sana ang sinulatan kong notebook ng Bucket List sa bag ko upang maghanda na sa susunod kong klase ng bigla na lamang iyon nawala sa kamay ko.

Sandali akong nagulat pero agad ding napapikit ng mata dahil sa hiya kung sakaling basahin man iyon ng kung sinong kumuha.

Mabilis akong humarap kung sino ang bastos na kumuha no'n at nakita ang malaking ngiti si Alexander, sandali ko tuloy nakalimutan na binabasa na nito ngayon ang Bucket List ko dahil sa ngiti niyang nakakbighani.

Paano nagkaroon ng ganitong ka-perpektong lalaki?

Maliban sa itsura at ugali niya ay narinig ko kahapon na running for highest honor rin pala si Alexander...sobrang talino rin daw nito sa lahat ng asignatura kaya 'di naman na nakakataka na maraming may gusto sa kanya.

Bakit ganoon? Bakit masyado na ata siyang perpekto?

Nagising lang ako sa reyalidad ng basahin nito ng malakas ang mga nakasulat.

"Mahalia's Bucket List," Simula niya ngunit tumayo na ako kaagad upang kuhanin sana ang notebook ko kaso tinaas nito ang kamay niya at maliit ako kaya hindi ko iyon maabot.

"Number 1,makasakay ng aeroplane." Sandali ako nitong tinignan pababa ngunit itinaas rin agad ang kanyang patingin upang muling basahin ang notebook. "Number 2, Makapunta sa Santorini, Greece." Pilit pa rin akong tumatalon upang makuha iyong notebook ngunit tila wala lang naman iyong nagagawa sa 6'0 feet tall na tangkad ni Alexander kumpara sa 4'11 ko.

"Number 3, mahalikan sa taas ng ferris wheel." Mabilis na namula ang pisngi ko at nang mapagtanto kong wala naman na akong magagawa dahil kahit anong gawin ko ay hindi ko naman maabot ang notebook ko ay bumalik na lang ako sa pagupo ko at pinatong ang likod sa may puno, tinakpan ko na lamang ang kalahating mukha ko ng dalawang tuhod ko sa hiya.

May mas nakakahiya pa doon... iyong pang-pito, anong gagawin ko kapag nabasa niya na 'yon?

Napapikit ako ng madiin upang ihanda na ang sarili ko.

"Number 4, makadalo ng isang funfair." Nakita ko itong umupo na rin sa tapat ko at sandali pang pumasok sa isip ko na biglang halbutin na lamang ang notebook ko ngunit alam kong hindi naman 'yon posible dahil na rin sa higpit ng pagkakahawak niya dito. "Number 5, makabago ng buhay." Inalis na ni Alexander ang paningin nito sa notebook ko upang tignan ako.

That Probinsiyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon