Kabanata 19

10K 300 67
                                    


Nang tignan ko ang na'sa harapan kong si Alexander ay alam kong nag-iisip ito at alam niya na ang kakaibang nangyari kung bakit natatakot ang mga nakasakay sa nakahinto na naming jeep ngayon sa gitna ng madilim na eskinita.

"Mga cellphone at pera, labas bilis!" Pagtingin ko sa mga nakaupo malapit sa pasukan ng jeepney ay nakita kong kinakapa pa ng mga lalaking naka itim na maskara  pati ang bandang dibdib ng mga babae kaya napaanga ang bibig ko sa gulat.

"A-alexander.." Natatakot na tawag ko dito.

Alam kong tulad ng pumatay kila Tata at Kuya ay masasamang lalaki ang mga pumasok sa Jeep kaya hindi ko maiwasang kabahan...sa sobrang kaba ko ay alam kong may mga luha nang bumabalot sa mata ko.

Paano 'yan? Paano kung may masaktan? Bakit nila ginagawa iyon? Bakit sila nagnanakaw ng hindi naman kanila? Hindi ba sila naawa?

"Sssh." Pagpapatahimik nito sa'kin. "Nandito ako."

Napakagat ako sa ibabang labi ko at nagdasal sa isip na sana maging ligtas si Alexander dahil base sa itsura nito ay tila may pinaplano siyang pag-atake.

Ano namang sabi niya sa dalawang lalaking may hawak ng kutsilyo?

Tahimik ko na lamang pinagkatiwalaan si Alexander at pinanood ito... nang ilang hakbang na lang sa'min ang na'sa unahang nakamaskara na lalaki ay biglang umalis si Alexander sa pagkakaupo niya at mabilis ang kilos na sobrang lakas sinipa ang lalaking masama na hindi lamang nakapagpatalsik sa labas sa kanya kundi pati rin sa kasama nitong na'sa likod niya lang.

Kanina lang ay na'sa loob pa si Alexander ng jeep ngunit hindi ko alam ang ginawa nito basta ay sobrang bilis ng kilos niya at biglang na'sa labas na rin siya kasama iyong dalawang lalaking nakasuot ng maskara na sinipa niya palabas. 

Matapos ang lahat nang 'yon ay agad-agad na bumaba rin ang mga tao sa jeepney na dahilan ng pagharang nila sa paningin ko tungkol sa nangyayari sa labas.

Sandali akong natulala sa bilis ng mga nangyayari ngunit bumalik lang ang lakas ng tibok ng puso ko ng marinig ko sa labas ng jeep na tila may mga nagkaka-sasakitan na nga.

Paano kung si Alexander iyon?

Diyos ko po....'wag niyo po siyang pababayaan.

Nanginginig ang tuhod ko na tulad ng lahat ng mga pasahero ay bumaba na rin...lahat sila ay nakaharang kaya hindi ko nakikita ang mga nangyayari pero pilit akong sumisiksik upang makita kung ayos lang ba si Alexander.

Nang makita ko na ang nangyari at tuluyan na akong na'sa harapan ay nakita ko si Alexander na hawak na sa magkabilang kamay ang nakatali nang kamay ng dalawang lalaking naka-maskara. Rinig na rinig ko ang mga manghang bulungan ng mga tao ngunit tanging sa pigura lang ako ni Alexander nakatingin.

Kanina ay sobrang bigat ng nararamdaman ko... na tipong kung ano-ano na ngang pumasok sa isip ko pero ngayon nandito siya...ligtas at malakas pa rin. Hindi tulad ng iniisip ko kanina na tulad ni Tata at Kuya na duguan ko nang nakita...hindi ko maintindihan ang sarili ko pero biglang nakahinga na ako.

Hindi ko na pinigilan ang mga luha ko sa paglabas nang makita ang maayos niyang itsura.

Nang itaas ni Alexander ang ulo niya ay halatang nagulat ito sa reaksiyon ko kaya mabilis akong tumalikod pero agad-agad ay naramdaman ko siya sa likod ko.

Pilit akong pinapaharap nito ngunit hindi ako makatingin sa kanya ng diretso nang hindi umiiyak kaya tanging sa dalawang magnanakaw na lang ako tumingin na ngayon nga ay sinasaktan nang ibang pasahero at kinukuha dito pabalik ang mga gamit nila.

That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now