Kabanata 52

5.7K 98 5
                                    


Isang linggo na simula noong makauwi ako galing sa Boracay Island pero tuwing paggising ko sa umaga ay pakiramdam ko nandoon pa rin ako na para bang na'sa tabi ko lang si Alexander.

Hindi ko maipaliwanag sa salita lang tuwing nagtatanong sina Ate Carla at Nanay Lorna sa'kin kung gaano daw ba kasaya ang napagdaanan ko doon.

Tulad ng lahat ay wala namang perpekto, ganoon rin ang mga naranasan namin ni Alexander sa sandaling panahon na nandoon kami ngunit masasabi kong isa iyon sa mga hindi ko malilimutang mga araw sa buong buhay ko.

Sa tatlong araw namin ni Alexander na magkasama paggising hanggang sa pagtulog ay mas lalo ko lang napagtanto ang lalim ng pagmamahalan namin sa isa't-isa, hindi man maintindihan ng karamihan iyon pero alam namin ang nararamdaman namin at alam kong iyon ang pinaka-importante.

Ngayong linggo ay palagi na akong tinuturuaan ni Alexander sa paggamit ng quaphone ko, ang tagal na kasi sa'kin no'n ngunit hindi ko naman nagagamit dahil hindi ko talaga maintindihan. Iyon din ang dahilan kung bakit nauna sa'kin si Alexander sa Boracay dahil sa maling impormasyon na nakuha niya sa school, kung marunong lang sana ako gumamit ng quaphone ko edi sana ay hindi iyon nangyari.

Sinubukan ko na dating aralin iyon dahil tinuturuaan naman ako ni Ate Carla ngunit katagalan ay parehas na rin kaming sumuko sa bagal kong matuto. Hindi ko alam ang dahilan pero ngayon na si Alexander na ang nagtuturo ay nakukuha ko naman ang mga pinagsasabi nito, ngayon nga ay marunong na ako magpadala ng mensahe.

Iba talaga kapag dating sa kaniya.

Nag-text ito sa'kin kaninang umaga na may laban daw sila ng Basketball kaya hindi niya daw ako mapupuntahan, mahal ko ang boyfriend ko at bilang supportive na girlfriend? Nagpaalam ako kanina sa head chef namin sa Cafeteria na hindi muna ako makaka-dalo sa gawain ko, mabuti na lamang ay pumayag ito kaya ngayon ay didiretso na ako sa Gym kung saan ang laban ng boyfriend ko.

Sa totoo lang ay hindi ko pa naman natatawag si Alexander na 'boyfriend' sa harap niya, ewan ko kasi noong tinanong ko naman ito kung ano ba kami ay sinagot niya lang sa akin na hindi naman daw importante ang tawagan. Alam naman daw namin na mahal naming ang isa't-isa kaya 'yong mga ganoong bagay ay wala ng halaga.

Tama naman siya.

Sa kalagitnaan ng paglalakad patungo doon sa may Gym ay nakatanggap ako ng mensahe kay Alexander na magsisimula na raw ang laro at hinihantay niya pa raw ako doon sa may gate ng Gym kaya agad-agad kong binilisan ang paglalakad ko kahit na malagpasan ko na iyong mga mababagal sa harapan ko.

Lakad-takbo ang ginawa ko upang marating ang Gym ng school galing sa KL Building kung saan ang isa kong klase na kakatapos lang, hindi naman ako nabigo nang makita si Alexander na naghihintay nga doon sa may labas ng Gym na tumatakbo na ngayon patungo sa akin.

Agad niyang kinuha ang bag ko at dinala ito sa isa sa mga bleacher doon sa pinakaharapan, tinuro niya sa akin iyong kung saan ang bag niya at doon ako pinaupo. Mabilis niya lang akong hinalikan sa labi at nagpaaalam na agad-agad dahil magsisimula na raw talaga ang laban.

May kalaban silang tiga Haven Music School na mga lalaki ngunit dito ginanap ang laro. Si Alexander ang captain ng Basketball ng Larkspur Hisgh School kaya alam kong hindi niya ako gaano mapagtutuunan ng pansin ngayon.

Nang hanapin ko si Alexander ay nakita ko ito sa may gilid kasama ang mga teammates niya na tila nagpupulong dahil sa bilog na ginawa nila.

Ilang minuto lamang ang lumipas ay nagsimbolo na ang pagsisimula ng laro, basketball ang P.E ko kung saan ang nagiisang klase ko na kaklase si Alexander kaya kahit papaano ay may naiintindihan naman ako sa laro.

Kakasimula pa lamang ng laro ay agad na may naipasok si Stephen na 3 points at sinundan ni Alexander ng isa pang 3 points sa pangalawang ulit, akala ko ay 'di na makakahabol ang kabila ngunit habang tumatagal ang laro ay nagiging kapantay na rin nila ang puntos nila Stephen.

Habang naglalaro si Alexander ay hindi ko maiwasan ang mapatayo tulad ng ibang nanonood tuwing may nakaka-shoot sa team nila. Napapangiti na lamang ako sa sarili ko tuwing iniisip na 'yong tinitilaan ng kababaihan ay akin...si Alexander ko.

Sandali kong nilabas ang cellphone ko ng maisip kong picturan si Alexander habang dalang-dala ito ng laro. Nang tuluyan ko ng malabas ang phone ko galing sa bag ko ay hindi ko na mahanap si Alexander, napahinto lang ako sa paghahanap dito ng mapatingin ako kay Stephen na siyang may hawak ng bola ngayon. Tumingin ba ito sa akin o kung ano-ano na lang ang iniisip ko?

Bahala na nga.

Agad akong natuwa ng sa wakas ay makita ko na si Alexander ngunit laking gulat ko na lamang ng pagkatapat ko ng phone kay Alexander ay bigla akong matamaan ng kung ano at mabasag ang phone ko dahil sa pagkakahulog, nang gulat kong tignan ang kung ano mang tumama sa akin ay nakita ko ang isamh bola na dahilan ng pagkakahinto ng laro.

Nang itingala ko ang paningin ko sa harapan ay nakumpirma ko nga ang iniisip ko... sa akin tumama ang bola kaya nahinto sila!

Napakagat na lamang ako ng ibabang labi habang iniisip 'yong pera na pinambili pa doon ni Ate Carla at unti-unti ay natutuunan ko na iyong gamitin....pero ngayon wala na ito.

Paano na iyan?

Nawala lang ang pokus ko doon ng bigla akong makarinig ng mga sigawan at ng sundan ko ang ingay na iyon ay nakita ko si Alexander na galit na inatake si Stephen.

"Calm yourself Larkspur!" Sigaw noong alam kong couch nila Alexander sa basketball team. "What's your problem!?" Palayo na ng palayo sa'kin sina Alexander at Stephen dahil tila lumalayong parang pusa si Stephen tuwing hahablutin sana siya ni Alexander, hindi ko na tuloy naririnig ang mga nangyayari basta ay napaanga na lang ako sa gulat.

Anong nangyayari? Bakit nagaaway na naman sila?

Nang alam kong hindi ko naman maririnig ang kung ano mang mga pinaguusapan nila ay napakagat na lamang ako sa ibabang labi na tinignan ang cellphone ko na warak na warak...alam ko naman na ang tipo ng sirang cellphone na hindi na maaayos pa at ganoon ang nangyari sa phone ko... dahil literal na warak na ito.

Napatingala lang akong muli ng tila dumilim at bigla kong makita ang galit na mukha ni Alexander sa harapan ko. Teka, sa'kin ba siya galit? Pero bakit? Ano ba ang ginawa ko?

"We're going out of here." Saby alok niya ng kamay na agad ko naming tinaggap, mabilis itong naglakad patungo sa labas ng Gym ng mapahinto kami hindi dahil sa tawag sa kaniya ng couch kundi sa boses ni Stephen na na'sa likod lang pala namin.

"Fuck you for punching me for nothing!"

Hinarap iyon ni Alexander kaya ganoon rin ako. "You mean it! I saw you! You intentionally threw the fucking ball at her knowing she'll get hurt!" Nanggigilit sa galit na sigaw ni Alexander.

Sandali akong napahinto at naalala... oo! Nagkatinginan nga kami sandali noong hawak niya ang bola! Sinadya niya iyon!?

"I didn't!" Sagot naman ni Stephen. "Masyado ka nang bulag! Pati 'yong laro papatalunin mo sa pag-alis mo dahil dito lang? Fuck you Alexander! Iba ka na! Putangina mo!" Galit ring sagot ni Stephen at nakita ko na ang halos lahat sa buong Gym ay tahimik na pinapanood ang tila live action na movie sa harapan nila.

"Sinadya mo! Gago ka! Kailan ka ba titigil!?" Binitawan na ako ni Alexander kaya agad akong kinabahan dahil alam kong susugod itong muli at hindi nga ako nagkakamali, ang bilis ng kilos niya kanina ay katabi ko lamang ito habang magkahawak ang kamay namin pero ngayon ay na'sa harapan na ito ni Stephen at agad niyang napaupo si Stephen dahil sa pagbibigay nito ng malakas na suntok sa kanang pisngi ni Stephen.

"Larskpur! Stop! Larkspur!" Saway pa ng couch habang pinipihit ang pito niya sa subok na paghihinto.

That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now