Kabanata 4

14.5K 453 74
                                    


Hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko.

Kahit pagod na pagod na akong mag-isip pati ang katawan ko ay hindi ko lang talaga magawang matulog.

Napangiti ako ng malungkot habang naghihintay at binilang na lang ang bawat oras na nasasayang habang patuloy pa rin ang Bus sa pag-andar.

Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas simula ng umandar ang Bus na sinasakyan ko pero sigurado akong hindi iyon katagal biya-biyahe kumpara sa huli kong Bus na sinakyan na inabot ng sampung oras, hindi ko alam kung dahil sa mukhang mas bago at mabilis ang Bus ng sinakyan ko ngayon o mas malapit lang talaga ang lugar.

Nang huminto na ito sa isang lugar na napupuno rin ng mga Bus ay bumaba na ako tulad ng ibang mga kasama ko na sumakay dito.

At least ngayon ay marunong na ako sumakay ng Bus.

Pero saan naman ang punta ko ngayon? May ilalayo pa ba ako?

Sinundan ko na lang 'yong lalaki na katabi ko sa Bus kanina, mukhang na'sa 20's na ito at simpleng itim na polo lang ang suot niya, naka-maong na shorts rin ito. Hindi siya katangkaran at moreno ang kulay, medyo malusog rin ang pangangatawan nito.

Madilim kaming sumakay ng Bus kanina pero mukhang lalabas na ang araw ngayon.

Hindi pa ba sasakay ang lalaki sa kahit na ano? Nagsisimula pa lamang akong magsisi na siya ang sinundan ko imbis na 'yong iba ng bigla-biglang humarap ang lalaki sa'kin.

Napalaki ang dalawa kong biluging mata. "Huli ka!" May paturo-turo pa itong nalalaman, kaya mabilis akong tumalikod at naglakad pabalik kung nasaan 'yong mga bus. "Hoy! May gusto ka sa'kin no kaya mo ko sinusundan?" Rinig ko ang tanong nito pati ang mga hakbang niya na sinusundan ako.

Lumayo ka sa'kin please...

Lumayo ka sa'kin...

Lumayo ka...

Layo...

Napaharap ako dahil nang mahawakan niya ako sa balikat ay pilit ako nitong pinaharap. Tinignan niya ako mata sa mata kaya mabilis akong umiwas ng paningin at tinignan na lamang ang suot niyang tsinelas.

"Ate ang ganda mo pa naman." Ika nito at biglang sinuklay pa ang buhok ko gamit ang daliri niya, kakawala pa lang ako ng pigilan agad ako nito. "Hindi ako manyakis nagandahan lang sa buhok mo! Binabalaan lang kita ate na hindi ako mayaman! Kung magnanakaw ka magnakaw ka sa may pera! Tignan mo nga itong suot-suot ko? Nagiisip ka ba?"

Napakagat ako sa ibabang labi ko. "H-hindi..."

"Huh!? Anong hindi?"

"Magnanakaw... h-hindi." 'Di pa rin makatingin na ika ko.

"Marunong ka bang magtagalog?"

Tumango ako na hindi pa rin ito tinitignan sa mata. "Pipe ka?" Umiling ako.

"Kaloka ka ate huh! Social anxiety? Takot ka sa mga tao?" Napaisip ako sa tanong nito.

Tuwing nakikipagusap ako sa ibang tao ay normal lang sa akin ang mautal, normal lang rin sa'kin ang hindi makatingin sa mata at lumakas ang tibok ng puso dahil baka isipin nilang bobo ako, ganoon ba ang Social Anciety?

"S-siguro?"

"Kung hindi ka magnanakaw bakit mo ako sinusundan?"

"Wala akong..." Kinagat ko ang ibabang labi ko at kinuha ang lahat ng natitira kong kumpiyansa sa sarili upang tignan na sa mata 'yong lalaki na na'sa tapat ko. "Mapuntahan."

"Sus?" Hindi naniniwalang tanong nito kaya tumango ako. "Gusto mo sumama sa'kin?" Tanong niya.

"P-pwede ba?" Masayang wika ko at mabilis na binaba iyong jansport bag ni kuya upang buksan iyon at kuhain doon ang wallet ko kung nasaan ang lahat ng pera ko, binuksan ko iyon at dumakot ng pera na kasya sa buong kaliwang kamay ko. Iniabot ko sa kaniya iyon pero tinignan lang ako nito na para akong nababaliw.

Iyong tingin na naman na 'yan.

Hindi ko 'yon gusto.

Mabilis na nalungkot ang mukha ko at ibinalik iyong pera sa wallet na inilagay ko sa bag ko, matapos kong isarado ang bag ay isinuot ko na iyon.

"Hindi naman ako nanghihingi ng pera 'a?" Tumango ako pero gusto ko nang umiyak.

Akala ko ba ay papasamahin niya ako kung saan siya pupunta?

Akala ko ba tutulungan niya ako?

"Ganiyan ka ba talaga?" Nakakunot na ang noo nito.

Alam ko, alam kong bobo ako hindi mo na kailangang sabihin.

"Oh!" Gulat na reaskyon nito. "Hoy! Bakit ka umiiyak? Oy? Nagtatanong lang ako, ganda!" Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at umiling-iling.

Saan na kaya ako pupulutin nito?

"Mukha namang sincere kang babae... parang imposibleng magsinungaling ang babaeng tulad mo na may anghel na mukha. Pangako mo sa'kin 'di ka masamang tao?" Mabilis akong tumango.

"P-pangako ko." Kahit kailan ay hindi ko inaway si kuya.

Kahit kailan ay hindi ko 'to ginantihan kahit lagi niya ako inaaway. Iyong baon ko ay ibinibigay ko rin noon sa mga kaklase ko na alam kong walang makain, hindi ako masamang tao.

"Hindi naman ako tiga dito 'e. Alam mo ba 'yong Quezon City?" Umiling ako. Narinig ko na iyon pero hindi ko iyon alam.

Huminga ng malalim iyong lalaki. "Ang mang-mang mo girl." Nakakapagtaka ang paraan ng pagsasalita nito... parang pangbabae at boses babae rin. Ganoon ba ang mga tiga Quezon City?

"S-sorry."

"Hindi kailangan! Magagamit ko naman naman iyong ganda mo 'e! Pero pagdating sa bahay hintay ka lang muna sa labas ng pinto 'a? Baka kasi magkaroon ng warla kapag hindi ko naipaliwanag agad sa mamshie ko na may inampon akong beauty queen." Nginitian ko ito dahil gusto ko talaga ang awra niya... alam kong hindi ako dapat tanga-tanga at maniwala sa iba pero kakaiba siya.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko.

"Taray ni bebe girl ko! Diretso na magsalita! You'll improve soon tuturuan kita dito around the city, sagot kita kita bebe."

"Ano pangalan mo?" Ulit ko na malaki ang ngiti.

"Nga no! Nakalimutan ko tanong mo." Tawa niya. "Carla's my name."

"Hindi ba pangalan iyon ng babae?" Halatang medyo nasugatan ko ang damdamin nito sa tanong ko kaya napasimangot agad ako.

"Babae ako!"

Mabilis na nagparte ang dalawa kong labi. "S-sorry..."

"Hindi mo ba alam ang konsepto ng gay? Bakla? Hindi tuwid? Baliko? Baklush?" Umiling ako kaya napataray na lamang ito sa kawalan.

"Tunay ngang marami pa akong gagawin para makasabay ka sa buhay siyudad. You're so mang-mang! Babaguhin kita." Sana nga ay baguhin mo ako.

Kahit iyong sakit sa puso ko... kahit kaunti lang sana magbago at magkaroon ng kahit na kurimpot na liwanag.

That Probinsiyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon