Kabanata 51

5.5K 106 3
                                    


"Gago ka talaga ano?" Tanong ni Alias habang pinupunasan ko ang punong-puno ng pawis na likod ni Alexander na sumusuka ngayon sa harapan ng toilet bowl.

"Okay ka lang?" Nag-aalala ko namang tanong ngunit wala akong nakuhang sagot dahil nga hindi pa rin tumitigil si Alexander sa pagsusuka.

Na'sa may kwarto namin ngayon si James at Alias na mabuti na lang ay nandoon lang rin sa labas ng bar kanina kaya agad akong nakahingi sa mga ito ng tulong dahil kung wala sila? Hindi ko alam... kahit isipin nga lang ay hindi ko magawa, anong mangyayari sa'min ni Alexander? Makakayanan ko kaya itong buhatin ng mag-isa? May tutulong kaya sa amin? Hindi ko alam...mabuti na lang talaga ay mapalad kami ngayon.

Nanghina kanina si Alexander kaya bigla itong natumba pero ngayon naman na nakabalik na kami sa kwarto ay suka naman siya ng suka.

Hindi ko alam ang gagawin.

"You can die from that whole fucking bottle bro, who drink a bottle of vodka in a minute anyways? Iyong mga nagpapakamatay lang! Hindi ka ba nag-iisip?" Sigaw naman ni James na kaparehas ni Alias ay na'sa higaan namin sa labas ng banyo at hinihintay na matapos lang ang pagsuka ni Alexander.

"Tingin ko," Napalunok ako ng laway ko dahil hindi naman ako ang kinakausap nila. "Hindi kayo naiintindihan ni Alexander... siguro bukas niyo na lang siya pagalitan." Ika ko galing sa banyo ng kwarto namin.

Parehas na nanahimik si Alias at James sa sinabi ko at hindi sumagot, akala ko ay nagalit sila sa akin pero maya-maya pa ay narinig ko na lamang ang pagbukas-sara ng pintuan sa labas... malamang ay umalis na ang mga ito.

"Alexander?" Mahina kong tawag dito habang ipinagpapatuloy pa rin ang pagmamasahe sa likod niya. "Okay ka lang?" Napasimangot ako ng patuloy pa rin ito sa pagsuka.

Ano bang gagawin ko?

Hindi pa naman nagkakaganito si Tata dati, samantalang si Kuya naman ay hindi umiinom ng alak kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko upang maging maayos na ang pakiramdam ni Alexander.

Naranasan ko ng tulungan dati si Kuya noong nagkasakit ito at suka siya ng suka, wala no'n si Tata kaya ako lang mag-isa ang nag-asikaso sa kaniya ngunit panandaliaan lamang iyon, bakit kay Alexander ay tila walang katapusan?

Napapikit na lamang ako sandali ng dalawang mata ng biglang lumabo ang mata ko dahil umiiyak na pala ako, hindi ko man lang alam....naaawa na kasi ako sa kaniya at naaasar ako sa sarili ko na wala akong magawa. "Okay ka na A-alexander?" Tanong ko dito ng bigla na lamang ito huminto sa pagsuka at manahimik.

Sandali akong kinabahan sa naisip na baka natigil na ito sa paghinga pero mabilis rin akong nakahinga ng maluwag dahil narinig ko naman makalipas ang ilang segundo ang paghikab nito.

Paano ko siya ngayon bubuhatin sa kama?

Napakagat ako sa ibabang labi ko at sandali na lamang hindi inisip iyon, bahala na kung paano ko siya madadala doon.

Basta ay pinunasan ko na lamang muli ang pawisan na likod ni Alexander, matapos iyon ay hinalikan ko naman muna ito sandali sa batok niyang kaharap ko lang at iniwanan na siya sandali doon sa banyo upang maghanap sana ng kahit na anong gamit na makakatulong sa akin sa pagdala sa kama kay Alexander.

Halos mapaupo ako sa gulat ng paglabas na paglabas ko ng banyo ay nakita ko na na'sa kama pa pala nakaupo si Alias at James na akala ko kanina ay iniwan na kami dahil sa narinig kong pagbukas-sara ng pinto.

Napakamot na lamang ako sa batok ko habang pinagmamasdan ako ng dalawa at hinihintay na magsalita. "S-si Alexander... n-nakatulog doon sa loob ng banyo, h-hindi ko kayang buhatin." Pagkatapos na pagkatapos ko no'n sabihin ay agad na akong tumabi sa gilid ng pinto dahil mabilis na naglakad sina Alias at James sa loob ng banyo upang kuhain si Alexander at ilang segundo nga lang ang lumipas ay mahimbing nang natutulog si Alexander sa may kama.

That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now