Kabanata 7

12.8K 398 64
                                    



Nakatulala na lamang akong nanood sa lahat ng estudyanteng tinatapak-tapakan lang ang bago kong bag na binili pa ni Nanay Nerie. Wala iyong masyadong laman maliban sa isang notebook na pinahiram sa'kin ni Ate Carla at iilang pansulat.

Hindi pa kasi ako nakakabili ng mga gamit ko... may pera pa akong natitira sa jansport bag kong dinala dito sa Manila ngunit hindi ko naman alam kung saan makakabili at nahihiya na akong magtanong o magpatulong kila Nanay Nerie.

Isa pa, ang sabi nila ay magtanong daw muna ako sa mga guro namin kung ano ang mga kakailanganin dahil sayang naman daw kung bibili na ako kaagad at hindi naman pala iyon magagamit.

Na'sa gilid lang ako habang tinatapakan pa rin ng mga estudyante ang bag ko... halatang walang nakakakita doon kaya patuloy lang ang mga tapak.

Hindi man lang ako makatingin sa taas dahil alam kong kung itataas ko ang mata ko ay baka may makatitigan ako sa mata sa mata at ayaw ko 'yon.

Natatakot ako.

Hindi na ako agad makahinga.

Gusto ko na agad umuwi at 'wag na lang mag-aral.

Napapikit ako ng mata at napasimangot ng bigla akong makakita ng kamay na pinulot 'yong bag ko... hindi ko makita kung sino 'yong taong 'yon dahil tanging sa lapag lamang ako nakatingin.

"Kanino 'to pre?" Tanong ng alam kong lalaki na kumuha ng bag ko sa lapag.

"Don't know." Malamig na sagot ng boses rin ng isang lalaki.

"Seryoso bang may taong nakakahulog ng bag nila na hindi nararamdaman?" Rinig kong ika no'ng lalaki na kumuha ng bag ko at mahinang tumawa.

"Just put it in the lost and found office." Ika ng malamig ang boses na lalaking kausap nito. 

Ano daw?

P-put it in the f-found lost?

Bakit siya nage-english sa Pilipinas?

Kinagat ko ang ibabang labi ko at binuksan na ang dalawang mata ko. Nilakasan kong itinaas sandali ang ulo ko upang makita ang dalawang lalaking nag-uusap na kumuha ng bag ko ngunit nakita kong nakatalikod na ang mga ito ngayon at palayo na ng palayo sa'kin.

Hindi ko na rin marinig ang mga pinaguusapan nila.

Gusto ko silang sundan upang kuhain ang bag ko ngunit nang iikot ko sandali ang paningin ko sa buong pasilyo ay nakita kong may mga tao pa rin. Hindi na iyon kasing-rami ng kanina pero mayroon... paano ko sila masusundan ngayon?

Mabuti nang na'sa gilid lang ako at nakapatong sa pader dahil lahat ng mga estudyante ay may sari-sariling mundo na hindi ako pinapansin ngunit paano naman ang bag ko kung mananatili ako dito?

Bahala na.

Nanginginig ang dalawang tuhod kong nagdesisyon na sundan ang dalawang lalaking hindi ko kilala at 'di ko makita ang mukha dahil parehas na nakatalikod. Hindi ko alam kung mabuti sila ngunit ang alam ko lang ay parehas silang sobrang tangkad.

Halos lahat nga ng nadadaan kong estudyante ay sobrang tangkad... pakiramdam ko tuloy ay naliligaw ako.

Bakit ba kasi ang liit-liit ko?

Nagpakawala ako ng malalim na hininga dahil sa kaba habang sinusundan pa rin ang mga ito... lumabas sila ng gusali kaya ganoon din ang ginawa ko.

Sandali kong tinignan ang labas ng gusali at nakitang sobrang dami na ng tao ngayon sa labas na kanina ay wala naman... pati doon sa lugar kung nasaan ang mga kotse ay napupuno na rin mga estudyante.

That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now