Kabanata 38

5.8K 126 111
                                    


Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin o maging reaksiyon sa mga oras naiyon pero ang alam ko lang ay sobrang bigat bigla ng nararamdaman ko, pakiramdam ko ay tutulo na ang mga luha ko kung hindi ko lang iyon pinipigilan ng sobra.

Alexander's girlfriend?

Pero paano iyon nangyari?

Kung ganoon, hindi ba ay dapat hindi ako hinalikan ni Alexander? Kung totoong may girlfriend si Alexander ay 'diba hindi siya sa'kin makikipagkita na akala mo ay kami na?

Pinagloloko lang ba ako ni Stephen?

Gusto kong sampalin si Stephen dahil sa kagaguhan nito ngunit masyado akong gulat upang magawa iyon.

Ang sakit...sobrang sakit...kasi...kasi...mahal ko na siya.

Oo, mahal ko na si Alexander.

Napakagat ako ng ibabang labi ko ng biglang pumasok sa akin iyong mga oras na tinatanong ko si Alexander kung girlfriend niya na ba ako....klarong-klaro...iniiwasan niya iyon at hindi ko alam kung bakit pero ngayon ay malinaw na sa akin.

May girlfriend siya.

May girlfriend na kasi siya at hindi ako 'yon, tulad ng sinabi ni Stephen kanina 'toy'.... laruan niya lang ba ako habang wala pa si Vanessa?

Hindi ko na tinago ang pagkakalungkot ko at napasimangot na lang akong yumuko.

Ayokong umiyak.

Hindi ako iiyak...hindi ako magmumukhang kawawa sa harapan nila.

Pero nabigo ako...nabigo ako dahil ng lumabas ang isang pitak ng luha ko ay hindi ko na iyon mapigilan kahit na gustong-gusto ko na lang iyon matigil upang may makita na ako at makatakbo ako palabas.

"Oh god," Rinig kong boses ni Vanessa. "I'm confused?" Rinig ko ang medyo pagpipigil ng boses nito ng pagtawa..

"Told you already," Boses naman iyon ni Alias. "The girl's in love with your boyfriend." Natatawang ika nito.

Natatawa...natatawa...buti pa siya ay nagagawa niya iyon.

Paano niya magawang pagtawanan ang nararamdaman ko? Hindi niya ba alam na ang sakit-sakit? Hindi niya ba alam na sumuko na ako sa buhay ko pero bigla lang iyon tila nagkaroon ng saysay dahil sa pinapakita sa'kin ni Alexander na pagmamahal? Hindi ba niya alam? Hindi ba?

Paano niya nagagawang tawanan iyong pakiramdam ko? Paano?

Kinagat ko ang ibabang labi ko at sandaling minura ang sarili ko sa isip ko dahil ako mismo ay naririnig ko kung gaano ako kawawa sa harapan ng girlfriend ni Alexander.

"What the fuck?" Gulat na tanong noong si Vanessa. "I mean honestly? Alexander won't cheat on me!" Medyo sigaw pa nitong sinabi.

"He did't." Si Stephen na katabi ko ang sumagot. "He just toyed with her. PINAGLARUAN KASI WALA KA." May pagdidiin sa huling sinabi ni Stephen na tila dinudurog ang puso ko.

"I'm gonna fucking kill him." Mura no'ng si Vanessa at alam kong tumayo ito kahit na wala akong makita dahil sa kakaunting liwanag na naaaninag ko, akala ko ay aalis noon si Vanessa ngunit bigla ko na lang rin nakita si Stephen na tila hinarangan ako.

"Ooops! Don't hurt my girl Vanessa. It's not her fault, blame yourself 'coz you're probably bad in bed that's why he's experimenting with new girls."" Harang nito sa pagitan namin.

"Fuck out!" Rinig ko ang pagkakatulak nito ng malakas kay Stephen at ang mga hakbang nito na sobrang lakas na tila nakapagpatahimik sa buong lugar.

That Probinsiyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon