Kabanata 60

5.5K 100 14
                                    



Mahalia Andrada ang binaggit na pangalan ng nakakatakot na lalaki, hindi naman ako iyon 'diba? Maaari namang may mga kaparehas lang ako ng pangalan sa buong Pilipinas hindi ba?

Nagpakawala ako ng malalim na hininga na akala mo ay kung ginawa ko iyon mawawala ang kaba na bigla kong naramdaman.

Napakagat na lamang ako ng labi habang ginugulo pa rin ako noong nangyari kanina sa Jolibee, baka kasi iyon 'yong lalaki na nababasa ko sa mahiwagang kwaderno...hindi....hindi siya iyon. 

Pero kung hindi siya iyon ay bakit hindi ko makalimutan ang nangyari? Bakit hindi ako mapakali?

Siya ba iyong kakaibang lalaki sa kwaderno ko? Iyong may katawagan na 'boss' at malamang ay kumitil rin kay Tata at Kuya? Siya ba iyong nakita ko kanina?

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko sa naisip pero napailing na lang ako... kung siya nga iyon, kung totoo nga ang nasa isip ko....kaunti na lang...kaunting-kaunti na lang ay matatagpuan na nila ako.

Anong gagawin ko?

Napapikit ako ng madiin na dahilan ng pagluha ko... gabing-gabi na at hindi ko man lang magawang pumikit ni isang beses, hindi ko kaya, lalo na at alam kong kung maaaring makita nila ako ay hindi lang ako ang mapapahamak. Si Nanay si Ate Carla....maaaring pati sila ay madamay, hindi pwede iyon....hindi ako papayag.

Kaso ano ang gagawin ko?

Napabangon ako mula sa ilang oras kong paghiga sa kama at agad na inilabas ang mahiwagang kwaderno sa ilalim ng kama ko... binigay ito sa akin ng may kapal na wala akong kaideya-ideya kung bakit pero ngayon ay masasagot ko na. Binigay niya ito sa akin upang protektahan ako, makakatulong sa'kin 'to hindi ba? Ito ang sagot....nandito dapat ang sagot.

Marami-rami rin ang iilang pahina na hindi ko pa nababasa pero ang tanging binabasa ko lang ng mabuti ay iyong alam kong galing sa kung sino mang lalaki ang naghahabol sa akin hanggang ngayon.

Ilang buwan na siya, hindi pa ba siya susuko at papatahimikin ako?

Hindi na ako nagulat nang makabasa ako ng alam kong galing nga doon sa lalaking naghahabol sa akin.

"We'll get her....we're confident boss, malapit na, malapit na malapit na."

"May mga tinitignan na kami boss at siguro ay ilang araw na lang mawawala na rin siya sa listahan."

Listahan? Anong listahan ang pinagsasabi nila? Saan ako mawawala?

Mawawala sa mundo?

Ibig ba sabihin noon ay gagawin rin nila sa akin ang ginawa nila kay Tata at Kuya?

Pero bakit? Bakit?

Ano bang habol nila at pati ako ay hindi nila tinitigilan? Ilang buwan na ang lumipas bakit hindi pa ba sila makuntento?

Dumiretso na lamang ako sa may kusina at lumabas ng kwarto ko upang kumuha ng kape ng alam kong hindi na... hinding-hindi na ulit ako makakatulog kahit kailan pa ng mahimbing at payapa.




*****


Lumipas ang linggo ko na wala akong ginawa, literal na na'sa bahay lang ako at sobrang nagiisip na para bang mababaliw na ako, alam kong napapansin iyon ni Nanay Lorna at Ate Carla base sa mga aksiyon nila pero pilit ko na lamang sinasabi sa kanila na wala lang iyon.

That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now