Kabanata 40

6.3K 145 70
                                    

Akala ko noong nawala na sa akin si Tata at Kuya ay wala nang magiging punto ang buhay ko, ano mang mangyari sa akin ay hindi na ako sasaya ng tunay.

Ngunit dumating si Alexander....dumating siya sa akin at sa sandaling panahon lang ay pinatunayan niyang mali ako.

Buhay ako. Nakakatawa, nakakaramdam at natututo. Si Alexander ang dahilan kung bakit muli akong naniwala na makakaranas pa rin ako ng tunay na kasiyahan kasi nga hindi tulad ni Tata at Kuya, pinanatili akong buhay ng diyos. May punto pa ako sa mundo, may gagawin pa.

Hindi ko alam kung paano niya iyon nagawa sa ganoong kaikling panahon pero pinaramdam niya sa'king kaya kong maging masaya, kaya kong muling tumawa ng totoo at magmahal...magmahal ng buong puso.

Kung segundo lamang ang lumipas upang pumasok sa puso ko si Alexander ay ilang segundo lang rin ang nangyari upang mawasak ng sobrang ang puso ko.

'Pag-asa' masasabi kong ito ang nagbibigay ng enerhiya at lakas sa isang taong nagmamahal ngunit ito rin ang maaring sumira.

Tulad ng nanagyari sa'kin.

Dalawang linggo.

Dalawang linggo na ang lumilipas. Isang linggong hindi pumasok si Alexander at isang linggo na iniiwasan koo siya, at siya na hindi rin ako pinapansin dahil sa hiling ko.

Hindi ko alam kung paano ko ito nakakayanan.

Ang hirap na mawala bigla iyong tao nainaasahan mo, iyong taong akala mo laging nandiyan sa'yo pero pagmamay-ari pala siya ng iba.

Sobrang hirap lalo na tuwing nagkakasalubong kami sa school at tinototoo niya nga ang sinabi niya, ni tingin ay hindi na ako nito binibigyan.

Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko, ako ang naghiling sa kaniya no'n ngunit bakit ay sobrang naaasar ako at nalulungkot na ginagawa naman niya iyong sinabi ko?

Paano niya ako natitiis ng ganoon?

Paano? Siguro kasi hindi niya naman ako mahal....hindi niya naman ako girlfriend.

Napahinto lamang ako sa paglalakad ko ng biglang may humarang sa dinadaanan kong hagdanan, pababa na kasi ako ngayon sa gusali ng pangatlo kong klase papunta sa may Cafeteria upang tugunan iyong trabaho ko ngunit naharap pa ako ngayon sa lalaking iniisip ko...si Alexander.

Matapos iyong harapan namin sa kusina na nakita ng lahat ng nagtratrabaho doon ay hindi na talaga ako kinausap ni Alexander kaya ano pa ang dahilan kung bakit siya na'sa harap ko ngayon?

Ayaw niya naman na sa akin 'diba? Kaya nga natiis niya ako 'diba?

Alam kong dapat ay umalis na ako ngunit hindi ko magawa... nami-miss ko na siya at kahit isang minuto lang, kahit isang minuto pa ng pagtitig lang sa mukha niya ay makukuntento na ako....lalo na't hindi naman siya sa akin, baka sa susunod ay kahit tingin hindi ko na magawa.

Sasamantalahin ko na ito.

Kita ko ang paglunok ni Alexander sa laway niya, ibang-iba ang ekspresyon nito ngayon kumpara sa nakita ko noong nakaraang linggo na sobrang lungkot. Diretso lang ang mukha niya ngayon at talagang magaling na niyang naitatago ang emosyon niya. Hindi ko tuloy alam kung ano ang iniisip o nararamdamn niya.

Wala sa'ming nagsalita ngunit hindi na ako nagmatigas pa ng bigla nitong kuhanin ang kamay ko at dalhin ako palabas ng Building, sa mga dinadaanan pa lang namin ay alam ko nang doon na naman kami sa mga may puno pupunta....iyong lagi naming lugar dito, kung saan kaming dalawa lang at wala ang ibang estudyante, wala ang mga mapanghusga nilang mata at mga bulungan na sobrang sasakit.

Huminto kami ni Alexander eksakto doon sa may pinakamalaking puno.

"I can't deal with this anymore Mahalia," Bigo na ika nito at tila nalolokong sinuklay ang buhok niya gamit ang kaniyang mga daliri. "Ang dami...ang dami-dami kong iniisip kung bakit mo ako ginaganito. Dahil ba sa isang linggo akong wala? Dahil ba doon ay hindi mo na ako papansinin kahit kailangan? Ang bullshit lang Mahalia!"Napaanga ako sandali sa biglang sinabi ni Alexander.

Hindi niya ba alam ang maling ginawa niya?

Hindi niya ba kilala ang pusong pinaasa niya?

Akala niya ba kaya ko siya iniiwasan dahil lang sa maliit na bagay na iyon?

"What!?" Sigaw nito dahil sa tingin ko sa kaniya.

Mabilis kong binawi ang tingin ko dahil sa sobrang lalim at diretsong titig rin sakin nito na tagos sa buto ko. "Ang sama-sama mo." Hindi ko na pinigilan ang pagkasimangot ko at nang tumingala ko ay sigurado akong may luha ng tumulo sa mga mata ko. "Ang sakit-sakit."

"W-wha--" Napatigil si Alexander sa sasabihin niya dahil hindi rin naman niya alam ang sasabihin niya. Itinaas na lamang nito ang dalawa niyang kamay papunta sa pisngi ko upang punasan ang mga tumutulong luha doon. "Don't cry on me like this, i-ikaw ang may gusto nito...pinapalayo mo ako tapos a-ako iiyakan mo?" Kalmadong tanong ni Alexander na halatang sobrang bigo sa ginawa kong pagpapalayo nga sa kaniya.

"Mahal kita. Hindi ako masama. Mahal kita kaya nirerespeto ko iyong gusto mo....lumayo ako oo, para bigyan ka ng panahong mag-isip pero tingin mo ba susukuan kita? Susukuan ko ba ang babaeng nagpapasaya sa'kin araw-araw?"

"H-hindi iyon..."Umiiyak pa ring ika ko, unti-unti ay lumalabo na rin si Alexander dahil parami pa ng parami ang mga lumalabas na luha sa mata ko lalo't na't ngayon na hinahawakan ni Alexander ang pisngi ko at pinupunasan iyon....isang hawak lang nito at sapat na upang bumitaw ako.

"What?"

"S-si.....V-vanessa." Napatigil si Alexander sa pagpupunas ng luha sa pisngi ko kaya mas lalong lumakas ang iyak ko dahil sa reaksiyon nito.

Totoo ba?

Eto na ba?

"She's the reason?" Tanong nito. "Ayon iyong dahilan kung bakit ka ganito?" Tila hindi makapaniwalang tanong nito at maya-maya pa ay pinagpatuloy nang punasan na naman ang mga luha kong lumalabas. "I can't believe you Mahalia." Umiling pa ito at bumubulong-bulong kaya mabilis kong inalis ang kamay niya sa pisngi ko.

"I can't belive you!? I can't believe you ka diyan!" Galit kong sigaw dito. "May girlfriend ka! Meron! P-pero hinalikan mo ako," Humina na ang boses ko sa huling sinabi ko. "Pero pinapalakas m-mo ang tibok ng puso ko....pinaglalaruan mo ako!"

"I'm not!" Depensa nito. "Vanessa WAS my girlfriend! She's my ex! Wala lang 'yon, it's just a fucking fling!" 

Tila napahinto ako pati ang mga luha ko dahil sa sinabi nito. "P-pero...ang s-sabi ni Stephen---" 

Hindi na ako natapos sa sasabihin ko sana ng biglang putulin agad ako ni Alexander. "Stephen? You're still talking to him?" May galit sa boses nito ngunit hindi ko na lang iyon pinansin.

"H-hindi kayo ni Vanessa?"

"No."

"B-bakit?"

"Anong bakit?" May irita na akong naririnig sa boses nito na minsan niya lang sakin pinapakita. "I love you. Dind't I already told you that? Why would I hurt the girl that I love? Bakit ba kasi hindi mo na lang ako kaagad tinanong? Edi sana hindi na tayo nag----"

Siya naman ang hindi ko pinatapos ngayon. "H-hindi kayo ni Vanessa?" Hindi pa ring makapaniwala na tanong ko.

 Paano ko ba pinagdudahan si Alexander?



That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now