Kabanata 44

5.8K 131 7
                                    


Hindi ko kayang makitang ganoon si Alexander, kahit anong pilit ko ay hindi ko magawang panoorin ito na tila nanghihina, hindi dahil sa panggugulo nila Stephen kung hindi dahil sa matinding nararamdaman niya sa akin....kahit tila ayaw gumalaw ng mga paa ko sa inaapakan ko ay pilit akong tumakbo....tumakbo ako dooon, palayo sa mga estudyanteng nanonood, kina Stephen at Vanessa na ayaw kaming patahimikin at kay Alexander....kay Alexander na mahal ko.

Nahihirapan akong makakita ngunit patuloy lamang ako sa pagtakbo hanggang sa makapasok ako sa isang pamilyar na cubicle, iyon 'yong parehas na cubicle na lagi kong tinataguan noong mga unang araw ko dito sa Larkspur High School at hindi ko pa kayang makisalamuha kahit na kanino.

Paano ba ito lahat nangyari? Apat na buwan...halos apat na buwan pa lamang simula nang mangyari ang lahat pero bakit parang sobrang dami nang nangyari?

Bakit kakaibang-kakaiba na ang takbo ng buhay ko ngayon?

Bakit ang bigat-bigat ngayon ng nararamdman ko sa nakita ko? Paano ko siya nagawang mahalin ng sobra sa sandaling panahon?

At bakit....bakit parang halos lahat ay kontra sa pagmamahakan namin?

Ano bang masama? 

Siya lang ang taong nakakapagparamdam sa'kin na masaya pa palang mabuhay...ang taong may dahilan kung bakit may ligaya akong nararamdaman tuwing paggising sa umaga pero bakit hindi iyon nakikita ng mga tao? Bakit hindi nila magawang maging masaya para sa amin?

"Mahalia?" Mabilis akong natigil sa pagiyak ganon na din sa paghinga ng bigla kong marinig ang pamilyar na boses ng lalaking mahal ko.

Alexander.

Napapikit ako ng madiin at sandali pang inisip na huwag magsalita upang akalain nitong walang tao ngunit mas matindi ang pagnanais kong mayakap siya... kaya ayon ang ginawa ko, binuksan ko ang pinto ng cubicle at mabilis na sinalubong ng yakap ang lalaking mahal ko.

Hindi ko nga man lang tinignan ang mukha nito, basta ay noong may nakita akong pigura ng katawan ay agad-agad ko na iyong niyakap. Alam ko namang siya iyon...kabisadong-kabisado ko na siya. Alam ng puso ko.

"Hey?" Natatawang tanong nito na tila hindi lang nangyari iyong kanina, hindi niya ba alam na nakita ko siyang umiyak?

"M-mahal kita." Nakapikit kong ika at mas hinigpitan pa ang yakap dito na binalik niya rin naman kaagad.

"What happened?" Tanong niya pa.

Ikaw...nangyari ka sa buhay ko.

Patuloy lamang ako sa pagiyak sa dibdib ni Alexander kahit alam kong nababasa na ang uniporme nito, ano ba kasing magagawa ko 'e sa hindi ko mapigilan?

Ilang minuto kaming nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa medyo kumalma na ako at ilayo ako sandali ni Alexander upang masalo ko ang mga mata nito na punong-puno ng emosyon. "Don't mind them sweetheart...they know nothing about us." Mahinahong ika nito at mabilis akong binigyan ng halik sa labi sabay ngiti na parang okay lang ang lahat...na parang walang mga taong nagdadasal na magkahiwalay rin kami.

Paano?

Paano ba nagagawa ng Alexander ko na maging sobrang positibong tao at hindi magalit kahit sa mga taong masama ang asal sa amin?

Paano?

"Let's get out of here. Marami na sigurong gustong umihi hindi lang makapasok." Nagawa niya pang pagpapatawa at tinulungan akong punasan ang mga luha ko gamit ang malalaki nitong mga daliri.

Nang maging okay na ang hitsura ko ay sabay kaming lumabas ni Alexander sa Girl's bathroom...alam kong marami sa'min ang nakatingin pero wala akong paki, pilit kong hindi sila bibigyan ng pansin dahil habang na'sa akin ang puso ni Alexander ay wala na akong paki sa iba pa.

"We still have 10 minutes sweetheart." Pabulong nitong ika sa'kin. "Kumain ka muna? Bilisan na lang natin." Umiling ako kay Alexander.

Tingin niya ba pagkatapos ng lahat ay magagawa ko pang kumain?

Wala na akong gana....wala akong gana sa lahat maliban na lang siguro kung hahalikan niya akong muli.

"What do you want to do?" Tanong nito. "Your assignment for your next class? Tapos mo na ba? Let me check it." Muli ay umiling ako at napasimangot na lamang habang naglalakad kami doon sa dati naming lugar, sa may mga puno kung saan malayo ang mga estudyante.

"Don't be like this Mahalia please? I'm okay, you're okay. We're okay, hindi naman natin sila hahayaan na sirain pati ang kasiyahan natin 'diba? Smile na...yie...ngingiti na 'yan?" Peke akong ngumiti kay Alexander na alam kong hindi nakuntento sa binigay ko.

"What do you want me to do to make you genuinely happy?'

"Ewan...samahan mo lang ako, ayokong pumasok sa susunod kong klase."

"How about yor assignment? Kanina mo pa 'yon ginagawa 'a? Akala ko ako iyong magiging bad influence sa'yo pero ikaw pa pala iyong bad influence sa'ting dalawa." Biro nito sa'kin dahil hindi pa rin siya sumusuko na patawanin ako.

Nginitian ko lang ito dahil iniisip ko pa rin iyong mga nangyari kanina.

"Okay lang...wala naman akong assignment, hindi ko sa'yo pinapakita kasi wala naman akong sagot. Hindi ko alam kung paano." Nang huminto na kami sa tapat ng malaking puno ay nauna na akong umupo sa damuhan na sinundan rin naman agad ni Alexander.

"You're still shy about asking me for help? Come on...natikman ko na laway mo lahat-lahat, nahihiya ka pa sa ganoon?" Sabay tawa nito na tila musika sa tenga ko, sa wakas ay natawa na rin ako sa sinabi ni Alexander.

Tawang-tawa ako kahit matapos na ang tawa ni Alexander ay patuloy pa rin ako sa pagtawa, hindi ko alam kung gaano ako katagal tumawa ngunit ang alam ko lang ay bigla na lang napalitan iyong tawa ko ng hagulgol.

Hindi ko alam kung bakit. Ewan ko. Naasar ako. Malungkot ako. Bakit kailangan nila kaming siraing dalawa? Bakit?

Alam ba nilang si Alexander na lang ang muling nakakapagpasaya sa'kin at nagbibigay ng pag-asa? Hindi ba sila naaawa sa'kin?

"Sweetheart."Malungkot na tawag sa'kin ni Alexander habang hinihimas iyong likod ko at pilit na itinitingala ang ulo ko upang kahita siya. "Come on...don't be like this. I hate seeing you sad."

Umiling-iling ako at hinayaan ang mga luha kong tumulo ngunit kahit ganoon ay sobrang haba pa rin ng pasensiya ni Alexander at muli akong hinintay hanggang sa maging kalmante na naman ako. 

"Kasalanan ko ba? Kasalanan ko Alexander 'no... kung bakit hindi ka na ngayon kinakausap ng apat mong kababata at matagal ng kaibigan?" Nakayuko kong tanong....hindi ko man sa kaniya iyon nababanggit ngunit ang tagal na no'n bumabagabag sa isipan ko.

Ako na lang....para kasing ako na lang ang natitira kay Alexander dahil sa pagpili niya sa akin, para bang ayaw ng lahat ng tao sa akin kaya iniiwan siya nila ngayon.

"No! No! Is that what you're thinking?" Tanong nito at pilit na naman akong pinapatingin sa dalawa niyang malalim na mata.

Bumigay na ako at tinignan na nga ng diretso ang gwapong mukha ni Alexander. "It's not your fault...it's not your fault that they're insecure about us. They know... they know how strong our love is that's why they want to tarnish it because they'll never have this strong connection to other people. I love you... everyone knows that I'll always choose you over anything that's why they're all being bullshit."

That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now