Kabanata 12

12K 370 75
                                    



Halos magta-tatlong araw na rin simula ng maganap iyong tensiyon sa pagitan ni Alexander at Stephen, buti na lang talaga ay bumitaw si Stephen dahil pakiramdam ko no'n ay talagang may magaganap na away kung hindi siya bibitaw.

Biyernes no'ng nangyari 'yon at ngayon nga ay Lunes na kaya alam kong muli ko silang makikita sa eskwelahan, hindi ko alam kung anong nangyari sa'kin pero nakikita ko na lang ang sarili ko nitong nakaraang dalawang araw na humihiling na maging Lunes na dahil gusto ko agad makita si Alexander.

Hindi ko alam kung bakit...dahil ba sa sobrang gwapo nito o dahil sa gusto ko siyang pasalamatan dahil sa ginawa niya noong Biyernes? Hindi ko talaga alam, basta ay gusto ko na siyang makita.

Siguro ay pakiramdam ko ay may utang na loob ako dito  dahil nga sa ginawa niya. Ilang beses ko na rin kasi no'n sinabihan si Stephen na tanggalin niya ang pagkakaakbay niya't 'di ako komportable ngunit hindi ito nakikinnig, ganoon rin si Alias at James pero si Alexander  ay ang tanging kakaiba- siya lang ang nagsalita para sa'kin. 

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko dahil kung magpapakatotoo ako ay alam ko namang hindi lang talaga pasasalamat ang dahilan kung bakit gusto ko siya makita.

Siguro...siguro dahil sa natutuwa ako kapag malapit siya sa'kin? 

Hindi ko alam.

Nababaliw na ba ako?

Ano ba itong nararamdaman ko?

"Mahalia, ano 'uy?" Nabalik lang ako sa reyalidad ng makita ko sa harapan ko si Shai. 

"Ano halika na?" Tanong nito at inilahad ang kamay niya na kinuha ko naman upang magkahawak kaming pumasok sa loob ng gate.

Noong biyernes lang simula nang magkakilala kami ngunit nagte-text na kami sa isa't-isa simula no'n at napagusapan naming lagi na lang kaming sabay na pumasok, kung sino ang mauna sa'min ay ang siyang maghihintay doon malapit sa may gate.

Sa buhay kasi ay kailangan mo rin ng kaibigan...mas nakakagaan lang sa loob na pumasok ka sa paaralang alam mong may tao na na'sa likod mo.

"Kamusta weekends?" Tanong nito habang tinitignan na ngayon ng mga guards ang I.D namin upang siguraduhing estudyante kami ng Larkspur High School.

"Hindi ko alam pero si Alexander lang ang laman ng utak ko." Napabulalas ko.

"Alexander?" Gulat na tanong nito at bumukas pa ang bibig na tila gulat na gulat talaga. "Larkspur? Alexander Larkspur?" Ulit nito sa tanong niya.

Nahihiya akong tumango. "Ang guwapo niya...'no?" Napakamot ako sa batok ko dahil sa biglang kahihiyan na nararamdaman ko.

Ang bait-bait pa ni Alexander. Perpektong tao.

"Uncle niya may-ari nitong school." Biglang sabi ni Shai. "Kilala ko si Alexander, ka school mate ko na 'yon since middle school he's actually pretty nice even though some kids are bullying me, hindi siya lagi nakikisama." Ika nito na nakapag-pakunot ng noo ko.

Bullying? Si Shai?

Pansin ko na ito sa P.E class pa lang namin noong biyernes ngunit ayaw ko naman iyon tanungin dahil baka nakakabastos.

"Talaga?" Ang nasabi ko na lang.

Hindi naman na talaga surpresa para sa'kin iyon dahil halos lahat naman nang mga kaklase ko ay galing sa mga kilalang pamilya...sa pagoobserba ko sa ilang linggo ko na sa paaralan na ito ay 'tila ako lang naman ang naiiba.

That Probinsiyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon