Kabanata 49

5.9K 101 5
                                    

Hindi ko magawa kahit na kumurap sandali dahil sa nakita ko, si Stephen at si Vanessa? Sila na bang dalawa? Ano ang nangyayari? Bakit sila naghalikan?

Nakaanga pa rin ang bibig ko dahil sa gulat gawa ng pangyayari hanggang sa tumayo na ang dalawa at naglakad na palabas sa Ice Cream shop na magkasama.

Ano daw?

Sila ba?

Pero bakit...hindi ba't magkaibigan lamang sila ayon kay Alexander?

Gulong-gulo pa rin ang isipan ko, marami ang pumapasok dito.

Niloloko ba nila si Alexander at may relasyon na sila bago pa man maghiwalay ang Alexander ko at si Vanessa? O ngayon lang sila nagmahalan dahol parehas silang pa-epal sa amin?

"Thinking 'bout something?" Bigla kong rinig na tanong ni Alexander sabay baba nito sa tapat kong mesa ng isang chocolate ice cream na na'sa cup.

"Thinking 'bout something?" Bigla kong rinig na tanong ni Alexander sabay baba nito sa tapat kong mesa ng isang chocolate ice cream na na'sa cup

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tumango lamang ako kay Alexander na iniisip pa rin iyong nangyari kanina.

Bakit ganoon? Alam na ba ito ni Alexander? Lantaran na ba silang dalawa?

Umupo na si Alexander sa tapat kong mesa. "What is it you're thinking about?" Usisa pa nito kaya nagbigay na lamang ako pilit na ngiti at isang iling.

"Wala lang." Pagsisinungaling ko dahil hindi pa naman ako sigurado kung tama ba ang hinala ko.

Alam ko kasing may posibilidad talagang may relasyon na si Vanessa at Stephen dati pa sa likod ni Alexander ngunit hindi naman ako sigurado dito, ayokong tumalon sa mga konklusyon at magdesisyon base lang sa nakita ko kanina.

Pilit akong ngumiti kay Alexander. "Ikaw? Bakit hindi ka bumili ng iyo?" Pansin ko ng wala itong nginunguya na masarap at malamig na Ice Cream at pinagmamasdan lang ako.

Umiling ito at pumangalumbaba habang tinititigan pa rin ako. "The only thing that I need is your beauty." Bola pa niya na ikinatawa ko lang. "No, honestly." Pagtatanggol niya sa sarili niya. "I fell hardly in love with you. I don't even know how to stand anymore without you by my side." Napangiti ako sa seryosong mukha ni Alexander habang pilit kong kinikontrol ang tawa ko dahil sa seryoso nitong mukha.

"Oo na." Pag-sang-ayon ko. "Kaya nga inistorbo mo pa si King para literal na ihatid ako dito." Dagdag ko pa na seryosong ikinatango ni Alexander.

"I don't know how did it happened Mahalia." Muli akong tumango sa 'di ko na mabilang na beses at nginitian ulit si Alexander na titig na titig pa rin sa akin.

"Matutunaw na 'tong I cream ko dahil sa titig mo." Biro ko at nilapit ang pagmumukha ko kay Alexander upang mahalikan ito sa kabilang mesa.

Hinalikan ko si Alexander sa labi na mabilis rin namang natapos dahil sa narinig naming biglang pag-click. Click? May liwanag rin sa tumama sa'min na 'tila flash!

That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now