Kabanata 28

8.2K 223 33
                                    


"Anak? Anak, Mahalia?" Mabilis na bumukas ang dalawang mata ko dahil sa naririninig kong boses na tumatawag sa'kin mula sa labas ng maliit kong kwarto.

Sandali muna akong nag-unat bago umalis ng kama ko at dahan-dahan na pumunta sa may pintuan upang buksan iyon, nang tuluyan ko ng mabuksan ay sumalubong kaagad sa'kin si Nanay Nerie.

Nginitian ko ito bilang panimulang bati. "Kailangan niyo ng tulong 'nay?" 

"Hindi...si ano... 'yong lalaking naghatid sa atin dito kagabi, si Alexander? Naghihintay siya doon sa sofa." Mabilis na lumaki ang dalawang mata ko sa sinabing iyon ni Nanay Nerie at pa-simpleng tinignan iyong sofa namin kung saan may nakikita akong likod ng isang lalaki na malamang ay si Alexander.

"Sandali lang 'nay." Magsusuklay lang po ako." Paalam ko dito at sandali ngang sinara ang pinto ko upang maayos ako kapag haharap na ako kay Alexander.

Wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang suklayin lang ang mahaba kong buhok at sandaling magpabango gamit ang bigay sa'king perfume ni Ate Carla, matapos ang lahat ng iyon ay dahan-dahan na akong naglakad palabas ng pinto na akala mo talaga ay kung dahan-dahan ako maglakad ay biglang aalis si Alexander.

"Alexander?" Tawag ko dito nang na'sa likod niya na ako kaya mabilis itong lumingon sa'kin at nginitian ako.

Para siyang araw... araw na binibigyan ako ng enerhiya at lakas. Ngiti lang iyon pero nakakapagpa-baliw na sa'kin.

Kaya kong tumitig sa mukha nito ng ilang oras lang...ganoon siya ka-perpekto.

"Mahalia." Tila bating ika nito. "Sorry for the inconvnience." Dagdag niya pa na hindi na lang ako ang kinakausap pati na rin si Nanay Nerie. "I just thought that this day is the perfect time to tutor my friend since it's saturday today." Ngiti nito patungo kay Nanay Nerie na tumango lang.

Magsisimula pa lang sana akong magsalita ng maputol kaaagad iyon dahil sa pagbukas ng pinto ng Apartment, mula doon ay pumasok si ate Carla na may hawak na plastic nang alam kong napupuno ng mga pandesal at sa kabila pa nitong kamay ay hawak niya naman ang iilang sachet ng kape.

"Gusto mo hotdog baby boy?" Agad-agad na tanong ni Ate Carla pagtapak na pagtapak niya pa lang sa loob at mabilis na umupo sa tabi ni Alexander.

Baby boy?

Ano iyon?

May tawagan sila ni Alexander?

Hindi ko alam kung bakit ako tila biglang nalungkot ng akbayan ni ate Carla si Alexander at hima-himasin pa niya ang bisig nito.

Umalis na ako sa pagkakatayo ko at umupo naman sa kabilang parte ng upuan kung nasaan si Alexander at doon ay tinigan ko si ate Carla ng mata sa mata upang mahiya naman siya sa pinaggagawa niya.

Mabilis niyang inalis ang hawak kay Alexander. "Eto naman, biro lang!" Natatawa niyang ika sa'kin ngunit napasimangot lang ako sa hindi ko malamang dahilan...alam ko lang na sinasadya niyang gawin iyon at ayoko no'n.

"Luluto lang si mommy mo baby boy." Kininditan pa ni Ate Carla si Alexander bago ito tuluyang pumunta sa kabilang kwarto kung nasaan ang kusina na sinundan rin agad ni Nanay Nerie upang tulungan itong magluto ng almusal.

"Alexander?" Tawag ko dito ng alam kong medyo malayo na ang distansiya at hindi na kami maririnig nila Ate Carla at Nanay Nerie.

Agad siyang napatingin sa'kin kaya mabilis na akong nagtanong. "Anong oras na?" 

Napatingin ito sa kaliwang pulso niya kung saan ay suot-suot niya ang isang itim na relo. "6:20 sweetheart."

"Sweetheart? Bakit mo ako tinatawag na sweetheart?"

That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now